Kabanata 10

1.6K 35 0
                                    

Kabanata 10


"NANDITO na iyong inutos mo," ani ni Grysa pagkarating sa workstation ni Brandon. Inabot niya ang flash drive na nilagyan niya ng limang news articles at ang camera ni Benedict.

Nag-angat ng tingin si Brandon. "Kanina pa kita hinihintay. You're what? Twenty minutes late?"

Hinintay niya ako? Maganda sana kung ginawa iyon ni Brandon na walang kinalaman ang trabaho nila. Pero aasa pa ba siya?

Nahirapan siyang humanap ulit ng mga driver na magpapasakay sa kanya nang libre pero bago pa siya pumunta rito, hinatid na muna niya sa bahay si Brandstel. Hindi kaya ng konsensya niya na iniwan lamang itong mag-isa. Paano na lang kung kidnapin ito? Or worst, kunin ang internal organs ng bata at ibenta?

"Alam ko," sagot niya.  Pagod na siya. Gusto na lamang niyang makaupo sandali para bumalik ang lakas niya.

Naningkit ang mga mata nito. "No comebacks?" tila hindi makapaniwala nitong tanong.

Bakit pa? Alam naman niyang matatanggal na siya sa trabaho ngayon. Palpak siya sa pinagawa nito. Late siya ng dalawampung minuto. Kumakalam na rin ang sikmura niya sa gutom. Umiikot na ang paningin niya at hindi niya alam kung saan kakain. Wala siyang pera.

Mabuti pa iyong bata kanina. May pera pa.

Malalim siyang napabuntong-hininga. "I know the consequence of my actions. Masakit man pero kailangan kong harapin ang parusa mo. Ano? Magliligpit na ba ako ng mga gamit ko?"

Uminit ang sulok ng mga mata niya pero pinigilan niya ang sarili.

Hindi siya iiyak. Kahit iyon lang ay gagawin niya para itayo niya ang sarili. Ngayon pa lang namimiss na niya ang mga taong naging malapit na sa kanya sa istasyong ito. Paano na niya mababayaran ang renta sa boarding house niya? Paano na niya matatawagan ang mga magulang niya sa probinsya?

Ewan.

Mababaliw siya kung patuloy niyang iisipin ang lahat ng iyon.

Pwede naman siguro siyang mangutang muna ulit kay Magda? Mas kakapalan na lang niya ang mukha.

Inutingkay ni Brandon ang camera.

So, wala talaga itong nararamdaman para sa kanya kahit katiting man lang? Hindi siya nito mamimiss?

"Tatawagan na lang kita," ani nito na hindi man lang siya tinitingnan. Ganoon na lang ba siya ka walang kwenta sa lalaki? Ganoon na lang ba ang galit nito sa kanya? Ayos lang sana kung mainis ito sa kanya dahil ayon nga sa kasabihan, "The more you hate, the more you love." Hindi e. Galit ito sa kanya.

Mabigat ang loob na pumunta siya sa sariling workstation. Mas mabigat pa ang puso niya kaysa katawan at sana walang tao ngayon ang gusali para malayo siyang umiyak. Para man lang mailabas niya ang sakit na nararamdaman.


"EXCUSE me po, maam. Kayo po ba si Grysa Montecrisanto? May nagpapabigay po."

Natigil si Grysa sa paglalaro ng ballpen. Nag-angat siya ng tingin at nakita ang isang may edad na lalaki. Hindi man lang ba magawang sabihin ni Brandon sa kanya ng personal ang gusto nitong sabihin at kailangan pang ibang tao pa ang magsabi sa kanya? Isang pag-aaksaya lamang ng oras.

"Ako nga po, kuya. Hindi na lang sana kayo pumayag. Kung ayaw niyang lumapit sa akin, maari namang ako mismo ang lumapit sa kanya. Wala siyang awa." Ganitong klase ba ang lalaking minahal niya?

"Ayos lang, maam. Trabaho ko naman ito."

Nakakainis. Kahit si manong, pinagtatanggol ang ito. "Hindi ayos para sa akin, manong!" napalakas ang boses niyang turan. Biglang nahinto sa kung anong ginagawa nila ang mga kasamahan niya at napatingin sa kanya. Humarap siya sa mga katrabaho. "Oo na. Maganda na ako. Hindi niyo na kailangang mainggit sa alindog ko," imporma niya sa kanila. "Mamaya ko na sasabihin ang sikreto ko kung bakit ako gumanda ng ganito."

Flirty and TwentiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon