Chapter 09

97 30 8
                                    

9










Victoria's P.O.V

Dalawang araw...

Dalawang araw na, pero ito ako. Hindi mapakali, hindi alam ang gagawin. Walang plano bumubuo. Pero pag iniisip ko ang lahat, nasa akin ang buhay nila. At tinataya ko ito.

Nasa kamay ko ang buhay nila, sa ngayon ay nililipad ko ulit ang buong Cordonia. Binabantayan at minamanman din. At oras na lumabas ang halimaw na sinasabi nila, humanda sya sakin. Mga tao ko na inosente ang pinatay nya.

Nililipad ko ang bawat sulok ng bayan na ito, ngunit diko wari na may nakapansin saakin. Nakita kopa nga ang ilang sigawan sa baba. Ano yun? Tinignan ko iyon, nag chi-chismisan sila habang tinuturo ako.

" Halika kayo Nandito ang halimaw! "

" Sya kaya yung halimaw, hala! "

" Halimaw? May halimaw bang nakakalipad, mga boploks! "

" Patayin yan, patayin natin sya! Sya pala ang dahilan ng patayan dito eh?! "

Ako halimaw? Over my dead and beautiful body. Halimaw? Sa ganda kong ito, halimaw? Ay ewan ko sa mga taong ito. Dahil sa kanila napatigil pa ako. Nag sayang lang ako ng oras.

Lumipad na ulit ako at hindi na sila pinansin. Ngunit rinig ko parin ang kantsawan nila. Tsk! Ipagtatangol na nga sila. Sila pa ang mag-gaganyan?

" Nasan kang halimaw ka lumabas ka?! " saad ko sa sarili. Ngunit nahulog naman ako galing sa langit.

Pansin kong natamaan ako ng baril. Yael! Bakit sa lahat ikaw pa! Oo kaibigan ko ang bumaril sa akin. Bumagsak ako, sa gitna ng kagubatan. Bakit ako ang pinag bibintangan nila. Hindi ako makatayo sa sakit kaya ito, pinag kakaguluhan ako. Paano na ito? Parang awa naman!

Wala akong gabay, lalo na't walang magtatanggol sakin.

" Teka, namumukhan ko sya. Sya ang nagtanggol sakin sa mga manyakis. " yung babae.

Diko matandaan kung kelan ko sya pinag tanggol.

" Sakin rin, pinag-tanggol nya ako sa nga taong may balak sakin. " si Atasha. Nandito pala ito? Diko sya pansin

" Hindi, yan ang halimaw! Halimaw sya! "

" Oo nga halimaw, halimaw! "

" Halimaw! Ikaw ang pumatay sa anak ko?! "

" Hindi yan totoo, taga pag tanggol nyo ako tapos pagbibintangan nyo ako! Itong dalawang babae, pinag tanggol ko lang naman sila sa mga tao na katulad nyo?! " tapos biglang umilaw ang paso ko

Ano to?

" Mga hangal, sya ang prinsesa natin tapos pag bibintangan nyo na halimaw?! Tignan nyo likod nya umiilaw! "

Tapos napansin ko naman na nagsi yukuan sila. Tss, mga plastik! Mabuti nga at di ako nakikilala ni Yael eh.

Kundi yari ako.

" Kailangan malaman ito ng Hari at Reyna. Nagbabalik na ang prinsesa, lalo na't taga pag tanggol natin. " may nag salita.

At yun ang naging tsansa ko na makalipad pabalik sa bahay. Kailangan kopa gamutin ang sugat ko.

At mas lalong yari ako kay naynay dahilt dito. Diko alam ang idadahilan ko, lalo na sa kaibigan ko. Paano nga kung magtaka at magtanong sila sakin? Pag uwi ko naman ay sumalubong sakin si naynay. Na nag aalala, bakit? Kase napansin nya iyon. Ngayon diko alam ang sasabihin ko.

" Jusko kang bata ka, ano yan at bakit nagkaroon ka ng ganyan?! " si naynay.

" Nagkaguluhan po sa pinuntahan ko, nagkaroon ng barilan ayan at isa po ako sa natamaan. " pag papalusot ko. Mabuti at yun ang naisip ko.

The Eclipse ( Completed )Where stories live. Discover now