chapter 07

111 38 12
                                    

7








Victoria's P.O.V

Matapos ang kainan ay niyaya ko si Yael na mag kite. Diko pa kase ito natatru, kahit bata pa ako. First time ko lang ito gagawin dahil,tinuturuan ako ni Yael.

Si Yael lang kase marunong sa mga ganito. Kaya't ito sangayon ay nahihirapan ako. Nandito pa naman kame sa palasyo, sa garden may fountain dito at maaliwalas. Tinuturuan ako ni Yael pero nahihirapan naman ako.

" Victoria ganto kase, kaya ka nahihirapan eh! "

" Paano ba? "

" ganto oh! Yan ganyan! Isabay mo lang sya sa agos ng hangin. "

Kinuha nya ang kamay koat ginabayan. Kung titignan nyo para kameng sweet. Napatingin naman ako sa kamay namin.

" Oh alam mo na? " napatingin naman ako sakanya at tumango. " Osige ikaw nga, mag isa " Sinunod ko lang sinabi nya at yung technique. Namangha naman ako dahil nagtagal iyon sa ere. Wow!

" Ang galing! Hehehe! " ang inosente ko naman!

" Haha ang kyut mo! " napatingin naman ako sa kaibigan ko at ngumiti.

" tara na, kanina pa tayo nandito. At kanina mo pa ako tinururuan. "

" sabi mo yan ah? " nangiti na lamang ako.

Naglalakad naman kame ng salubungin kame ng Reyna at Hari. Nagbigay pugay naman kame at nagsalita. Nakita ko ang Reyna na nakangiti lang. Ang ganda talaga nya nakakamangha.

" Kamusta kayo? May natutunan kaba Victoria? "

" Ah oho! Mahal na Reyna. Ngayon pa lang masasabi kong may natutunan ako "

" mabuti kung ganon! Masaya ako na may natutunan ka "

Tapos nagsalita naman ang Hari. Nakita ko itong nakangiti habang pinagmamasdan kame ng Reyna. Ginagawa nya ata akong prinsesa sa isipan.

" Nasaan na pala ang iyong ina? Baka gabihin sya sa daan. "

" Papunta napo dito si Naynay wag po kayo mag alala. "

Umalis kase kanina si Naynay, matapos ang kainan. Kumukuha kase si naynay ng damit namin. Ilang araw lang naman kame dito sa palasyo. Hindi kame pwede magtagal, dahil may pasok pa kame ni Yael. At kailangan na din magtinda ni Naynay.

" Nag aalala lang kame sa naynay mo "

" salamat po sa pag aalala sa naynay ko. Na ngiti naman ang Hari at Reyna sa sinabi ko.

Naglakad naman ang Reyna patungo sakin at basta na lang niyakap ako. Huh? Para saan naman ang pagyakap? Dibale na lang.

" Salamat at dumito muna kayo, lalo kana "

" wala naman po iyon, basta humiling lang kayo gagawin kopo. " nakangiting saad ko

" talaga? Kung gayon dun ka matulog sa silid ng prinsesa ko "

Napatigil namannako at tumingin sa Reyna. Bakit ganon ang binibitawan nyang salita? Sabik lang ba sya para sa prinsesa? Kase para sakin hindi tama ang matulog sa silid ng prinsesa. Nagtatagal na ang tingin ko sa Reyna, na ikinailang nito. Ngunit may gumambala sakin. Isang sigaw na humihingi ng tulong. Sino yun? Dapat ko ba sya iligtas? At bakit ako nakakarinig ng ganto? Gayon nasa malayo ito.

" Paumanhin mahal na Reyna, pwede po ba ako pumunta sa palikuran? "

" Oo naman bilisan mo lang ha? Hihintayin ka namin " saad nito. Medjo nagtaka pa ito sa inasal ko. Diko na lang pinahalata ang meron ako.

Matapos sabihin ng Reyna ay tumakbo na ako papunta sa fountain. May isang palikuran dito. Pero diko aakalain na may kakayanan akong di makita ng tao? Anong nangyayare sakin? At ngayon naman ay lumutang ako sa ere. Diko muna inisip na may kapangyarihan ako, ang mahalaga maligtas ko yung tao. Kinakailangan nya tulong ko.

The Eclipse ( Completed )Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu