Kabanata 26

1.7K 39 0
                                    


"BRANDON, hindi na ako busy. Kung gusto mong makipag-usap, sumama ka sa akin." Kaaalis lang ni Stellar kaya ngayon lang lumapit si Grysa.

Dinala ni Grysa si Brandon sa isang parke.

"I have good news for you," ani ni Grysa nang makahanap sila ng upuan. Sapat na ba ang sigla sa boses niya? Hindi ba nito nahalata ang tunay niyang nararamdaman ngayon?

"Grysa, hindi iyan ang pag-uusapan natin. It's about us. It's about what happened that night."

Ang gabing iyon. Wala pa rin siyang maalala. Kahit pigain niya ang utak, wala talaga. Iyon ang first time niya. Doon nangyari ang first kiss niya, ang lahat-lahat tapos wala siyang maalala?

Dumaan ang isang mag-anak sa harap nila. Ngumiti ang babae nang makita silang dalawa ni Brandon. Mukhang namukhaan sila nito sa telebisyon.

Maya-maya ay kinaladkad ang ginang ng anak nito ay nagpabili ng cotton candy.

Kumirot ang puso niya.

Isang buong pamilya. Na kailanman ay hindi niya maibibigay sa magiging anak niya. Ngunit sana sa paglaki nito, maintindihan nito ang desisyon niyang ito. Sana maintindihan nito kung bakit hindi nila kasama ang papa nito.

"Kalimutan mo na iyon. Wala na iyon."

"How could you say that?" tanong ni Brandon na animo ito ang nawalan ng pagkababae.

Paano nga ba niya nasabi iyon? Paano nga ba siya nakikipag-usap ngayon sa lalaki na parang walang nangyari? Saan siya kumukuha ng lakas?

Sa baby niya.

Kailangan niyang maging malakas para rito.

"Ito ang gusto ko, e. You should be more thankful. I'm not the same woman that you know on the past couple of months. Napakarami kong natutunan. At ang good news?" Hinarap niya ito saka ngumiti. "Hindi na kita mahal. Malaya ka na, Brandon." Katahimikan. "Malaya ka na!" ulit niya nang hindi ito umimik.

"Sandali. Bibili lang ako ng maiinom." Hinatid niya ito ng tingin.

Celebrate agad? Hindi ba siya nito kayang irespeto? Na kahit paalisin na muna siya nito bago ito magdiwang.

Tama naman ang desisyon niya, hindi ba?

"Drink." Tiningnan niya ang soft drinks na inilahad ni Brandon.

"No. Hindi na ako umiinom niyan. Healthy foods na iyong sa akin." Gusto niyang lumaking malusog ang anak niya. Hindi sakitin.

Umupo ito sa tabi niya. "Iyon ba talaga ang gusto mo? Ang kalimutan ang nangyari? About what I said on the previous day, I'm sorry. Hindi ko iyon sinasadya."

"It's alright. May mga nasasabi tayo na hindi natin sinasadya. I just want to forgive. Ako rin naman ang magkakaproblema kung palagi ko iyong iisipin. I don' t want to be stress." Naglaway siya nang makita ang isang tindero ng mangga. Gusto niyang bumili! "Sandali lang, Brandon. May bibilhin lang ako."

Tumayo siya at hindi hinintay ang sagot ng lalaki. Mabilis niyang tinungo ang lalaki na nagtitinda. "Pabili ako, manong. Ay, huwag ni'yo na lang balatan. Benteng piraso po. Magkano po lahat?"

Sinabi nito ang babayaran niya. Kumuha siya ng opera sa pitaka. Mabuti na lang at may natira pa.

"Mauubos mo lahat iyan?"

Nasa tabi na niya si Brandon, salubong ang kilay.

"Oo naman." Pakiramdam nga niya, kulang pa ang binili niya. "Sasamahan din ako ni Dale sa pagkain nito."

"Si Olivares?"

"Oo. Sasamahan niya ako mamaya. Ipapakilala ko rin siya kina Charinda."

Inimbita niya ang babae upang pormal na makapagpaalam dito. Bukas na siya aalis. Mas mabuti na ring mabilis kaysa makita pa niya palagi si Stellar. Hindi pa niya kayang makita ang babae.

"Siya pala ang dahilan. Alright. Kung mapilit ka talaga. Kakalimutan natin ang nangyari. Pabor sa akin. "

Kinuha niya ang supot ng mangga saka nanggigigil na tinalikuran si Brandon. Pabor nga rito ang desisyon niya. Magiging isa nga na lang naman ang magiging responsibilidad nito. Sige! Magpakalunod ito sa piling ng minamahal nitong Stellar! Kailanman, hindi niya ipapakilala rito ang anak niya.

Sumikip ang dibdib niya. Nagbabadyang kumawala ang mga luha niya pero hindi. Tapos na siyang umiyak. Hindi na siya pwedeng magpatalo sa mga problema niya. Maaapektuhan ang bata.

Humugot siya ng malalim na hininga. Kaya niya ito. Kaya niya ang mga pagsubok sa buhay niya. Hindi ito ang pinakamalaking problema na ibinigay sa kanya. May mas malaki pa ngunit nakaya niya. Anong dahilan upang hindi niya ito makaya, hindi ba?

"Uuwi ka na? Ihahatid na kita." Nasa tabi na niya si Brandon. Ang bilis lang maglakad. Marami kasing energy dahil excited. Sarcastic siya ngayon.

"Huwag na lang. Alukin mo na lang ang mahal mong si Stellar. Doon ka sa kanya. Malamang hinahanap ka na niya. Kailangang-kailangan ka niya ngayon. At ng anak mo."

Walang ano-ano'y hunarap na siya rito. Nagdidilim ang mukha nito. Hit a nerve, huh? "Alam mo."

"Alam ko! Alam ko na anak mo si Brandstel at magkaka-anak na naman kayo ni Stellar. May problema kung alam ko ang mga bagay na iyon? Huwag kang mag-alala. Hindi ko iyon ipagkakalat. Your secrets are safe with me. So will you please let me go?"

"That's the reason why you just let it go?"

Umatras siya nang pakawalan nito ang magkabila niyang balikat.

Papalubog na ang araw. Kailangan na niyang maghanda. Nasaan na ba si Dale? Usapan nila na susunduin siya nito.

"Who cares about my real reasons. You wouldn't even care." A sad truth but real.

"I care. Now tell me the truth."

Now that he cares, it's her time to do the opposite.

Nagiging makulit si Brandon kung gusto talaga nito. "Ayoko nang magsalita. Huwag mo akong pilitin dahil hindi mo makukuha ang sagot. Pagod na ako sa paghabol sa iyo. Oras na upang maglakad ako, lumipat sa kabilang daan. Baka nandoon iyong lalaking magmamahal sa akin. Iyong bibigyan ng importansya ang pagkatao ko. Iyong hindi ako ikakahiya. Iyong hindi ako sasaktan. He will treat me like I'm the most treasured thing here on earth. At panghuli, tatanggapin niya ang sitwasyong ito."

That was too much to ask for a man. Ngunit at least, tapos na siya sa teenage years stage na love. Iyong panlabas na kaanyuhan at estado sa buhay ang iniisip. It took a lot of heartaches para malaman niya na hindi importante ang dalawang iyon. Mas importante pa rin iyong feelings ng tao. Iyong tunay na pagmamahal na iuukol nito para lang sa kanya. Hindi siya gagawing pangalawa kundi siya iyong priority. Wala siyang ibang kahati sa puso ng lalaking mamahalin niya ulit.

"So, will you let it go just like what I did to you? Para quits na tayo. Let's just move on, Brandon. Kahit pag-usapan man natin ang gabing, hindi pa rin natin matatama ang kamaliang iyon. Premarital sex for me is a big no! Ngunit wala na akong magagawa dahil wala na. Kailangan ko na lang matuto sa pangyayaring iyon. Na kailangan kong mag-ingat kapag lasing. Nakakalimutan kasi natin kung ano ang tama dahil kapag lasing tayo, tama ang lahat ng ginagawa natin."

"What if magbunga?" nagtatagis ang bagang na tanong ni Brandon.

"Don't worry. Hindi ko ipipilit ang responsibilidad. I already made your life miserable. Ayoko nang dagdagan pa iyon."

Inilahad niya ang kamay. "Na-settle na ba natin ang issue? Are we good now? If we are, shake my hand."

Napabuntonghininga ito. "Iba ka talaga. Anyways, hindi mo na ako iiwasan?"

Hindi na mangyayari iyon dahil aalis na naman siya ngunit hindi niya sasabihin sa lalaki. Hindi rin niya alam kung hanggang kailan siya roon. Maybe she will stay there for good. She doesn't know. Only God knows and she trust Him.

Ngumiti siya. "Hindi na."

He shook her hand.

It's sealed.

~96s

Flirty and TwentiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon