Chapter 08

102 36 12
                                    

8










Victoria's pov

Maganda ang umaga, maganda din ang sinag ng araw. Dahil sa ngayon maaga akong gumising, nililibot ko din ang buong bayan ng Cordonia.

Nililipad ko ito, dahil simula ngayon ayokong makakakita ng gulo. Lalo na't mga lalakae pa ang mag-papasimuno.

Katulad nang nangyari kahapon, napansin ko sa ibaba si Yael. Nakikipag karera sa mga kaibigan. Hindi naman nila ako pansin kaya mas okay yun. Pinagpatuloy kona lang ang paglilibot. Hanggang sa napunta ako sa kagubatan.

Alam ko sa sarili ko na gusto ko ito. Gusto ko ang ginagawa ko, lalo na't nakakatulong pa ako. Simula nang madiskubre ko ang kapangyarihan ko, ay nagsimula na akong tumulong. At ngayon pa lang ito nagsisimula. At hindi ako magsisisi sa desisyon ko.

" Anong binabalak ng mga lalakeng ito? " napatigil ako at napansin ang grupong kalalakihan.

Papunta ito sa direksyon ni Atasha.

Pinagtuonan ko iyon ng pansin, gusto kong makita kung kaya nyang ipaglaban ang sarili at isa pa, gusto kong malaman ang gagawin nila sa babae. Yan ang dalawang rason ko.

" TULONG?! TULUNGAN NYO KO?! ANO BA BITAWAN NYO KO?! " Hindi moba ipaglalaban ang sarili mo Atasha?

Wala kabang lakas para mabitawan ka nila? Kung ganon kakailanganin mo nga ang tulong ko. Malalim na tinignan ko ang mga ito, huminga ako ng malalim at hinanda ang sarili. ' Humanda kayo sakin! '

Walang alinlangan na nilipad ko mga ito, lumanding ako sabay ng paglanding nila sa bangin. Eh wala naman pala mga iyon eh! Tss. Maagas kong tinignan si Atasha, alam kong hindi nya ako makikilala.

" Sa susunod mag-ingat kana, tignan mo muntik kana mapahamak. " saad ko dito. Tapos tsaka lang ito nahimasmasan.

Tinignan nya ako, di nya ako kakilala. Hinawakan nya ang dalawang kamay ko. Nanginginig itong nag-papasalamat sakin. Talagang kailangan mong mag-pasalamat, buhay mo ang nakataya dito.

" Salamat po, maraming salamat po! Kung hindi po kayo dumating, baka napano napo ako! " Atasha.

" Wala iyon, sa susunod mag-iingat kana talaga. Mauna na ako sayo! " Ako.

Pagkasabi ko ay lumipad na ako, pinag-tuonan nya ako ng pansin hanggang sa maka-alis ako. Animo'y iniisip kung sino nakasalamuha nya.

' Mas okay nang hindi nila ako kakilala. Kung sa gayon, malaya akong nakakapaglibot ' saad ko sa sarili.

Pagkatapos kong maglibot ay bumalik na ako sa bahay. Alam kong hinahanap na ako ni Naynay. Pumasok na ako sa loob, napansin kong walang tao. Ha? Saan naman nagpunta ang naynay ko?

" Saan ka galing bata ka?! " nagulat ako kay naynay. Lumabas ito galing kusina, dala dala pa ang sanrok. " Akala koba ay mag jo-jogging kayo ni Yael! Aba eh, nagiging gala kana ba?! " sita nito sakin.

" Nag jogging po akong mag-isa, paano po si Yael gusto makipag karera sa mga kaibigan. " pag-papaliwanag ko.

" Sinabi sakin ni Yael, na naka-sunod ka lang sakanya. Aba eh, nang malinga sya wala kana daw! Saan kaba nag jogging ha?! "

" sa high-way po sakabilang bayan. " pag papalusot kopa. Basta ang alam na ni naynay, gala na ako.

At okay yung pag-papalusot ko. Kinabahan kase ako eh!

" aba't sa malayo kapa nakadating ha?! Sa susunod ay wag kana, lumayo. Mag jo-jogging ka lang naman eh! " napakamot naman ako sa batok.

Ang naynay ko talaga!

Maya-maya naman ay dumating si Yael, nagtaka pa ito ng makita ako. Nandito kase ako sa labas, nagpapahangin. Pinag-pawisan ako makipag-laban kanina. Tinignan ko din syang may halong pagtataka. Bakit ba?

Yan ang trip!

" Ambilis mo naman mag-jogging, nandito kana agad? Eh ni-hindi nga kita nakita na nag-jogging eh! " si Yael.

" Sinasabi mo? Nag jogging kaya ako! Sa kabilang bayan, sa high-way. " saad ko. Ayun at nagitla pa ang mokong.

" Ano?! Victoria ang layo non, paano ka nakapunta don? Paano kung may mangyari sayo sa daan, sinong tutulong sayo? " pag-alalang saad nito.

Nakaka-touch naman sa heart.

" Relax Yael, relax! Alam ko nag-aalala ka lang. Pero kaya ko na ang sarili ko. " saad ko tapos ngumiti na ako dito.

Napansin ko naman na paligo na sya sa pawis. Grabeng tagaktak yan!

" Nako umuwi ka nga muna at maligo. Ang baho mona, na-amoy kona ang kili-kili mo! " pang-aasar ko. Yan at inamoy pa ang sarili.

Pano nya natitiis ang baho nya? Ay ewan ko. Tumingin naman sya sakin, mukhang may binabalak ito ah? Tumayo ako, dinistansya kona agad ang sarili ko.

" Kung may binabalak ka, please lang Yael. Lumayo kana! " saad ko. Tapos kumaripas na ako ng takbo.

Nyeta naman kasi!

Ipapa-amoy nanaman nya sakin ang sarili. Minsan ay ginaganito nya ako. Kaya alam ko binabalak nya.

" Humanda ka sakin! Mabaho pala ah! " natatawa akong tumatakbo, dahil sa sinabi nya. Yawa haha!

Hinahabol nya ako, i mean nag-hahabulan na lang kame dito. Yawa naman kasi si Yael eh. Ngayon pa ako balak pag-tripan. Diko alam ang trip nya eh!

" Humanda ka sakin Victoria, ipapa-amoy ko sayo baho ko! " yawa HAHAHAHA.

" Ayoko nga?! Mabaho ka, mas mabaho kapa sa daga! " pang-aasar kopa. Ayun at mas hinabol ako.

Nakuha naman nya ako, niyapos lang nya ako patalikod. Mukhang nag-bago ah? Hindi nya pina-amoy sakin? Naging sweet sya, diko alam kung bakit. Nag-katitigan lang kame, nginitian din namin ang isa't-isa. Pumalag ka Victoria please, kaso bakit di ako makapalag?! Tsk.

Nag eenjoy kana sakanya Victoria.

****

Makalipas ng ilang oras, gumabi na din. Nag-hahapunan kame ni Ina'y nang may kumatok. Nag-mamadali nga ang taong iyon. Parehas tuloy kame napatigil ni Naynay, pinagbuksan nya yung tao at pinapasok. Diko sya kakilala ngunit, kapit bahay namin sya. Nag-tataka naman akong tumingin sakanila. Gusto maki-chismis.

Bakit ba? Lahat naman ng tao chismosa!

" Bakit ba? Ano ba meron at hingal na hingal ka! " si naynay. Nakita ko naman na binigyan nya ito ng tubig.

Uminom muna yung lalake tapos nag-salita na rin. Nililinis ko ang ngipin ko, na nagtataka rin sa ngayon.

" kase bali-balita, may gumagalang kakaibang nilalang! Ayun at kumalat agad sa buong Cordonia! " batid nito.

At imbis na mag-salita si naynay ay ako ang nag-salita. Siguro dahil sa gitla ko, ngayong nakalap ko ang nangyare. Humanda sakin ang nilalang na ito!

" ano?! Totoo ba yang sinabi mo?! " tumayo pa ako. Nagitla sila sakin! Ultimo pati si Naynay.

" huminahon ka anak, hindi naman tayo pababayaan ng Hari at Reyna diba?? " naynay

" Oo Victoria, pero ang di namin malaman. Kung saan ang taguan nya! Ayun at may namatay na ilang kabataan kanina lang. " napasinghap ako sa inis.

Isang malaking putang ina! Para sa kanya?! Napa itim bagang ako. Kinuyom ko din ang mga palad ko. ' oras na nagkita tayo, humanda ka sakin?! Papatayin kita! '

Nag-sisimula na akong mangamba sa lahat. Lalo na't ito ang kauna-unahang, misyon ko. Malalim akong nag-isip dito. Tangina lang! Lahat ng klaseng mura. Pinag-mumura kona! Tsk.

The Eclipse ( Completed )Where stories live. Discover now