Kabanata 5

1.8K 40 3
                                    

Kabanata 5


HINDI magkamayaw ang mga tao sa Ayala Bridge dahil sa isang taong akmang tatalon. Nasa pinakamataas na bahagi ito ng tulay. Mahigit isang oras nang nabulabog ang trapiko dahil sa agaw-eksena na lalaki. Kanina pa sinubukang kausapin ng mga tauhan ng Manila Fire Bureau ang lalaki upang paalisin sa kinalalagyan nito ngunit hindi nito makumbinsi. Mukha talagang buo na ang isip ng lalaki na kitlin ang buhay nito.

Kinilabit niya ang isang babae sa kanyang tabi. Nakasuot ito ng malaking sumbrero na halos matakpan ang buong mukha nito at may shades pa.

"Ate? Ano bang drama ni kuya?" tanong niya rito.

Habang nangangalap pa ng ibang impormasyon sina Brandon, mas mabuting tumulong na rin siya.

Inalis ng babae ang shades nito sa mukha. Naawa siya nang mamintana sa mga mata nito ang luha. Sa tantiya niya, nasa sixties na ang babae samantalang twenties pa ang lalaki.

Hindi kaya anak ni Lola ang lalaki? isip-isip niya.

"Iniwan siya ng nobya niya. Ayaw nang ipagpatuloy ng babae ang kanilang relasyon dahil ayaw na nitong marinig ang usap-usapan ng kanilang mga kapitbahay. Tama naman ang ginawa ng babae, 'di ba Ineng?"

Baka apo ni Lola ang lalaki. Iniyakan nga, e.

Nag-isip-isip siya. " Kung tunay po silang nagmamahalan, hindi nila dapat pinakikinggan ang sinasabi ng mga kapitbahay nila dahil sa huli, sila naman po ang magsasama. May karapatan lang po iyong mga kapitbahay nila na manghimasok sa kanilang relasyon kapag sila na mismo ang bumubuhay sa dalawa." Wow. Tinalo pa niya si Dr. Love sa pamimigay ng payo. "Kahit maganda man o pangit, bungi man o ngungo, matanda man o bata, may karapatan silang magsama."

Napatingin si Grysa sa ibaba. Ilog Pasig na pala. Marahil hindi marunong lumangoy ang lalaki.

"Sir? Ano po ba talaga ang gusto ninyo?" tanong ng isang bumbero. "Sabihin ni'yo lang po ang gusto ni'yo at pipilitin naming ibigay sa inyo. Huwag lang po ninyong ituloy ang binabalak niyo. Matakot po kayo sa Diyos. Isa po iyang malaking kasalanan.

"Gusto na ko si Beybe. Ipaanhi ninyo si Beybe dinhi!"

Bisaya?

Napakamot sa ulo ang bumbero. Lumipat ang tingin niya kay Brandon na ilang metro lamang ang layo nila. Hindi ba nito tatanungin kung may kuto si kuya? Bakit noong sa kanya na, tinanong siya? Hindi kaya...Hindi kaya nag-aalala lang ito sa kanya?

Tumango-tang siya. Pwede.

"Sir, hindi ko po kayo maintindihan."

"Basta. Ihatag sa ako si Beybe. Maghikog ko kung dili siya muanhi dinhi. Muambak ko sa tulay," pananakot pa nito.

Napapitlag ako nang humagolgol sa aking tabi si Lola. Sinasabi na nga bang hindi matitiis ng isang kapamilya ang miyembro nito. Tila nanghihingi na ng tulong ang lalaki sa mga kasamahan nito. Nagkibit-balikat ang mga kasamahan nito.

Ano ba? Wala bang nakakaintindi ng Bisaya maliban sa kanya?

"Sir," tawag niya sa bumbero na kumausap kanina sa lalaki. Tumingin ito sa kanyang direksyon. "Ang ibig sabihin ni kuya, papuntahin ni'yo raw ang nobya niya." Hindi siya naniniwala na ang gustong makita nito ay ang mismong anak nito. "Brad," tawag niya sa lalaking akmang magpapakamatay. Lumingon ito sa kanyang direksyon. "Unsay pangalan sa imong uyab? Asa siya nagpuyo? Naa kay number niya kay atong tawagan," sigaw niya.

"Beybe!"

Itinuro ni Grysa ang kanyang sarili. Umiling siya.

"Hindi ako ang nobya mo, Brad. Bumaba ka na riyan, este bumalik ka na rito. Masosolusyunan natin ang problemang dinadala mo."

Flirty and TwentiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon