8| Numb

1K 90 8
                                    

CHAPTER EIGHT
 

I couldn't enjoy the comfort of the brand new Pet Clinic. Kanina pa ako aligaga at hindi mapakali. Hindi pa tumatawag sa akin si Candice para magbigay ng update tungkol kina Uncle Pitt. Nag-aalala na ako. Sinubukan ko muli silang tawagan pero cannot be reached hanggang ngayon.

Nangangati na rin akong pumunta sa Police Station para mag-report ng missing person pero wala pang 24 hours na hindi sila makontact. At isa pa, banned na kami sa pag-file ng report sa Prisinto. Hindi ito ang unang beses na nawala si Uncle Pitt, noong high school ako madalas siyang laman ng mga missing poster dahil nawawala siya ng dalawang araw. Tapos malalaman namin na nag-camping lang pala siyang mag-isa sa gubat at pag-uwi niya may bitbit na siyang ahas. It always happened, and we always file a report every time he disappeared only to come back a few days with dirty, tattered clothes and a huge smile as if he won a lottery and we didn't almost die in worry looking for him.

"Look, sweetcheeks! I brought a friend! Meet Mr. Chicken!"

Iuuwi niya ang lahat na makita niya sa gubat. Pati mga linta at uuod ilalagay niya sa jar.

Pero iba itong nararamdaman ko ngayon. Usually, I would know if he would come back and if he was just in the wild looking for a new pet, pero kasama na niya si Nana. Hindi pa sila nawala nang magkasama. At hindi kayang umapak sa gubat si Nana. Mas gusto pa niyang maparalisa kesa madikitan ng mga linta.

Huminto ako sa pag-ikot nang mag-ring ang cellphone ko. Mabilis ko itong dinampot sa lamesa at sinagot nang makita na si Candice iyon.

"Can! Did you find them?"

Humugot siya ng malalim na hininga sa kabilang linya. I have this gut feeling telling me I would not like the result.

"Wala sila kina Tita Emily pero hahanapin ko, okay? Gaya ng sabi ko baka nasa Market sila. I'll drive to check them there then I'll call you back again," she assured me.

Tumango ako kahit hindi niya nakikita. "Can, hindi maganda ang pakiramdam ko."

"H'wag kang mag-isip ng masama, Evy. We'll find them, I promise you that."

After the call, I sat on the swivel chair and ran my fingers through my hair. Hindi ako pinapatahimik ng nararamdaman ko. Gusto kong may gawin. Ayokong naghihintay lang.

Tumayo ako at hinubad ang laboratory coat ko at sinabit ito sa rack. Dinampot ko ang bag at susi at nang masiguradong wala akong client sa loob ng isang oras, lumabas ako bago binaliktad ang close sign sa pintuan. Panandalian lang.

Ang maganda sa lugar na ito ay lahat ng pupuntahan mo ay walking distance lang. Ang malayo lang ay ang Mall kung saan aabutin ka ng isang oras kapag nilakad mo. Alas kwatro palang, hindi na masyadong tirik ang araw at mainit. Nang makarating ako sa destinasyon ko ay agad akong nagtungo sa front desk.

The officer behind the table looked up at me from the newspaper he was holding. Hindi siya nagbabasa, nagsasagot siya sa scribble. Inipit niya ang lapis sa tainga at in-uncrossed ang legs para ibigay sa akin ang buong atensyon. His name tag read Ed.

"Ms. Valentine. Anong maitutulong ko sa'yo— hulaan ko," Tinaas niya ang isang hintuturo para sabihing hindi pa siya tapos magsalita at ngumisi. "Nawawala ang Uncle mo."

Sa sinabi niya lumingon ang isang grupo ng mga Pulis sa gilid na nag-uusap. Lumapit ang isa, mayabang ang lakad nito at may ngisi rin sa mukha.

"Nawawa si Pitt? Bakit hindi na ako nagulat?" Siya naman si Kaluwag.

Binaba ko ang tingin sa mga kamay kong nakakapit sa dulo ng lamesa. "Hindi ito katulad ng dati. I swear, ma—"

Ed Pako waved his hand nonchalantly. "Masama ang kutob mo. Oo, naiintindihan kita pero—" Binuklat niya ang isang makapal na notebook at dinulas sa harapan ko. "Walong beses ka nang nagreport ng missing Uncle sa loob ng dalawang buwan."

His BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon