Kabanata 28

1.8K 36 0
                                    



"WHERE is she?" sa wakas ay hindi na mapigilan ni Brandon na itanong. It's been one week since he did not see Grysa. Tatlong rason lang ang maaring maging dahilan kung bakit ito hindi pumasok: una ay may sakit ito at pangalawa, umalis na ito sa trabaho, at panghuli, na re-assign ito. Hindi niya paniniwalaan ang pangalawa. She was heed-over-heels in love with him so why would she leave?

Tinapik siya sa balikat ni Ted. "These past few days, you seem irritable. Natatakot na silang lumapit sa iyo dahil sa mood mong iyan. What's happening to you? Is it because of her absence?"

Tumalikod siya rito at tinungga ang bote ng tubig. Bakit naman siya maaapektuhan sa pagkawala nito? Mas mabuti nga iyon dahil nawala na ang asungot sa buhay niya. Nagkaroon na rin siya ng katahimikan sa wakas.

"What?" iritadong tanong niya nang lumingon ang lahat sa direksyon niya. Hindi niya gusto ang mga taong nakikinig sa usapan nila. He glared at them and they hastily return to whatever they were working. "Don't laugh, Ted."

"You are affected by her absence. Aminin mo na lang sa sarili mo. Mas magiging madali ang lahat."

"Not a chance. She's still a nobody. I'm glad that she was totally out of my life. Wala nang pagsiselosan si Stellar."

"Right. Nag-aalala ka pala sa kalagayan ng babaeng iyon."

"May pangalan siya."

"Congratulations, by the way for the upcoming baby."

Hanggang ngayon hindi pa rin niya matanggap na magiging ama na siya. Matagal na niyang pinapangarap na magkaroon ng maraming anak pero ngayon...He didn't feel any excitement.

Nalilito siya sa nararamdaman. Para bang may kulang sa puso niya. Ano iyon?

Matagal na niyang pinangarap na maging ina ng mga anak niya si Stellar subalit ngayon...Ang mukha ni Grysa ang nakikita niya. Ang palaging naglalaro sa isipan niya.

Nasuntok niya bigla ang pader.

Mababaliw na siya. He was sure of it. He loved Stellar. Mahal niya ang magiging anak nila. Si Stellar lang ang nasa puso niya...wala ng iba. Hindi si Grysa o kahit na sinong babae ang maaaring pumasok sa puso niya nang walan paalam.

"Hey. Ano naman ang ibig sabihin niyan?"

Matagal niyang tinitigan ang kaibigan. "Kasiyahan ang tawag dito."

Hindi ito naniwala sa kanya.

"Hindi mo na kailangang magkaila. Kung gugustuhin mo, kayang-kaya kong ibigay sa iyo ang address ni Grysa. Gusto mo siya. Bakit mo ba pinapahirapan ang sarili mo? Ganoon ba kahirap aminin sa sarili mo? You totally fall for her. Pwede ba kitang matanong? Bakit mo ginagaya ang mga love stories sa romance pocketbooks? Make your own, Brandon. Make your own."

Mapakla siyang napangiti. "Kung ano-ano na iyang iniisip mo. Kailan ka rin naging si Doktor Love?"

Marahas itong napabuntonghininga at para bang sasakalin na siya sa inis. "One night...a week ago... she called me saying goodbye."

"What? Why?"

"Probably because she couldn't savor anymore the pain that you are giving her. Napapagod din ang puso, Brand. She deserves better, someone who will love her. And I changed my mind. Hindi ko na ibibigay ang address niya sa iyo. Alagaan mo na lang ang magiging baby mo. Focus on them. Don't dwell on your regrets...on going or in coming."

"PARA saan ang pagkikitang ito?" nababagot na tanong ni Brandon.

Tinawagan siya ni Olivares at sinabing makikipagkita ito sa kanya.

Kinuha nito ang shades sa mata, inilagay sa mesa, saka may inihagis na envelope.

"Don't worry. The feeling is mutual. Ngayon ko lang din napilit ang sarili kong makipagkita sa iyo. Do you know what I wanted to do to you for the last few days? I wanted to strangle you."

