10| Make it Worse

1K 67 11
                                    

CHAPTER TEN

   
"Hindi ko alam ang sinasabi mo."

"Don't deny it. Alam kong ikaw ang nagligtas sa akin kagabi!"

He chuckled, flashing his pearl white teeth like he was doing a live commercial for Dental floss. Dashiel uncrossed his legs as he shifted on the velvet couch, getting comfortable.

My eyes were pinned to him. He looked everywhere but me, and if he wasn't wearing his infamous smile, I would peg him feeling uncomfortable under my gaze.

"Ano naman ang gagawin ko sa lugar na iyon? At isa pa, may maganda akong alibi. I was watching a movie with Kazmus. Tanungin mo pa siya." Tinango niya ang lalaking nakaupo sa kabilang couch.

Humarap ako kay Kazmus nang nakapamewang. I was standing in the middle of their plush living room, trying to act big in the huge space despite the chandelier looming above me. Iniwas ni Kazmus ang tingin at sumulyap sa mga sapatos niya na tila may dagang sumasayaw doon.

"Yeah. I was watching a movie. With him," he said flatly.

Bakit pakiramdam ko nagsisinungaling ang dalawang 'to?

"Sinasabi niyo ba na nagha-hallucinate lang ako? Na guni-guni ko lang na nabaril sa harapan ko ang ex ko at produkto lang ng imahinasyon ko ang bakas ng dugo niya sa damit ko?" Nangilid ang mga luha ko. Hindi ko na alam kung ano ba ang paniniwalaan ko. Pakiramdam ko masisiraan na ako ng bait. "Sinasabi niyo bang i-confine ko na ang sarili sa Mental Hospital?"

"Uhm, hindi naman sa ganoon Everiss," Mahinahon ang boses ni Dashiel. Sumulyap siya sa kaibigan bago sa akin. "Naniniwala naman kami sa'yo."

"Talaga?" suminghot ako. Tumango si Dashiel may munting ngiti sa mukha. "Kung ganoon, maniniwala rin sa akin ang mga Pulis kapag sinabi ko na pinatay si Drake at hinahabol ako ng mga Mafia?"

Isang kurap lang ay nabura ang ngiti niya at napalitan nang kalituhan. I noticed Kazmus tensed in his seat as well. "Mafia?"

I nodded my head and tell them everything that happened last night. Whether it was a nightmare, hallucination, or real.

"Hindi ko alam kung ano ang kailangan nila sa akin pero gusto nila akong kunin." A shiver ran down my spine as the gold-teeth man menacing eyes flashed in my head. Niyakap ko ang sarili dahil pakiramdam ko, nandiyan lang siya. Nag-aabang na makalabas ako sa pinagtataguan para makuha niya ako.

"Ano naman ang kailangan sa'yo ng mga Mafia?" tanong ni Dashiel, tila malalim ang iniisip nito.

Iniling ko ang ulo. It was the same question running through my head the moment I proved last night really happened. Wala akong matandaan na may ginawan ako ng kasalanan para humantong pa sa mga Mafia. 

"Kung tama na Mafia— ehem, ang mga humahabol sa'yo, sa tingin ko hindi maniniwala ang mga Pulis sa'yo." He must have noticed the confusion on my face, so he added. "Hindi ko sinasabi na walang saysay ang mga Pulis pero alam mo naman na Mafia ang halos nagpapatakbo sa syudad na ito hindi ba? What I'm trying to say is, they could be Mafia's puppets. You cannot trust any one of them."

Naramdaman ko ang diin sa huli nitong sinabi, may nakatagong disgusto sa tono. I thought of what he said. May sense ang sinabi niya dahil halos Mafia ang bumubuhay sa Arrow City. Sila rin ang gobyerno at ang batas. Maraming sumasamba sakanila pero kalahati rin ng populasyon ang malaki ang galit sakanila. Bampira ang tingin sakanila ng mga tao, not the one who sucks blood though, but the one who drains life and watches the blood paint the cold ground. They won't hesitate to kill people who have learned of their identity. Walang nakakakilala sakanila at kung sino ang mga kasapi sa Mafia dahil ang pagkatao nila ay nanatiling anino sa mga tao— aside from one.

His BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon