8

467 22 14
                                    

Calyx Kheifer Huscaro

2 days have passed, today is Kourtney's Birthday Celebration together with Beaux and Sillero's anniversary and tying the knot celebration. Hindi ko alam kung bakit naisip nila na pagsabayin.

Pinuntahan ko sa Kourtney sa kwarto na pinagbibihisan niya ngayon.

Pero pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ay may narinig na agad akong nag-uusap. Kaya hindi muna ako tumuloy. Nagbabalak na akong lumabas ulit kaso may narinig akong dapat kong malaman.

"Kasama mo si Cal umuwi kagabi diba?" Boses iyon ni Sylvia

"Oo, bakit?" Si Kourtney

"Alam na ba niya?" Tanong ulit ni Sylvia sakanya.

"Hindi pa." Parang hindi 'yon ang gusto niyang sabihin sa'kin.

Alam ang alin? May dapat ba 'kong malaman?

"Kourtney! Kelan mo ba balik sabihin sakanya? Alam na namin kung sinong tatay, kaya 'wag kang mag-tanga-tanga'han. Please lang para sa'yo din toh!" Mataas ang boses na sabi ni Kyosh kay Kourt.

"Kyosh, natatakot ako.." rinig kong naiiyak ng sabi ni Kourtney.

"Kourtney, may karapatan siyang malaman yung tungkol sa dinadala mo! Hindi mo matatago sakanya yan!" Si Kyosh pa din.

Dinadala? Anong dinadala?

"My god, Kourtney! All this time we're siding sayo kasi akala namin ikaw yung tama. What happened? Kourtney ang selfish mo naman! May balak ka ba talagang sabihin sakanya?!" Si Sylvia

"Syl..hindi ko kaya. Syl magmumukha kaming masama pareho, ayokong masira siya ng dahil sa'kin.." Rinig ko ang pag hikbi nito.

"Kourtney, kung malalaman ng lahat kung anong nangyari sainyo hindi lang siya ang masisira kung hindi pati ikaw at ang girlfriend niya! Alam ko namang mahal mo si Cal eh, pero Kourtney hindi mo ba naisip yung pwedeng mangyari? Kourtney, mag-isip ka naman! Hindi lang para sa'yo toh, para narin sa magiging pamangkin namin sa inyo ni Cal." Si Sylvia pa din ang nagsalita.

Hindi ko nakayanan ang narinig ko kaya lumabas ako ng kwarto ni Kourtney.

'Hindi lang para sa'yo toh, para narin sa magiging pamangkin namin sa inyo ni Cal.'

What the fvck was that?

Pamangkin? Ginagag* ba nila 'ko? Kami ni Kourtney? Anong pamangkin ang pinagsasasabi nila?

Pumunta ako sa rooftop para magpahangin at mag isip-isip saglit. Wala man akong naintindihan sa sinasabi nila, ngunit pilit kong inaalala lahat ng sinabi ni Kyosh sa'kin na tungkol sa pamangkin na yan.

Is she somehow—pregnant?

Goodness, gracious. If yes, I'll be a father?!

Yes!! I'll be a father!!

Narinig kong bumukas yung metal door ng rooftop kaya agad akong lumingon.

Nakita ko naman si Kourtney na naglalakad palapit sa'kin.

Nang makalapit siya ay nginitian niya lang ako, iyon lang yung nakuha kong chance para yakapin siya. "Thank you, thank you for giving me such a wonderful blessing." I thanked her. Nung binitawan ko ang pagkakayakap sakanya ay nakatingin lang siya sa'kin.

"Cal, I-i n-need to tell you s-something.." nauutal na sabi niya sa'kin.

"Yes? Go on, I'll listen." Sabi ko.

"Cal, I'm pregnant." Diretso ang pagkakasabi niya at hindi mawawari ang ekspresyon ng mukha niya.

"Yes!!" Nang marinig ko 'yon ay agad ko siyang niyakap dahil sa halo-halong nararamdaman.

Run After HerWhere stories live. Discover now