Chapter 6

10.9K 463 34
                                    






Heraclyne

"Ma'am, mukhang malalim ang iniisip natin, ha?" Nabalik ako sa wisyo nang magsalita si Eya.

"Wala kasi akong mapiling model para sa bagong product na ilalabas natin next week. Stress na ako dahil kailangan ko pa ito ipaalam sa board members."

"Kayo naman po ang may-ari, bakit kailangan mo pa ng approval ng board members?" Tanong nito sa harap ko.

"I need their opinion, Eya. Hindi 'yung basta-basta ako nagdi-desisyon." Napahilot ako sa sentido ko habang nakasandal sa swivel chair.

"With all due respect, Ma'am. May kailangan po kayong malaman." Nag-angat ako ng tingin at seryosong tinignan ito.

"Ano 'yon?"

"Mr. Pancho and Mr. Luis are both members of the board. Pero hindi po ba niyo napansin na dati silang empleyado ng Dad niyo." Tinaasan ko ito ng kilay.

"And how'd you know that?"

"Matagal na po akong nagta-trabaho sa inyo. Maliban sa pagiging secretary ninyo, naging espiya na rin ako."

"Okay? Paano ko malalaman na nagsasabi ka ng totoo?"

"Hindi niyo naman po kailangang maniwala sa akin, na sasainyo na po 'yon. Ang punto ko lang po, ay dapat mag-ingat kayo dahil baka may kinalaman si Mr. Pancho at Mr. Luis sa pagbagsak ng sales natin noong nakaraang taon. Alam niyo naman po, kinakalaban ka ng Dad niyo, paano kung gamitin niya ang dalawang board members na magiging daan para tuluyang bumagsak ang kompanya mo."

"You're right, Eya. Dahil d'yan, may bonus ka sa akin."

Napangiti naman ito. "Talaga po?! Ayos!"

"Pero teka, paano mo naisip 'yang mga pinagsasasabi mo kanina?" Ibinaba niya ang ipad na hawak niya, kung saan naglalaman ang schedules ko at iba pang important stuff.

"Hindi niyo ba nahalata, Ma'am? Ang bilis nilang um-agree noong sinabi niyo na si Mr. John Steph ang kukunin niyo bilang ambassador natin."

Bigla akong napaisip sa sinabi niya. Alam kong minsan may pagka-bobo si Eya sa mga ganitong bagay pero ngayon, I'm impressed. Usually kasi, kapag may bagong kontrata hindi ito basta-bassta matutupad kung walang approval from the board members.

"Hmm... Eya, naiisip mo ba ang naiisip ko?" I smirked.

"Hindi po." Inirapan ko ito.

"Okay na sana, eh. Anyways, magpatawag ka ng meeting with the board members." Tumayo ako sa kinauupuan ko gano'n din siya.

"Anong oras po, Ma'am?"

"Make it exactly 2 pm."

"Right away po."

Umalis na ako sa opisina ko at bumaba sa may lobby. Habang naglalakad ay tinawagan ko si John Steph.

"Hello?" Just by the accent I can tell that it's him.

"Up for lunch?" I asked.

"What can you offer?"

"Italian."

"Sure thing, darling." Napailing nalang ako sa sinabi niya.





Nakarating na kami sa italian restaurant na sinuggest kong pagkakainan namin. John Steph also mentioned na hindi pa siya nakakatikim ng italian food which is really surprising.

"For real? Hindi ka pa nakakakain?" Hindi makapaniwala kong tanong.

"Yeah. Madalang lang ang italian restaurant or food sa lugar na tinitirhan ko sa Australia. Wala na rin kasi akong time makapagluto ng totoong food dahil lagi akong busy sa work." Paliwanag niya habang naglalakad kami papasok sa isang sikat na italian restaurant dito malapit sa BGC.

𝐇𝐄𝐑𝐀 | 𝐖𝐒𝐒 #𝟏Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon