Kabanata 31

2.2K 42 0
                                    


Alam mo? Naaawa ako sa mga taong hindi pa nakikita ang taong nakakatuluyan nila. Iyong taong talagang inilaan ng Diyos para sa kanila. Bakit? Dahil hindi nila mararamdaman kung gaano kasarap ang ma-in love. Kung gaano kasarap ang pakiramdaman sa tuwing nakikita mo ang taong mahal mo.

Ang swerte-swerte ko talaga. Napakaagang ipinakilala sa akin ni God si Mr. Right ko. Ang problema nga lang, in denial pa rin si Brandon, my loves ko.

Hmf. Ayos lang. Kaya kong hintayin ang forever basta ba si Brandon iyon.

- Sipi mula sa journal ni Grysa para kay Brandon

"BAKIT hindi mo sila lapitan? I'm sure they would appreciate your presence."

"Charinda...Don't sneak like that. "

"Natatakot ka ba, Brandon?" tanong nito at animo may hinahanap sa kanya.

Palagi na lang ganoon ang babae. Kapag lumalapit ito, hindi man lang niya napapansin. Maybe it's one of the perks of working in a bureau.

Noon pa niya alam na hindi siya gusto ng babae. May hinala na siya na dahil iyon kay Grysa. Mas lalo pang lumala ang pagkamuhi nito sa kanya nang umalis na si Grysa at pumunta sa lugar na ang babae lang ang nakakaalam.

Napangiti siya nang marinig ang tawa ni Cathy habang hinahabol ni Olivares. Sa tuwing tinitingnan niya ang bata, parang may kung anong emosyon siyang nararamdaman. Iyon bang parang gusto niyang mahigpit itong yakapin hanggang sa magsawa siya. Gusto niyang palaging nasa tabi lang ang dalawa at hindi niya maipaliwanag kung bakit.

"Bakit naman ako matatakot, Charinda?" Pumunta ito sa harapan niya. "You're blocking the view."

"Let's focus first on this conversation. Nandito pa sila hanggang Sabado kaya walang problema." That's the problem. Hindi sapat sa kanya ang isang linggo.

Napabuntong-hininga siya. Charinda can be stubborn sometimes. "Fine. Anong pag-uusapan natin?"

"Answer my question. Natatakot ka ba, Brandon? "

"Bakit naman ako matatakot, Charinda? May dapat ba akong katakutan?"

Nagkibit-balikat ito. "Hindi ko alam. Ikaw lang ang makakaalam niyan."

Marahil pinadala ito ni Kadriel. His friend keeps on pestering him about his true feelings for Grysa yet he kept on denying. Anong mabuting maidudulot ng pag-amin niya? Wala. "Para saan nga ang usapang ito?"

"I don't know. Maybe for trying to clear out things. Do you love her?"

That caught him off guard. Yes. Kadriel definitely sent this woman. Dahan-dahan siyang napangiti. "Iyan pala ang dahilan ng usapang ito."

"...and I'm asking for a direct answer."

This is bad. Kapag nasa hot seat na siya, hindi siya titigilan ni Charinda.

"Mas may importante ka pang gagawin kaysa sa pag-interrogate sa akin. Baka hinahanap ka na ng asawa mo."

Sumandal si Charinda sa pader.

Narinig niya ang malakas na tili ni Cathy.

Ano na bang ginagawa ng tatlo?

"Makakahintay si Kadriel."

Nalaglag ang balikat ni Brandon. "Sagutin ko man iyan, wala na ring mangyayari. Masaya na siya sa buhay niya ngayon, kasama ang mga anak niya at...a-asawa."

If he...if he did not stop looking for her, would she be still single right now? Tatanggapin ba nito ang pag-ibig niya? Maari bang siya na ang ama ni Cathy?

Flirty and TwentiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon