Prologue 1

4.4K 137 35
                                    

PROLOGUE ONE

"ITIGIL ANG KASAL!"

Lahat napalingon sa akin, gusto kong matawa sa mga itsura nila pero naalala kong dapat miserable pala ako. Hindi ko nga lang kailangang magpanggap dahil miserable talaga ako. Everyone can see that with my deranged look — gulo-gulong buhok, lukot-lukot na damit, walang saplot sa paa, make-up na nagkalat sa mukha at may bitbit na bote ng Red Horse.

I staggered down the aisle, my left hand clutching the beer bottle limply dangling at my side as my other one pointing to no one. Through my blurry eyesight, I tried to discern who was who by squinting my eyes. I swear I saw a three-faced dog and a unicorn!

Suminghap ang mga tao sa paligid, narinig ko ang bulong-bulungan nila — pake ko? Hindi nila alam kung ano ang nararamdaman ko!

"It wasn't me but you. Sa t'wing hahawakan kita wala man lang akong makapa! At tignan mo nga iyang itsura mo! Hindi ka nagsusuklay akala ng mga tao pugad ng ibon ang dinate ko at hindi tao!"

Naalala ko na naman ang mga sinabi ni Drake, boyfriend ko three weeks ago bago niya ako iniwan at ipagpalit kay Claire na pinsan ko. His remarks stabbed me in the back of the skull, reminding me of how worthless I am. Kasalanan ko ba na hindi na naarawan ang mga pakwan ko kaya hindi na tumubo? Kasalanan ko bang pinaglihi sa walis tambo sa tigas ng buhok ko?

Akala niya perpekto siya, malakas lang ang appeal dahil bokalista ng banda! 'Pero patay na patay ka sa gagong 'yun.' Napahikbi ako sa sinabi ng boses sa utak ko. Despite the pain he caused me, I was still in love with him.

Matagal ko nang alam na niloloko ako ni Drake, sa dalawang taon na relasyon namin ay kahit kailan hindi siya naging honest sa akin — well, naniniwala naman ako kapag sinasabi niyang maganda ako kaya hindi na ako nag-abalang mag-ayos ng sarili — turned out he was just fooling me around. Naalala ko na naman ang mga pang-gaganso niya sa akin.

"Ikaw ang pinakamaganda sa paningin ko, pahiram muna ako ng electric fan mo, ha? Mainit kasi sa Condo may sakit pa rin kasi ang mag-aayos sana ng air-con ko."

"Munchiebabybooboo, you're the most beautiful human being believe me. Ginagamit mo ba 'yung heater mo? Malamig kasi sa Condo kapag tag-ulan wala ka naman sa tabi ko para painitin ako."

"You're the best, munchiebabybooboo, pahiram ako ng dalawang plato, ha? Nabasag kasi kagabi pumunta ang banda sa Condo."

Hayop. Hayop talaga pati mga kutsara ko hindi pinalampas. Nakolekta na lahat ni Drake ang gamit ko sa apartment, couch, coffee table, rice cooker, TV, kumot, punda, pitser at pati mga ref magnets ko! Walanghiya, matapos niyang bakantehin ang laman ng apartment ko ay iniwan na ako! At kay Claire pa na... na... maganda, malaman, makinis — sexy! She's the woman I didn't manage to become. She was the one who made me feel so insecure.

That woman was now standing at the altar with the man I loved. Nahuli ko sila nang umuwi ako sa apartment galing school para ipasa ang project ni Drake na pinagpuyatan kong gawin. I was ecstatic when he said he'd cook for me; Drake was a jerk, but he could cook. So I walked into my apartment and found it quiet, with only Meatballs, my goldfish, swimming around in her bowl. Hindi siya pinakain ni Drake na binilin ko pa namang h'wag niyang kalimutang pakainin.

"Hey, Meatballs, hindi ka na naman pinakain ni Daddy?" I asked but the poor fish simply swam about aimlessly around. I sighed and looked around for Drake but there was no sign of him. "Drake?" Nasaan ang lokong 'yun? Baka may surprise sa akin? He liked surprises, he even told me he wanted to be surprised on his birthday. Oh well, nasaan na kaya iyon — napatingin ako sa sahig nang may maapakan ako. Pinulot ko iyon at inangat ka-level ng mukha ko.

"Panty ko ito, ah." Bakit nagkalat ang panty ko? Oh — hihihi si Drake talaga! "Drake?" Pumunta ako sa kusina bitbit ang panty ko. Wala si Drake. Wala ring pagkain na pinangako niya, sabagay paano siya magluluto eh kinuha niya ang mga kaldero ko kahapon. Hays! Sa kwarto kaya baka namimili na naman siya ng mga movies na iuuwi niya? Tatalikod sana ako para puntahan siya pero may napansin ako. Sa likuran ng refrigerator may nakakubling apat na paa, ang isang pares may cutics na kulay blue. Ang isang pares ay kilala ko, lahat ng parte ng katawan niya kabisado ko.

Kinutuban ako ng masama pero kahit ganoon ay naglakas loob akong lumapit dito para makita. What I saw behind my refrigerator was a nightmare that nearly drove me insane – not completely, but close. Drake was with Claire in my apartment, in my kitchen, in the sight of my innocent Meatballs, behind the precious refrigerator Drake has been eyeing since we started dating. Alam ko namang hindi honest sa relationship namin si Drake pero hindi ko pa rin in-expect na kay Claire niya ako pinagpalit. Kay Claire na makikitulog lang sa apartment ko, hindi ko alam na kasama sa accommodation niya ang pag-kama sa boyfriend ko. Drake gave her a superb hospitality. Mga walanghiya. Now Claire is pregnant. And they are getting married here in this Church but I'm not going to let them.

Aware ako sa mga luhang umaagos mula sa mga mata ko, aware ako sa mga bulungan ng mga tao, aware ako sa groom at bride na na-estatwa sa altar, pero sila ba aware kung gaano kasakit ang nararamdaman ko? I gave everything to the man I loved, pati ang bagong bili kong Thermos!

"Hindi ako papayag na makasal kayo! Hindi! Mahal kita...please, h-hindi mo ako pwedeng iwan!" I cried, my knees gave up on me. Napaluhod ako sa sahig habang humahagulgol ng malakas. Only Drake who appreciated me, kapag nawala siya hindi ko alam kung papaano pa ako babangon.

Saan ba ako nagkulang? Sa dede nga 'di ba? sabi ng boses sa ulo ko. Mas lalo akong napahiyaw at umiyak. Bakit ba hindi ako biniyayaan?

Pinunasan ko ang mga luha at inangat ang tingin kay Drake. "I-I love you so much...please d-don't do this to me...please...mahal kita, Dra — eh?"

Napakurap-kurap ako, kaagad nawala ang kalasingan ko nang makitang ibang tao ang nasa altar. There's no Claire and Drake. It's — oh my god! Sandali... Tumingin ako sa paligid, wala akong makita kahit isang pamilyar na mukha. The strangers around me looked at me pitilessly and some were sorrowful.

"Darling..."

Napatingin ako sa groom na naglakad papalapit sa akin. Nakatitig siya sa akin ng masuyo at  — pinanlakihan ako ng mga mata nang bigla siyang lumuhod sa harap ko at niyakap ako!

"I knew you would come and stop me marrying a woman I do not love," sabi niya nang may pahaplos-haplos pa sa buhok ko.

"A-anong..." Ano bang nangyayari? Bakit nakayakap siya sa akin?! Napatingin ako sa bride na nangingiyak at halos patayin na ako sa sama ng tingin.

"Thank you for saving my life," bulong ni groom sa tainga ko.

Sandali nga! Kumalas ako sa yakap ng tarantadong ito.

"A-ano bang tinira mo manong?" Naka-drugs siguro ito o lasing? Kung ano man, hindi tama ang ginagawa niya! "Bitawan mo nga ako! Nandoon 'yong bride mo, oh! Tapos yayapos ka sa akin na parang ahas at harap-harapang nilalapastangan ang girlfriend mo? Kayo talagang mga lalaki mga manloloko!" Malakas ko siyang tinulak saka tumayo.

Gulat na gulat ito at hindi makapaniwala. Wow, akala mo talaga may relasyon kami kahit naman gwapo siya hindi ko siya papatulan. Ayan nga at ikakasal na dapat eh! Nakakita lang ng ibang babae nagloko agad.

"Manloloko!" sigaw ko bago tumalikod at pasuray-suray na naglakad palabas ng simbahan.

Saan ba kasi kinasal si Drake?

His BrideМесто, где живут истории. Откройте их для себя