"Too bad. I wanted to do the same."

Pasimple nitong ikinuyom ang kamao.

Good.

"Masaya ako dahil sa wakas, umalis na rin si Grysa. You didn't deserve them."

Hindi rin siya karapat-dapat sa babae. Wala siyang ginawa kundi saktan ito. "Ito lang pala ang pag-uusapan natin. Hindi na sana ako pumunta."

Tumalon ang tingin niya sa envelope. Nasikmura nitong makipagkita sa kanya dahil sa bagay na iyon?

He already forgot how their war started. Napagtanto na lang niya na sa tuwing nagkikita sila, pinapasaringan siya ng lalaki. At hindi siya ang tipo ng taong pinoporblema ang bagay na iyon.

"I came for that envelope. Para ibigay sa iyo. Why don't you get it?"

Hindi nilulubayan ang tingin na kinuha ni Brandon ang envelope sa mesa. Bumulaga sa kanya ang mga litrato kung saan nakayakap sa kanya si Grysa. Something in his heart clenched. The photo was taken when there was a hostage crisis. May mga negatives din.

Ibinalik niya ang mga litrato. "Para saan ito? Souvenier? Nagkamali ka yata ng binigyan. Kay Grysa dapat ito." Will she posts those pictures on her wall or made a collage out of them?

"Believe me, I thought of that. Hindi niya lang nakuha. So, hindi ka man lang ba magtatanong kung ano ang kwento ng mga litratong iyan?"

"No need. Alam kong inutusan ka niyang kunin ang mga iyan para may ipandagdag sa collection niya."

Tumaas ang sulok ng labi ni Olivares. "Arrogant as always."

"Same as you."

"Doon ka nagkakamali. Not anymore."

"Well, let me guess. She influenced you to change."

"Wrong again. I volunteer to change. Tumatakbo na tayo papalayo sa pinag-uusapan natin. Nararamdaman kong hindi mo ako tatanungin sa kwento ng mga litratong iyan kaya sasabihin ko na lang. Actually, I blackmailed Grysa. Sinabi ko sa kanya na ibibigay ko ang litrato kay Stellar kapag hindi niya sinunod ang utos ko at iyon ay gawin niya ang kabaliktaran ng inaakto niya sa iyo. At sinunod niya ako nang walang pag-aalinlangan.

Kaya mali ang karamihan sa paniniwala mo sa kanya. Hindi siya sakim. Hindi kaligayan niya palagi ang iniisip niya. She thinks about you. She thinks about the effect of the pictures to your relationship with your girlfriend."

Inubos niya ang laman ng napakalamig na laman na inumin.

Why was he felt bothered on the information that Olivares gave him? Was he guilty? For what? For being loyal to his girlfriend?

Um-order siya ulit ng isa pang inumin.

"Thank you for doing me a favor. My life became peaceful."

Nayanig ang mesa nila. "I'm out. Wala ng saysay kung ipagpapatuloy ko pa ang pag-uusap na ito. Pinangako ko sa kanyang hindi kita susuntukin."

"See? Lumayo siya pero mahal niya pa rin ako," may pagmamalaki sa boses na sabi niya. The woman will always love him.

"No. Mas concern lang siya sa image ko."

ILANG beses nang pinilit ni Brandon ang sarili na matulog ngunit hindi niya magawa. Napakaraming mga bagay na pumapasok sa utak niya. Mga bagay na hindi niya sinasadyang isipin.

The heck with his work tomorrow!

Tumagilid siya at kinuha ang unan, ipinantakip niya sa mga mata. Napatigil siya nang tila may anong bagay sa ulunan niya.

Bumangon siya at tiningnan ang bagay.

Ang journal notebook ni Grysa.

Nakalimutan na niya ang notebook na ito.

Will he read it? He didn't own the journal. Hindi magandang basahin ang hindi sa kanya. Pero nabasa na niya ang unang entry nito. Ayos na siguro iyon.

Humugot siya nang malalim na hininga saka binuksan ang notebook.

{GZ"


Flirty and TwentiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon