Chapter 7

3.1K 95 6
                                    

Charm's P.O.V.

<STILL FLASHBACK>

Nang magising ako tumulo nanaman ang luha ko nang maalala ko ang nangyari sa mommy at daddy ko. Nakatingin lang ako sa kisame ng pumasok si manang..naupo sya sa tabi ko...hinawakan nya ang kamay ko.

"Magiging ok rin ang lahat anak...lahat ng nangyayari ay may dahilan...malalaman natin sa tamang panahon."sabi nya...umupo ako at yumakap sa kanya.

"Siguro nga po."malungkot kong sabi.

"Nakaayos na ang burol ng mommy at daddy mo...bababa kaba?..para tingnan sila."nagaalangan nyang tanong.

"Opo."matamlay na sagot ko at tumayo na.

@FUNERAL OF MR.&MRS. FERRER

Nang makababa ako nakita ko agad ang ibang bisita..lahat sinabihan ako ng condolence. Sa sala nakaburol ang mga magulang ko...maraming bulaklak...mga upuan. Mula sa malayo nakita ko ang dalawang kabaong. Dahan-dahan akong naglakad papalapit dito..habang palapit ako dito unti-uting pumapatak ang luha ko...bawat hakbang ko pakiramdam ko may bumabara sa lalamunan. Sa gilid ng isang kabaong nakaupo si Gab...nakatingin sya sakin ng malungkot. Nang makalapit ako ang maamong mukha ng mga magulang ko ang nakita ko...para silang natutulog lang...doon na ako na hagulgol ng iyak..agad akong sinalohan ni Gab. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko habang nakatingin sa kanila. Hindi ko alam kung anong nangyari sakin at bigla nalang akong nag collapse.

<END OF FLASHBACK>

Akala ko non kaya ko nang makita sila na nasa ganoong estado pero di ko pala kaya. Kaya magmula ng mahimatay ako...hindi na ako pumunta doon...palagi lang akong nasa kwarto ko...nagdudusa sa sakit ng mag-isa...umiiyak. Sa tuwing dadalhan ako ni manang ng pagkain..kinakausap nya ko..pero di ko magawang sumagot...kinakain na ko ng kalungkutan at sakit. Dinadalaw din ako ni Gab at kinakausap pero ganun din..minsan natutulala nalang ako. Nakatitig lang ako sa bintana ng may pumasok sa kwarto ko. Nanginig ako sa hindi malamang dahilan at nagtalukbong ng kumot. Bumibilis ang paghinga ko habang palapit ang yabag nito...naiiyak na ako ng maramdaman kong hahawakan nya nako.

"Wag!pakiusap!..wag!"sigaw ko habang umiling at nagpupumiglas ng bigla ako nitong yakapin. Tinangal nya ang kumot na tumatalukbong sa muka ko...doon ko napagtanto na si Gab pala yon. Nag-aalala syang nakatingin sa mga mata ko na ngayon ay nanlalabo na di dahil sa wala akong salamin kundi dahil sa luhang nanggagaling dito.

"Charm! Ano bang nangyayari sayo?"naiiyak na tanong ni Gab sakin.

"Promise me...na hindi moko huhusgahan kapag sinabi ko."malungkot kong sabi.

"Charm..alam mong hindi ako ganun...kung ano man ang nangyari sayo...ako una mong mapagsasabihan."seryoso nyang sabi habang nakatingin sakin.

"I was rape...noong gabing nawala ako."napatakip sya ng bibig at yumakap sakin habang ako naman ay umiyak sa bisig nya.

Isang linggo na ang nakalipas ng makidnapp ako at ngayon ang libing ng mga magulang ko...hindi sana ako sasama ,dahil baka hindi ko kayanin...pero gusto ko silang makita sa huling pagkakataon. Nang mailagak sila sa huling hantungan nila..nagpahuli kami nina manang. Nagkulong ulit ako sa kwarto ko..inaalala ang mga masasayang araw na kasama ko sila. Kinabukasan napabangon ako ng maramdaman kong parang hinahalukay ang tyan ko...sumuka ako ng sumuka sa bowl kahit tubig nalang ang nalabas. Ano bang nangyayari sakin? May nakain ba akong masama?

