Chapter 12

63 24 6
                                    

12









Victoria's P.O.V

Umagang umaga, papauwiin na agad kami. Eh hindi pa nga naglelecture ito na agad? Pero dapat nga! Lintik kasi ang halimaw na yon.

Susugod sugod! Pagkatapos naman ng lahat ay umuwi na kami, tulad kanina nagbike kami ni Yael naghabulan pa kami para mabilis makauwi.

Wala eh sya lang talaga ang kaibigan ko, sya lang at walang makakapantay don. Pagkauwi ko naman naghihintay sakin si Nina, ang sama pa nga ng tingin nitong kasamahan ko. Feel daw nya masamang tao ito! Hay nako talaga. Mabait naman akong in approach ni Nina eh.

Bumaba na ako ng bike at inayos ito, habang inaayos ko naman ito eh pinagmamasdan lang ako ni Nina. Ha? Bakit naman? May dumi ba ako, tinignan ko ang sarili palihim tsaka ngumiti dito. Ngumiti naman sya pabalik. Nagpa alam muna ako para magbihis tumango lang ito tapos tsaka kami nag usap ulit.

" Nga pala Nina, nakita kita kanina habang napasok sa school. Hindi kaba pumapasok? " taka kong saad dito. Napakamot naman ito sa batok nya. Ewan!

" Hindi eh tsaka wala naman mag papa aral sakin. Tsaka isa pa hindi ko kaya pag aralin ang sarili ko. " huh? Wala ba syang magulang? Paano naman nya iyon nasabi? Bahagya naman tumaas ang kilay ko. Di naman sa nacucurious pero kasi yung sinabi nya eh.

" Ganon? Mabuti nakakaya mo pa mag isa hehe " basta kona lang nasabi.

" Kaya ko naman, nakakagawa ako ng gawaing bahay tsaka nakakapag- luto naman ako. " ngumiti ito kaya ngumiti na lang din ako. Ayoko naman magmukhang rude! I mean masama hehe.

" Mabuti—ah teka saan ka pala nakatira? Kase sa totoo hindi pa kita nakikita dito eh, oh bagong lipat kaba? " pagtataka ko dito. Umiwas naman sya ng tingin sakin, ano naman meron? May iniiwasan ba sya na tanong? Siguro wag kona lang tanungin hehe. " ah wag mona lang pansinin yung sinabi ko hehe " dagdag ko.

Nakita ko naman na umaliwalas ang mukha nya, kumbaga parang nabuhayan sya. Haa? Ang weird nya.

" Ikaw dapat tanungin ko, sino kaba talaga? Victoria ba talaga ang pangalan mo? " nagtataka naman nitong saad. Tumango naman ako at habang inayos buhok ko, humangin ah! " Oo Victoria talaga pangalan ko, I swear nagsasabi talaga ako ng totoo hehe. " saad ko naman kaya ito sya parang hindi naniniwala. Ha?

Sa totoo konti na lang maniniwala na akong baliw ito. Tapos ako naman mag sisisi! Nako, tama na nga sa imahinasyon. Tumingin naman ako sa daan, at papunta pala ito kina Yael. Bakit? May gusto siguro ito sa kaibigan ko.. Hala! Gumawa kaya ako ng tulaypara magkatuluyan sila?

Naks! Ang galing ko talaga?!

" Victoria?! " umalingasaw naman ang boses ni Yael. Wala pa kami mismo sa tapat nito nasigaw na haha!

" Pwede naman na hindi sumigaw eh! Bakit ba? " saad ko pero hinatak nya ako at may binulong. Ayan nanaman sya! Kung ano-ano nanaman ang sasabihin nya kay Nina. " Ano ba sabi ko? Wag ka lalapit at makikipag kaibigan dyan. Iba feeling ko sa taong yan! " yan. Yan din ang pagkakasabi nya kanina sakin! Ewan koba dyan!

" Yael naman, mabait yung tao tsaka sya nga itong unang lumapit! " mahinahon na saad ko dahil gagalit nanaman si Yael.

" Eh paano kung may balak sya na masama saiyo?! Ha?! Sinasabi ko, papagalitan talaga kita. " saad nya kaya napanguso na lang ako. Bakit ganyan naman sya pagdating sakin? Tapos sa unang kaibigan kopa talaga sya ganyan! Tsk.

Napa kamot na lang ako sa ulo.

" Nga pala IMPAKTA!! Ano ginagawa mo at kasama mo kaibigan ko ah?! " napatingin naman ako kay Yael. Grabe sya sa impakta! Maganda naman din si Nina eh.

The Eclipse ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon