Chapter 22

2.1K 77 5
                                    


C22

"Ako?...magseselos?...eh mas maganda pa ko dun eh...ni hindi nga yata marunong gumamit ang babaeng yun ng make-up ng tama...halos magmuka na nga syang clown eh...tapos waitress sya pero yung damit nya pang gro...saka pake alam ko sa kanya."nakakunot noong sabi ko...narinig ko ang mahina nyang tawa...nagtataka naman akong tumingin sa kanya...anong nakakatawa?

"Wow...ang taas ng confidence ha...pero alam mo... hindi ka maganda."seryoso nyang sabi...nawala ang pagkakunot ng noo ko nang sabihin nya yon...ibig sabihin panget ako para sa kanya...bakit parang ang sakit marinig sa kanya yun?...alam ko sa sarili ko na maganda ako...pero bakit naubos ang confidence ko ng sabihin nya yun.

"Edi hindi!... pake ko sa nararamdaman mo"mataray kong sabi...matakpan lang ang lungkot na nararamdaman ko...pakiramdam ko disappointed ako.

"You're not beautiful..."seryoso nyang sabi...oo na! alam ko na...kaylangan paulit-ulit?...nakakasakit kana ha!

"You're not beautiful because...you're a goddess."nakangisi nyang sabi...parang nabuhay ang lanta kong puso ng marinig yon...magaling syang mambola ha...magsasalita na sana ako ng biglang dumating ang isang waitress dala ang inorder namin..ko lang pala kasi ako lang ang umorder...hindi na yung waitress kanina...inilapag nya ang order namin...nagpasalamat naman ako bago sya umalis...natakam ako ng maamoy ang bicol express...wow tagal ko nang hindi nakakakain nito.

"Lilinawin ko lang ha?..libre mo diba?"tanong ko sa kanya...napatingin naman sya sakin.

"Ang yaman-yaman mo...tapos nagpapalibre ka?"nakataas kilay nyang tanong...ang taray ha...bakla ba sya?

"Bakit?...mas mayaman ka naman ah...kaya libre mo na."lakas loob kong sabi...bayad nya yan sa pagsabi ng hindi ako maganda...mas mayaman naman talaga sya eh...bariya lang sa kanya ang inorder namin.

"Oo na."malamig nyang sabi at nagsimula nang kumain...ganun din ako...napaungol pa ko sa sarap ng matikman ang bicol express...namiss ko to...napatigil ako sa pagnguya ng mapansing nakatingin sakin lang sakin si Zyro... Anong problema nito?..nakakailang yung tingin nya ha...hindi ko malunok yung nginunguya ko.

"Stop doing that."seryoso nyang sabi...stop doing what?...wala akong ginagawa ha.

"Stop doing what?"nagtataka kong tanong...ganun parin ang tingin nya...ano ba yan naggegera nanaman sa puso ko.

"Stop moaning...it's turning me on."namula ako sa huli nyang sinabi...Umiwas nalang ako ng tingin...hindi ko nalang inisip yung sinabi nya...kunwari di ko narinig yon...pinagpatuloy ko nalang ang pagkain.

Hanggang sa makasakay kami ng kotse tahimik parin kami...hindi naman yung awkward na katahimikan...nakatingin lang ulit ako sa bintana...sa sobrang boring hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

∆Shawn's P.O.V.∆

Nakangiti lang ako habang nagdadrive...ang cute nya talaga kapag naiinis...hindi talaga ako makaget over kanina doon sa resto...halata sa kanyang nagseselos sya...tapos para syang batang inagawan ng candy ng sabihin kong hindi sya maganda...sa totoo lang gusto ko ang taas ng confidence nya...hindi sya nagpapadown dahil lang sa sinabi ko...naginit lang ako ng bigla syang umungol...shit talaga...required bang kapag namiss ang pagkain uungol?...shit may nabuhay sakin na hindi dapat...ang laki nyang tukso...ang sakit nya sa puson...kung hindi lang to magagalit sakin...gagawa na talaga ako ng tagapag mana...pero dahil gusto kong pumayag sya na maging ina ng anak ko...hindi ko sya pipilitin...hindi ko na gagawin ang isang bagay na alam kong makakasakit sa kanya...sa damdamin nya...gagawin ko ang lahat para mahulog sya ng kusa sakin...mga ilang oras pa at nakarating narin kami...pinark ko ang kotse ko...napatingin ako sa babaeng maamong natutulog sa tabi ko...I hate to wake her but we're already here...mahina ko syang niyugyog sa balikat pero hindi sya nagising...bumaba ako ng kotse at binuksan ang pinto kung nasaan si Andria...niyugyog ko ulit sya pero ayaw magising.

"Hey!...Andria...wake up...if don't open your eyes I'll kiss you...torridly."husky kong sabi...para matakot sya...pero langya tulog mantika...dahan-dahan kong nilapit ang muka ko sa kanya...ayaw mo gumising ha...konti nalang sana at maglalapat na ang mga labi namin...pero bigla syang nagmulat ng mata...nanlaki ang mata nya nang makita ako...ano ka ngayon...sabi ko hahalikan kita pero dahil gising kana wag nalang...lalayo na sana ako pero napansin kong napapikit sya...hahaha is she waiting my kiss...kahit na gusto kong gawin kaylangan na namin mag check in.

"Lets go."malamig kong sabi...nagmulat naman sya napansin nya sigurong para syang tangang naghihintay sa wala....napansin ko pa ang sama ng tingin nya sakin...hahaha ang cute nya talaga...inayos nya ang sarili nya bago bumaba...habang papasok kami ng resort binabati kami ng mga staff...syempre kasama ko ang may-ari...saka kilala ako dahil isa ako sa pinakamayamang negosyante sa buong Asia...ok tama na ang hangin na...(nasa beach kayo malamang mahangin).

"Shawn?..is that you?"napatingin ako sa babaeng papalapit samin...sya si Jane Aria Lopez...isa sa mga anak ng business partner ko...at ang babaeng parang linta kung dumikit sakin.

"Are you here for me?...ohh..I'm so glad...are you his secretary?..pakidala."utos nya kay Andria na ang sama na ng muka...patay.

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

∆Charm's P.O.V.∆

"Excuse me lang miss ha...hindi nya ko secretary or what...at bakit mo sakin ipapadala yang bag mo?...may kamay ka diba?...ako ang may ari ng resort nato...at nandito kami para sa mga gagawing pagbabago dito...at isa sa mga gagawin ko ay ang ipagbawal ang mga clown dito."mataray kong sabi sa babaeng nakapulupot na ngayon ang braso kay Zyro...ito namang isang to parang gusto pa.

"How dare you!...I'm not a clown."malakas nyang sabi at sasampalin na sana ako ng bigla ko sya suntukin sa ilong nagpawala sa kanya ng malay.

"Hindi ka nga clown...linta ka eh."malamig kong sabi at nauna ng maglakad...hindi ko na pinansin si Zyro...bahala sya dyan...magsama sila ng higad na yan...halos lahat ng madaanan ko napapatingin sakin...pero hindi ko nalang pinansin at kinuha ang susi ng isang cottage...bahala na nga si Zyro maghanap ng cottage nya.

I Was Raped By mafia Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon