Chapter 13

2.8K 82 2
                                    

C13🍒

Jace Elijah Santillan Cole - cousin of Shawn on father side,eldest brother of Jared and a handsome chef.

∆Third Person's P.O.V.∆

Habang busy si Shawn sa pagpirma ng mga papeles may biglang pumasok sa opisina nya...napatingin sya dito...naging blangko ang muka nya ng makita kung sino ito.

"What do you want?"inis nyang sabi...napamaang naman ito at tumingin sa kanya ng nagtataka.

"What?..kakarating ko lang...kung maka tanong ka parang araw-araw akong nandito ah."maang nitong sabi...sya si Jace Elijah Santillan Cole,kapatid ni Jared at isang chef pero kagaya ng kapatid may pagka abnormal din ito...lahat sila gwapo...sabihin na nating maganda ang lahi ng mga Cole...kakambal ng tatay ni Shawn ang tatay ng dalawang ito...kaya lang namatay ang tatay ni Shawn sa isang ambush nang papunta ito ng Main Empire kaya naipasa sa kanya ang Cole Empire...pero nakasaad sa rules ng mafia na para makuha ng buo ang position sa pagiging mafia kaylangan mo munang magkaroon ng tagapag manang...kapag hindi nagkaroon ng tagapag mana ang unang mafia boss mapapasa sa pangalawang mafia boss ng empire na ito ang kalahati ng organization/empire...kaya ganun nalang kadesperado si Shawn na magkaroon ng tagapag manang dahil narin sa pinaghirapan ito ng kanyang ama...pero dahil sa iniisip ng ibang mga mafia boss hindi sya karapat dapat sa posisyon...maraming gusto syang mawala.

"I don't care...nawala nga yung kapatid mo ikaw naman pumalit."salubong na kilay na hayag ni Shawn.

"Wow!nag improve ang pagtatagalog mo ah."namamanghang hayag ni Jace.

"Whatever... Now tell me...why are you here?...what do you want?"tanong nya kay Jace at sumandal sa swivel chair nya.

Umupo si Jace sa upuan sa harap ng lamesa ni Shawn.
"Well gusto ko lang malaman kung interesado ka na maging business partner ko...since parehas namang hotel and restaurant management ang business natin."nakangiti nitong sabi.

"No thanks...I already have someone in mind that could be my business partner."balewala nyang sagot dito at pinaglaruan ang ballpen na hawak.

"What?..sino?..pwede pa naman tayong maging business partner ah."nakanguso nitong reklamo...'manang mana sa kapatid'

"Ferrer...does it ring a bell."lalo naman itong napanguso...dahil alam nito na ang babaeng CEO ng kumpanyang ito ay ang babaeng kinababaliwan ni Shawn...kaya naman nawalan sya ng pag-asa ng marinig ang apelyido ng gusto nitong maging business partner.

"Ok..pero...ayaw mo ba talaga akong maging business partner...di mo na ko lab?"nakabeautiful eyes pang tanong nito kay Shawn at nilapit pa ang muka kay Shawn...napangiwi si Shawn sa kabaklaan nito...hinawakan nya ito sa muka at inilayo sa kanya ng bahagya.

"Oo nga...kaya pwede ba?..umalis kana dito...may pupuntahan pa ko."pagtataboy ni Shawn kay Jace...humawak naman si Jace sa dibdib nya na parang nasasaktan.

"Ouch!...ang harsh mo naman sakin,bro...bakit si Jared hinahayaan mo na manatili dito...tapos ako tinataboy mo?..ang unfair mo."nakanguso nitong reklamo...napairap naman si Shawn sa kawalan dahil sa kaartehan nito...30 years old na pero kung umasta parang bata...paano ko ba naging pinsan to? Isip ni Shawn.

"That's I have someone to talk to...now get out!"pangtataboy nya pa.

"Wag kang pupunta sa resto ko."pagbabanta ni Jace kay Shawn bago lumabas.

"Hayst...isip bata."nasabi nalang ni Shawn ng makalabas ito...'makapunta na nga lang kay Andria.'

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

∆Shawn's P.O.V.∆

@CAR

Habang papunta ako sa company ni Andria napansin ko na may nasunod sakin...mukang hindi ko pa yata makakausap si Andria ah...lumiko ako sa kaliwa at sumunod ulit ang asul na van na kasunod ng sasakyan ko...lumiko ulit ako at pagliko ko ay dead end na...hayst mapapalaban pa ko nito...tinigil ko ang sasakyan ko at agad na kinuha ang baril ko sa may tagiliran ko...sakto na ang labing dalawang bala...tutal mukang minamaliit naman ako ng mga gustong patayin ako...heavy tinted ang bintana ng kotse ko kaya alam kong di nila ako nakikita...pero sila kita ko...lumabas doon ang 14 na lalaking mukang goons...bakit lagi nalang pangit ang kalaban author?.. (Gusto mo ikaw papangitin ko?...tapos yung mga kalaban mo gwapo?)...Hindi syempre...baka hindi ako piliin ni Andria kapag nagkataon...(yun naman pala eh...wag ka na magtanong.)... Oo na po...parehas kayo ng Andria ko...sungit.

"Mr.Cole!...ano nabahag naba ang buntot mo?"mayabang na sigaw ng nasa unahan...ang yabang muka namang paa...hindi ako naging mafia boss para sa wala...lumabas ako ng sasakyan at hinarap sila.

"Oh!...lumabas ka?..akala namin nanginginig kana sa takot...dyan sa loob ng kotse mo eh"natatawang insulto nito sakin...tiningnan ko naman sila ng malamig.

"Maraming namamatay sa maling akala."malamig kong sabi...kinasa naman nila ang kanilang mga baril...akmang babarilin ako ng maunahan ko sila at barilin sila sa ulo...for your info po kilala ako sa mafia world na sharp shooter...pero bago ko pa sila maubos may natira pang dalawa...nanginginig silang tumingin sakin na para bang nakakita ng multo.

"Sabi ko sa inyo eh...maraming namamatay sa maling akala."malamig kong sabi at mabilis na lumapit sa kanila...tatakbo na sana sila ng mahablot ko isa sa kanila at baliin ang leeg nito...yung isa naman bago pa makalayo hinampas ko na sa batok na naging dahilan para mawalan ito ng malay.

"I'm not entitled Mafia Boss for nothing."

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

∆Charm's P.O.V.∆

"Grabe na talaga ang panahon ngayon.
..kung saan saan nalang nakakakita ng patay...tapos sakto pa sa noo yung tama ng baril...mukang pinagpractisan oh...Charm tingnan mo!..kanina lang nakita yung mga bangkay...tapos yung isa binali yung leeg."Gab...nandito kami ngayon sa sala...nanonood...8 na ng gabi at kami nalang ni Gab ang gising.

"Hayst...ilipat mo nga yan!...duon mo sa Yey!...Samurai X na."utos ko sa kanya ng makaupo ako sa tabi nya...galing ako ng kusina para kumuha ng snack.

"Samurai X?...talaga?...ano ka bata?"sarkastik nyang tanong.

"Oo nga!..ilipat mo!...bata pa ko...akin na nga yan."sabi ko at akmang kukunin sa kanya ang remote...napakunot ang noo ko ng ilayo nya ito.

"Ayoko nga!..ako nagbukas nito eh...doon ka sa kwarto mo manood."sabi nya.

"Eh ayoko ih...kaya akin na yan!"sabi ko at pilit kinukuha kay Gab ang remote na hawak nya.

"Ayoko nga sa Yey eh!..sa Asianovela nalang!"pagpupumilit nya..pero gusto kong manood ng Samurai X ngayon eh...kaya kahit hawak nya pilit ko itong inaagaw.

"Ayoko!...akin na!..amin naman tong remote ah."sabi ko at hinila palapit sakin yung remote.

"Pake ko?!..eh dito ako nakatira!..kaya akin din to."pang aangkin nya...nag-agawan kami hanggang sa...bigla nalang namatay ang TV...napatingin kami pareho sa nagpatay...bigla kaming napabitaw pareho ng makita namin si Manang Rosa na nakapameywang na ngayon.

"Matulog na kayo!...para kayong mga bata...makapag away kayo para kayong walang mga trabaho kinabukasan...hala sige akyat sa kwarto."striktong utos ni Manang...nakasimangot naman kaming naglakad paakyat...nang nasa tapat na kami ng kwarto humarap ako sa kanya.

"Matulog kana ha!..wag ka nang magpuyat...wala ka namang bebe."pang-aasar ko sa kanya...inirapan nya naman ako bago pumasok.

"Ikaw din...good night."pabalang nyang sabi at isinara ang pinto...napangiti ako bago pumasok ng kwarto...hahaha topakin..

I Was Raped By mafia Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon