Chapter 03

186 51 46
                                    

3









Someone's point of view, year 2021...

Ganon ako eh, that's life. Everything was boring for me. Naka tungo lang ako kaya hindi nya pansin na ngumiti ako. Nakita kona lamang na tumitikim na sya ng putahe ko. Gayon din ang Reyna, naka upo na sila at ako na lang ang nakatayo. Tinignan naman ako ng Reyna kaya napa upo agad ako. Ngumiti naman ako bago tuluyan kumain. 

At habang kumakain kame ay nagku-kwentuhan sina Naynay. At nang makita ko ang prinsesa ay nakatingin ito sakin, kaya't nginitian ko sya. Ang ganda talaga nya! bagay sakanya na tawaging prinsesa. 

" Basta pumunta ka sa palasyo ha? Bago kaarawan ko, gusto kita makasama " ngiti nitong saad 

" Sige ho mahal na prinsesa! " saad ko at ngumiti ulit dito. Pinagpatuloy ko ang pagkain ko, at rinig ko naman sina Naynay. 

" Oo nga pala Beatrice, Hindi kopa nakikita ang Ama ni Victoria? Nasaan sya at hindi nagpapakita? " Saad ng mahal na Reyna. 

" Inatake sya sa puso bago ko isilang ang anak ko. Kaya't hindi nya rin to nakilala! " Si Tatay ang pinag-uusapan nila. Napa-ngiti na lang ako dahil totoo naman ang sinasabi ni Naynay. 

Napatingin naman ako sa kamay ko. Hinawakan ako ng prinsesa upang ikagulat ko. Ha? 

" Ngiti ka lang nandito ako bilang kaibigan mo. " ngiting saad nito. 

" Salamat po " nahihiyang saad ko.. Dahan dahan ko naman inalis ang kamay ko. Bigla na lang kase nya akong hinawakan. Dun ako mas nahiya! 

" Prinsesa halika na, baka hinahanap na tayo ng Ama mo! " Ama. Ang salitang Ama. Bakit diko manlang nasilayan ang aking Ama? Mabuti pa ang Prinsesa kumpleto ang pamilya. 

Samantalang ako, si Naynay lang ang kasama ko simula pagkabata. Sabay sabay kameng tumayo, nagpa-alam kame ni Naynay. At nang makapag-paalam ay hinatid sila ni Naynay. Naghugas na lang ako ng mga pinagkainan dito! 

At habang nag-huhugas ako ay di ako mapakali. Ewan ko! Bigla sumama ang nararamdaman ko! Di kaya bumabalik nanaman ang paso ko? Hinawakan ko yun pero di naman mainit. Anong meron? Kung kanina ay matirik ang araw hindi sumakit. Pero bakit ngayon may nararamdaman akong kirot? Dibale. 

At habang nag-pupunas ako ng kamay, nakarinig ako ng ilang sigaw. Galing sa labas! Tumakbo ako dahil baka si Naynay yun! Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa napiit ko ang isang karwahe. Nakita ko ang kalangitan at napansin kong may eclipse? Paano? Tumakbo na lang ulit ako sa bahay. Baka mag alala si Naynay. ( a/u = speed! mabilisan lang ito ) 

" Naynay anong meron? Bakit biglang lumitaw ang eclipse? Ngayon ba ang litaw ng Eclipse? " 

" Hindi anak hindi. " niyakap naman nya ako agad. " Sige na tumaas kana sa kwarto mo. Magpahinga ka ah? " tumango na lang ako. 

Naiwan si Naynay sa labas. May titignan lang daw, pero tinitignan ko ito mula sa bintana. Pero napukaw ulit ang paningin ko sa Eclipse. Diko alam pero gandang ganda ako dito. Para lang ako nakikipagtitigan dito eh! Sa palagay ko ay parang ganto din ang mata ko ngayon. 

" Anak!! " Sigaw ni Naynay kaya't sinarado kona ang bintana. Bakit sumigaw si Naynay? Ang sigaw na yun ay nandito sya sa bahay. 

~~~ 

Princess Valentine / Atasha's pov 

Nang makasakay kame ni Ina sa karwahe, ay agad din itong umalis. Sa ngayon ay kita ko parin ang Nanay ni Victoria. Pinagmamasdan kame nito habang umaalis. Nabigla lang ako ng biglang tumakbo ang kabayo. Napahawak naman ako sa braso ni Ina. Anong meron sa kabayo? Bigla-bigla na lang ito tumakbo at walang magawa ang lalake. 

The Eclipse ( Completed )Where stories live. Discover now