Chapter 22

9.1K 386 12
                                    






Heraclyne

Nang matapos kumain ng agahan, dumiretso kaming dalawa sa likod-bahay. Umakyat muna si Lolo Greg at si Qiana para tignan ang asawa nito. Mamaya pa ako ipapakilala sa asawa niya sabi ni Quentin.

Kaya pala dinala ako rito ni Quentin ay gusto niyang magbakasyon muna ako para mawala ang atensyon ko sa mga iniisip na problema at lalo na sa nangyari kagabi. Pero alam kong panandalian lamang ang pagtakas ko sa problema, babalik at babalik pa rin ito hanggang sa masulosyunan ko ito.

Nang makarating kami sa likod bahay ay nagulat ako. Akala ko ordinaryo lang itong may mga halaman at kung ano-ano pa man pero sa nakikita ko ngayon ay hindi lang ito basta ordinaryo.

"You guys have a freaking waterfalls?!"

"Yes."

"Ba't hindi ko man lang narinig mula sa loob ang agos ng tubig?"

"Masyadong malawak ang lupain, kakalat ang ingay."

Quentin told me earlier na nasa probinsya kami nito sa Batangas, hindi siya rito lumaki pero taga-rito ang magulang nito at ang grandparents niya. Parehas silang lumaki ni Qiana sa urban area.

"Come. I'll show you around." Hinawakan nito ang kamay ko bago ako ginaya pababa ng veranda.

Kitang-kita agad ang kulay berdeng bermuda grass na nagpalitaw talaga sa kagandahan ng kapaligiran.

"It's so... pretty." I whispered.

"But nothing can't beat your beauty." Napayuko ako dahil ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.

I heard her laugh, "So, do you wanna go for a swim?"

"I don't have anything to wear." I replied.

"It's okay, kumuha ako ng mga damit mo sa kwarto mo bago tayo pumunta rito." Agad ko naman itong hinampas.

"Bakit ka pumapasok sa kwarto ko without asking for my permission?!"

"Because your asleep?"

"You could've just woke me up!"

"Hindi na, para less hussle. Baka kasi magwala ka pa."

"Hey! I'm not a tiger."

"Maybe you're not... but in bed? You'll be wilder than a tiger."

"I knew it! May nangyari kagabi! You took advantage of me you pervert! Ipakukulong kita!"

"Hey! Walang nangyari sa atin kagabi, okay? Like I said, kung meron man ay gusto kong aware ka. And kung ipakukulong mo ako, hindi na kailangan dahil d'yan palang sa puso mo kulong na kulong na ako."

Inirapan ko ito. "'Tse!"

Inis na umalis ako sa harapan nito at umakyat sa taas, pero deep inside sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Pagkabukas ko ng closet, dito sa kwarto na tinulugan ko kanina, ay nakita ko ang ilan sa mga damit ko na galing sa mansyon. So pumasok talaga siya sa kwarto ko? I mean nakapasok naman na talaga siya doon pero not in my closet!

I chose the nearest thing that I could find. It's a black string bikini top paired also with a black tie side bikini bottom. I also wear a short mesh sarong for the cover up.

Walang salamin dito kaya dumiretso ako sa banyo. Doon ko nakita ang hubog ng katawan ko.

"Gosh, Hera you're so hot!" I exclaimed.

Nag-ayos pa ako ng konti bago napasyang bumaba. Naglakad ako sa likod-bahay at naabutan ko si Quentin na nakamasid sa labas. She's wearing a white loose sando with a black swimming trunks.

𝐇𝐄𝐑𝐀 | 𝐖𝐒𝐒 #𝟏Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon