Chapter 21

9K 416 31
                                    




Heraclyne

Kinabukasan, hindi ko na alam kung saan ako dinala ni Quentin dahil hindi ko namalayan na nakatulog pala ako dahil sa kakaiyak ko kagabi.

Nagising nalang ako sa amoy ng sariwang hangin na pumapasok mula sa malaking bintana. Saglit akong nag-inat bago bumangon. Pinagmasdan ko ang paligid ng kwartong tinulugan ko. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito at mas lalong hindi ito isa sa mga kwarto ng mansyon.

Saan ako dinala ng babaeng 'yon?

Naglakad ako papalapit sa malaking bintana, pagkasilip ko ay sumalubong sa akin ang mga nagtataasang damo. Nabigla ako sa nakita. Bihira lang kasi ako makakita ng ganitong tanawin sa city maliban nalang noong nasa hacienda kami, matagal na kasi noong nagawi kami do'ng magkakapatid.

Napadiretso ako ng tingin, tanaw na tanaw ko mula rito sa kinatatayuan ko ang naglalakihang bundok at sa gitna nito ang pagsikat ng araw.

Wow.

I'm speechless. Sobrang ganda ng tanawing nasisilayan ko ngayon, isama mo pa ang sariwang hangin na tumatama sa mukha ko at sobrang tahimik ng paligid.

Wala sa sariling napapikit ako, bahagyang umangat ang ulo ko at dahan-dahang gumuhit sa labi ko ang ngiti.

"How can someone be so darn beautiful even after they woke up?" I was cut off of my trance because of a voice behind me. I turned my head towards that person's direction.

A smile crept on her face while she roamed her eyes down my body.

Doon ko lang narealize kung ano ang suot ko.

I screamed at the top of my lungs bago tumalon sa kama at tinakpan ang katawan ko ng kumot. She just kept laughing at me while I'm literally panicking.

"Sino nagpalit sa damit ko?!" Sa pagkakatanda ko ay hindi ito ang suot ko kagabi.

Ilang minuto lang ay kumalma na ito mula sa pagkakatawa. "Chill. Ako nagpalit ng damit mo at 'wag kang mag-aalala wala akong nakita. Nakapatay ang ilaw habang ginagawa ko 'yon." Mahaba nitong lintana.

"Don't you dare lie to me!" I pointed my index at her.

She raised her hands in surrender. "Trust me. I'm not going to do something na walang consent mo, gusto ko aware ka." She smirked at me.

Binato ko sa kanya ang unan na mabilis naman niyang naiwasan, napairap ako sa kanya.

"Saan mo naman nakuha 'tong nighties na 'to? For all I know baka may binabahay kang babae rito kaya mayro'n ka nito." Napahalukipkip ako.

"Why? Are you jealous?" She asked teasingly.

"Why would I be jealous? Tayo ba?" Tinarayan ko ito.

"No... but sooner or later sa akin pa rin ang bagsak mo."

"Being conceited doesn't suit you."

"I know. Because you're more suitable for me."

I groaned in annoyance. "Stop with your cheesy banats, it won't work."

"I'm serious though."

"About what?"

"About what I said. About liking you." Natigilan naman ako doon, bigla-bigla ba naman niyang banggitin.

"Okay...? What do you want me to do about it?"

"I want to court you, if you would let me. Even if you don't like me, I will still try to woo you. I will try my best na gustohin mo rin ako." I was just looking at her not knowing what to say. I didn't know that she was this serious to the point na gusto niya akong ligawan.

𝐇𝐄𝐑𝐀 | 𝐖𝐒𝐒 #𝟏Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon