Chapter 11

71 23 6
  • Αφιερωμένο στον/ην reeckz
                                    

11











Who's Nina....

Victoria's P.O.V

Madaling araw pa lang gising na ako, inasikaso ko ang lahat tsaka lumabas pag labas ko eh bumungad sakin ang lakas ng hangin. Niyakap ko ang sarili, malamig at kailangan naka jacket ka haha! Mamaya pa lalabas ang haring araw.

Naka ngiti itong babati samin kasama ang magandang araw. Sana nga ay maganda haha! Nandito na ako samin, dito na ako natuloy at natulog namamahay na katawan ko ih. Sangayon ay nakatayo lang ako at ninanamnam ang hangin.

Malakas ang paghampas nito kaya masasabi kong maginaw, alas cinco trenta pa naman at nag uumaga na hindi na din madilim. Tumalikod ako at papasok sa loob ng may nagsalita, tinignan ko muna ito at sinuri, diko sya kakilala. Pero taga dito ba sya? Never ko sya nakita dito. Nagtataka naman akong tumingin dito kahit nakangiti sya sakin.

" Hello! " saad nung babae sakin

Sa sobrang curious ko ay napatitig pa ako dito, nailang naman ito sakin at nag iwas tingin. Huh? Taga dito ba talaga sya? Dibale hehe!

" Hi? Sino po sila? " taka ko naman saad. Nakakapagtataka lang at diko sya kakilala, masasabi ko rin na parang hindi talaga sya dito. Kumbaga parang dayo lang sya, matanong na lang hehe.

" Ako po si Nina, nakita kita kaya gusto kita kaibiganin hehe " saad nito. Ngayon lang may gustong kaibiganin ako. Grabe! Yan ba ang epekto ng mukha ko? Char!

" Ah yun ba? Hello Nina hehe, ako si Victoria kinagagalak kita makilala hehe " saad ko tapos ngumiti na ako, magluluto na kasi ako ng umagahan. Kaso hindi ko naman sya maiiwan at baka sabihin rude ako, mabait ako ah hehe.

" Ang ganda mo naman, lalo na nang ngumiti ka! Ikaw ba ang nawawalang anak ng Reyna? "

" H-ha? Ah eh H-hindi! " nabulol pa ako sa pagkakasabi, baka ano isipin nya. Mahirap na at baka umasa nanaman ang Reyna. Ayoko nang nakikita na lugmok sa lungkot ang Reyna.

" ha? Hindi? Eh bakit nabulol ka, siguro tama hinala ko ano? " saad nito. Mabilis naman akong umiling dito. Bakit ganto sya mag tanong? Tsaka bakit ang Prinsesa at Reyna ang pinag uusapan namin? Hindi kaya may kinalaman sya sa pagkawala nito?

" Hindi ha! " mabilis ko ding tanong. Sa lahat ng nagtatanong sakin, sya yung kakaiba imbis na purihin ako. Mismong ako pa ang pinag hihinalaan na anakbng Reyna. Tsk!

Tinignan ko ulit ito at nailang nanaman sya. Bakit ba sya naiilang? Dahil baka may kamukha sya? Oo maganda sya, at may tyansa na may kamukha talaga sya.

" S-sige Nina kita na lang ulit tayo mamaya, magluluto pa kasi ako ng umagahan. " saad ko dito, nakita ko naman itong tumango at ngumiti. Ngumiti naman ako pabalik!

Pagtalikod ko nawala ang ngiti ko, iba ang nararamdaman ko talaga ih! Hindi ko masabi kung ano kasi diko ma-express. Tinignan ko naman ang necklace ko, bakit nagtutubig ito? Nabigla ako dahil dito. Hinawakan ko naman ito tapos nawala agad yung tubig. Ha? Nakakapagtaka naman!

Pinag sawalang bahala kona yun at pumasok na...

Pagpasok ko naman ay naghahain na si Naynay, tsk! Ako dapat gumagawa non ba't kasi napatagal pa ako sa labas. Papasok din ako sa school hindi pwedeng hindi, dahil lagot ako kay Naynay! Haha. Nakangiti akong niyakap naynay ko, kaya napatigil ito sa ginagawa.

" Bakit anak? May problema ba? " saad ni Naynay sakin.

" Wala naman po nay, gusto ko lang ipadama ang pagmamahal ko sainyo! " tapos ngumiti naman ako, natawa naman si naynay sa inasal ko at hinarap ako. Inayos nya buhok ko at tinitigan ako, damang dama ko ang pagmamahal nya.

The Eclipse ( Completed )Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα