Chapter 15

55 16 3
                                    

15










The Main Villain...

Someone's P.O.V

Pagdating ko naman sa kinaroroonan ko ay tinahak ko ang aking silid at may kinuha doon. Kinuha ko ang manikang binuhay ko, ngunit namatay naman din dahil sa babaing mandirigma. Pinapahanga nya talaga ako! Kahit kalamnan ko humahanga sakanya?! Pinatunog ko naman ang leeg ko at binaba ang hawak ko.

Humanda saakin ang babaing iyon. Papatayin ko sya, tulad ng pagpatay nya sa babaeng palaka. Tsk!

Kung akala nya tapos na ang lahat, nagkakamali sya. Nag eensayo pa lang ako para saaming pag haharap! pero nahihirapan ako sa kahinaan nya, at yun ang kinakagalit ko!! bumuntong hininga ako't tumayo. Tinitigan ko muna yung manika bago umalis ulit.

na alala ko yung babaing nakasalamuha ko kanina. Mayabang ang pagka asta nya, ngunit hindi nya ako kakilala ng husto! mukhang gusto ata nya mamatay ng maaga!

" Ayos ka lang? musta na? " may pumasok sa silid ko nang hindi ko namamalayan. Masyado pala akong nakatulala sa manika!

Dali dali akong umalis at hinarangan ang silid na iyon. Mahirap na at baka may malaman pa sya!

dahil pag nagkataon patay sya!

" Ayos lang ako, wag moko intindihin. Anong ginagawa mo dito? " kalmado pero nakakatakot na saad ko.

Kita ko naman na humakbang sya ng konti, mukhang natakot ito dahil sa asal ko! Dapat lang, dapat lang nila ako katakutan! ako lang dapat katakutan ng lahat.

Kung ang lahat ng tao ay hinahangaan ang babaing mandirigma. Pwes!! Saakin naman sila matakot! HAHAHAHAHA / insert devil laugh /

ipaparamdam ko sakanilang lahat, na hindi pa tapos ang laban?!

" Hinahanap lang kita, akala ko nawawala ka nanaman eh! " ano naman ang mapapala nya sa kakatingin sakin? tsk!

" Tss, kelan kapa nagkaroon ng paki sakin?! " kalmado ngunit nakakatakot pa rin ang tono ng boses ko. Pumunta ako sa hapag at doon umupo sumabay lamang ito sakin.

nakita ko naman sya na nakakamot na ng ulo. " Ito naman para namang hindi kita kaibigan! " saad nito sakin. Tinitigan ko na lamang sya ng malumanay!

Sanay na ako sa mga ganitong tingin ko.

" Sa pag kaka alam ko wala akong kaibigan, ano bang sadya mo dito! " nag fefeeling lamang sya na kaibigan ko sya.

dahil sa totoo wala talaga akong kaibigan. Sa huli? sinabi na nito ang pakay nya! mukhang may kina iingitan nanaman ang taong ito!!

" May gusto akong ipakulam! " saad nito

" At sino naman ang taong ito? " saad ko habang kinukuha ko naman ang kagamitan ko. Oo masama talaga ako, hindi lang ako halimaw.

May pagkasa demonyo din ako! hahahaha?! / insert devil laugh /

" Si Victoria! Gusto ko syang ipakulam?! " at sino nanaman ang babaing yon? para ngang may kapangalan sya eh, diko lang matandaan.

" At ano nanaman ang ginawa nya sayo! " saad ko dito. Kinakalikot nito ang tubig sa planggana, tsaka nagsalita patungkol sa babaing ipapakulam.

" Mayabang sya! nayayabangan ako sakanya. Kaya dapat lang na makulam iyon! masyado ding silaw ang kagandahan nya sakin!! " mukhang naiintindihan kona ang sitwasyon nya.

" Mukhang tinamaan ka nanaman ng inggit lucifera! " saad ko at hindi ko tinanggal ang paningin dito.

ayokong mangkulam nang taong hindi kopa nakakasalamuha oh nakaka away! pero kung naka away ko man ang taong yon, tsaka ko lang matutulungan ang taong ito. Nag pa alam na ito at umalis na din.

Sino kaya itong Victoria na sinasabi ni Lucifera? ito kaya ang babaing nakasalamuha ko kanina?! tsk. Kung ganon humanda sya sakin! Dahil sa ganitong paraan nakaganti din ako!

*** ( kinaumagahan )

Victoria's POV

Tanghali

Nagising ako tanghaling tapat na at wala pa rin si Naynay. Tinatamad naman ako bumaba kaya nagbasa na lang ako ng libro dito, oh di kaya naman nag aaral ako! ganyan ako kasipag. Remember, running for valedictorian ako haha! ngunit nagambala naman ako sa ingay.

Nang-gagaling iyon sa baba, hindi ako nag dalawang isip na puntahan iyon. Ngunit nasa hagdan pa lang ako, bigla na lang umilaw yung kwintas sabay ng pag karoon ng langis.

anong nangyayari?

" ARAY!! TANGGALIN MO IYAN! TANGGALIN MO! " tss ano sya hunghang! masyadong matalas ang liwanag nito kaya hindi ko inalis.

mukhang proteksyon ko ito sa dadating na away. I can sense it! may kalaban nanaman ako?!

pinuntahan ko naman ang taong sumigaw at nasa kusina pala ito. Ito yung babae kahapon! anong pakay nya dito?! tresspasing din sya kung alam nya lang. Kung pakay nya dito ay ako, nababagay lang sakanya yan.

gusto ko syang mabulag! saad ko sa aking isipan. Kaya't bigla na lang nawala ang matalim na liwanag!

dahil doon nakampanti namana ko!

" Iha anong meron dito? bakit may sumisigaw? -- sino ka?! " Ang mahal na Reyna.

mabuti na lang din na may kasama itong mga kawal. Hinawakan ng mga ito ang babae, habang ako naman ay niyapos ng Mahal na Reyna. Ramdam ko din na hinalikan nya ako sa buhok.

" Mahal na Reyna, kailangan natin imbestogahan ang babaing ito! lalo na't muntikan na nya din galawin ang Prinsesa? "

" Kung Maari sige! -- dalhin nyo sya sa palasyo! alam nyo na kung saan nyo sya ilalagay. " anong ibig sabihin naman ng Reyna? dumadami na ang pala isipan ko ah!

" Prinsesa? sya prinsesa?! mayabang sya kung alam nyo lang! " aba't! -- babaing ito! bulag na nga nakakapag salita pa ng kung ano-ano!

eh kung putulin ko kaya dila nito?! saad ko sa isip ko! nakaka asar lang kasi eh!

" Ha?! At ako pa talaga ha?! " sasaktan kona sana ito kung hindi lang ako piniit ng Mahal na Reyna. " Oo mayabang ako! inaamin ko! dahil gusto ko lang proteksyonan ang sarili ko! " saad ko. Hindi!

Galit ako sa babaing yon!

" Iha, wag kana mag-alala kami na bahala sa babaing iyon. " saad ng Reyna habang pinapakalma ako!

lintik lang ang walang ganti! gusto kong iparanas sakanya, kung paano ako magalit!

" Imbestigahin nyo ang babaing iyon! kung wala kayong mahanap na impormasyon, hanapin nyo bahay nya! " lumingon naman ang Reyna sa natitirang kawal. Tumango na lamang ang mga ito at umalis.

At sa pag kaka-alis ng mga ito ay niyapos naman ako ng Reyna. Bakit parang alam nya na galit pa rin ako? bakit parang alam nya kung paano ako kumalma? haist!

" Halika maupo muna tayo! huminahon ka, nandito ako! hindi kita pababayaan! " saad nito sakin. Hinalikan nya ako sa ulo at niyakap pagkatapos.

Ramdam ko ang pagmamahal nya sakin!

The Eclipse ( Completed )Where stories live. Discover now