Matamlay akong tumayo at naglakad pababa para kumain. Binuksan ko ang ref at naghanap ng gusto ko.

"Anong hinahanap mo,Charm?"tanong ni Gab na nakatayo sa hamba ng pintuan ng kusina...medyo magulo pa ang buhok nya..halatang bagong gising. Napatingin ako sa wall clock at napagtantong alas dos palang ng madaling araw.

"Ahh..naghahanap ako ng apple."sagot ko.

"Ayan sa lamesa ah!"sabi nya. lumapit sa pwesto ko at kumuha ng tubig.

Napanguso ako ng makitangred yung apple na tinuro nya. Hindi ko alam pero gusto ko ng green at hindi red na apple.

"Wala bang green?"nakanguso kong tanong kay Gab na nainom ng tubig.

"Wala..matulog ka na ulit..ang aga pa."sabi nya at naglakad na palabas ng kusina. Napapadyak ako ng sabihin nyang wala...naiinis ako na naiiyak.. dismayado akong naglakad pabalik sa kwarto...habang nakahiga ako sa kama nakatingin lang ako sa kisame..nagmumuni-muni..'gusto ko talaga ng apple' habang nagmumuni-muni hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. Sa loob ng isang linggo napapansin ni Gab at Manang na may nagbabago sakin..kahit ako rin...napapasin ko yun. Madalas akong antukin...pabago-bago ng mood...nagkecrave din ako sa green apple..madalas din akong magsuka sa umaga. Pilit kong tinatanggal sa isip ko ang posibilidad na tama ang hinala ko...pero alam ko sa sarili ko na maaring mangyari yun...may posibilidad na tama ang hinala ko.

"Charm!..aalis lang ako..mamimili lang ako ng groceries."paalam ni Gab habang nakasilip sa pinto ko.

"Bakit?..nasaan ba si manang?"nagtataka kong tanong.

"Nasa laundry area...naglalaba..kaya ako nalang ang mamimili."sagot nya.

Paalis na sana sya ng tawagin ko sya. At may ipinabili..nagtataka pa sya kung bakit ako nagpapabili non.

"Basta..mamaya ko nalang sasabihin."sabi ko nalang.

Nang makauwi si Gab agad kong kinuha sa kanya ang PT na pinabili ko sa kanya..tama..napagdesisyonan kong kupirmahin ang hinala ko..para makapag handa ako kung sakaling tama ang hinala ko.

Halos manlumo ako ng makita ang resulta.

"Positive" hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot at saya...halo halo ang emosyon na nararamdaman ko. Masaya kasi may dumating ng umalis ang mga magulang ko..at Malungkot dahil ni hindi ko kilala ang ama ng magiging anak ko..kahit ang itsura nya hindi ko alam...ang tanging palatandaan na alam ko ay ang tato sa balikat nya. Tattoo yon ng isang Mafia at alam ko tato yon ng isang Mafia Boss. Nabasa ko sa isang article na may dalawang uri ng tattoo sa mafia...sa boss at sa member. Nakita ko na ang tato na yon,hindi ko lang maalala kung anong empire...pero ang empire na yon ay isa sa malalakas na Mafia.. Natatakot ako na mahanap nya ako...gaya nga ng sabi nya kaylangan nya ng anak..natatakot akong malaman nya na meron na...kaya naman nagpasya akong itago ang pagbubutis ko hanggat maaari. Paglabas ko ng banyo agad na bumungad sakin si Gab.

"Buntis kaba?"tanong nya. Tumango ako bilang sagot.

"Gab,pwede bang ikaw lang at si manang makaalam na buntis ako?"

"Sige pero..paano kapag magtanong sya kung nasaan ang tatay nya?"Gab.

"Gusto ko walang makakaalam na buntis ako."seryoso kong sabi.

<5 YEARS LATER>

"Mommy!..wake up!"

I Was Raped By mafia Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon