Kabanata 11

1.7K 34 6
                                    

Kabanata 11

HINDI mahirap hanapin ang isang Dale Olivares. Agaw pansin ang lalaki sa lahat ng mga tao sa loob ng  Coffee Corner hindi lang sa tangkad nito at palaging pagdadala ng camera kundi sa mahangin nitong personalidad. Sayang nga lang dahil hindi niya gusto ang ganoong mga klaseng tao.

Lumapad ang ngiti ng lalaki nang maespatan siyang papalapit dito. "Dumating ka. Akala ko paghihintayin mo ang gwapong katulad ko."

Napalabi si Grysa.

Mabuti at hindi pa siya tinangay ng malakas na ihip ng hangin.

Inilahad niya ang kamay. "Ibigay mo sa akin ang negatives at nang wala tayong problema."

Kinagat nito ang piraso ng cake. Pinigil niya ang sariling huwag ipahiya ang sarili. Tanghali na pero hindi pa siya kumakain. At parang ang sarap-sarap ng kinakain nito.

"Why don't you take a seat? Bakit akalain ng mga tao na hindi na ako gentleman. Sit, Grysa," parang aso siyang inutusan nito ngunit hindi siya nagpadala.

"Ibigay mo na lang sa akin ang gusto ko," matigas niyang saad.

Kumakalam na ang sikmura niya. Mangungutang na lang kaya siya kay Kuya Ted? Pambili lang ng pagkain kahit sa isang mumurahing karinderya lang sa may kanto. Ang importante, may maipasok siya sa tiyan niya. Hindi magiging epektibo ang pagtatrabaho niya kung walang laman ang tiyan niya.

Kung may trabaho ka pang babalikan, ani ng isip niya.

Naikuyom niya ang kamao. Kaya nga dapat makuha niya ang negatives nang hindi na makarating ang mga litrato kay Brandon. Oras na makarating ang mga iyon sa lalaki, paniguradong tanggal na siya.

"Umupo ka. Pinagtitinginan na ng mga tao ang ka-gwapuhan ko. Nahihiya pa naman ako ngayon."

Nahihiya? Nahihiya pa ito sa akto nito? E, sa bawat pagtitig ng mga babae sa mesa nila, kikindat ito? Pambihira.

"Bakit mo ito ginagawa? Wala ka namang makukuha kung ipagpapatuloy mo ang maitim na plano mong iyan."

Tumaas ang kilay ni Dale. "Paano mo naman nasabing may maitim nga akong binabalak?"

"Come on. Mukha mo pa lang, alam ko na. May importante pa akong gagawin." Pumunta siya dito nang hindi man lang nagpaalam kay Brandon at kapag nalaman nito ang ginawa niya, lagot na naman siya.

Tumayo si Dale at inilapit ang mukha nito sa kanya. Napaatras siya ng wala sa oras na ikinangisi ng lalaki. "Kung kay Mendoza, kapit-tuko ka pero sa akin, para kang napapaso. Anong mayroon si Mendoza na wala ako? Parehas naman kaming gwapo. Mali pala. Mas lamang ako."

"Ha. Noong nagkaroon yata ng ipu-ipo, kinain mo ang lahat ng hangin. Itong tandaan mo, Dale. Walang makakahigit pa sa Brandon ko. Kahit gaano mo pa ipangalandakan sa buong mundo ang mukha mo, hinding-hindi iyan mapapansin ng mga taong may minamahal na."

"Sinasabi mo bang mahal mo ang Mendozang iyon?"

Nag-init ang mukha niya at ilang segundo ring hindi makapagsalita. But what's the sense of denying it? Alam na ni Sir Art ang nararamdaman niya para kay Brandon. Alam na rin ni Brandon iyon maging si Kuya Ted. Wala na rin namang saysay kung ililihim pa niya sa lalaking ito ang pagtangi niya. Mas mabuti nang sabihin na niya ng mas maaga nang hindi na ito mahulog sa kanya.

"Oo. May angal?" nag-gagalit-galitan niyang tanong?

Gumalaw ang paligid. Napasandal siya sa ibabaw ng mesa. Hindi na ito maganda. Baka himatayin na siya pagkatapos. Kailangan na niyang kumain.  

Flirty and TwentiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon