Chapter 2

16.4K 609 96
                                    




Heraclyne

Inis akong bumalik sa dining room, naabutan ko pa si Selena at Athena na kumakain.

Bwisit ang Quentin na 'yon! Hinalikan ba naman ako sa pisngi!

Hindi ba niya alam na ako ang boss niya? Bastos talaga ang isang 'yon.

"Ate, are you okay? Bakit nakasimangot ka? Nasaan si Psyche?" Tanong ni Selena.

Umiling ako bilang sagot. "Nag-aayos na si Psyche. Pwede bang ikaw nalang maghatid sa kanya? Tinatamad akong magdrive ngayon."

"Hindi naman sa ayaw ko, Ate. Pero kakauwi ko lang, baka pwede namang pagpahingahin niyo ako?"

"Oo nga pala. Sorry. Sige, sa driver nalang."

"Hayaan mo na kaya siyang pumasok mag-isa, kaya naman niya 'yan."

"Hindi pwede, babae siya at baka mapano pa siya sa daan, mahirap na."

Tinawanan naman ako no'ng isa na hindi ko napansin na nandito na pala.

"Anong nakakatawa?" Sinungitan ko ito.

"Kumalma ka nga, tumatawa lang si Quentin, eh." Sabi pa ni Selena. Inikutan ko sila ng mata.

"Anong oras pala pasok mo Athena?" Tanong ko.

"Mamayang alas nueve po." Tumango naman ako.

Napatingin naman ako sa relos ko at nanlaki ang mata ko, alas otso na pala at late na ako sa trabaho!

"Gosh, late na 'ko!" Dali-dali akong umakyat sa kwarto para kunin ang purse ko.

Pagkababa ko nag-aabang doon si Selena.

"Paano 'yan? Gagamitin nila Psyche ang sasakyan, saan ka sasakay?"

"Asan na 'yung subaru?" Tanong ko.

"Pina-maintence, baka bukas pa iyon maayos." Napasapo nalang ako ng noo.

"What? Eh, ano ang gagamitin ko?"

"Baka gusto niyong ako na ang maghatid sa inyo?" Nilingon ko siya.

"Ayan napala, eh. Si Quentin nalang. May sasakyan ka ba?"

Umiling ito. "Wala po. Pero may motor ako."

"Motor?! Isasakay mo ako sa motor?! Baka nga hindi pa tayo nakakarating sa opisina ko mahimatay na 'ko." Saad ko.

"Safe naman siguro itong magpaandar si Quentin, 'di ba?"

Ngumisi ito. "Opo."

Napaismid ako, sinungaling yata ang isang 'to.

"Sumama ka na sa kanya. Lunes ngayon ma-traffic, mas mabuti na 'yong magmotor kayo." Mabuti? Anong mabuti ro'n? Napaka-delikado kaya ng motor.

I groaned. "Fine!"

Napangiti naman si Quentin na parang nanalo sa lotto.

Dumiretso kami sa garage ng mansiyon dahil doon daw naka-park ang motor niya.

Tinanggal niya ang takip nito, napanganga naman ako sa nakita.

"You drive a ducati?" Hindi makapaniwala kong tanong.

"Oo, may problema ba?"

"How come?"

"I bought it with my own money." Tumango naman ako.

Hindi naman sa minamaliit ko siya, ducati is one of the expensive motorcycles in the world. Nakapagtataka lang na meron siya nito.

"Kung nakakabili ka pala n'yan, bakit ka pa nagta-trabaho bilang maid?"

𝐇𝐄𝐑𝐀 | 𝐖𝐒𝐒 #𝟏Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon