Chapter 11

2.8K 87 4
                                    


∆Charm's P.O.V.∆

"Bye mommy!..pasalubong ko po ha?"nakungsong sabi ni Clover.

"Opo...mamaya pag-uwi ko...ikaw kuya?...pasalubong?"tanong ko kay Ace na may kinakalikot nanaman...ano naman kayang pinagkakabusyhan ng baby boy ko?...tumingin sya sakin at nagkiss lang sa pisngi ko.

"I want new books mom...and take care."sabi nya.

"Ok!I'll go now..be a good girl to Tita Maris,Clover..ok?"bilin ko kay Clover...nakasuot ako ng black pencil skirt na hanggang ilalim ng tuhod,white sleeve less top na nakatuck-in at black blazer para formal...tutal meeting ang pupuntahan ko at hindi date char...baka kasi over conceited yung ka meeting ko kaya ako talaga ang gustong makausap.

"Sigurado kang ayaw mo magpahatid?"tanong ni Gab sakin na ngayon ay nakasunod sakin sa paglalakad papuntang gate.

"Yes...magtataxi nalang ako."sagot ko.

"Okay...mag-iingat ka ha?"bilin nya naman at binuksan ang gate para sakin.

"Oo na po...mag-iingat ako...sige na!..makipag laro kana sa kambal...alam ko naman na gustong gusto mo silang makabonding since hindi mo sila nakitang lumaki."nakangiti kong sabi.

Nagnguso sya at kumaway sakin...pagkalabas ko ng gate kumaway din ako sa kanya bago pumara ng taxi.

"Sa Markey's Restaurant po."sabi ko sa driver pagkasakay ko.

Habang nasa byahe hindi ko alam pero...kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.

"Nandito na po tayo ma'am."anunsyo ng driver.

"How much po?"tanong ko.

"230 po,ma'am"sagot nya...binigyan ko sya ng 500...at bumaba na.

"Ma'am!..sukli nyo po."sabi nito ng akmang aalis na ako...humarap ako dito at sinabing.

"Keep the change"nagpasalamat naman sya at umalis na...agad naman akong pumasok ng restaurant...pumunta ako sa counter para mag tanong.

"Miss..any reservation under the name Mr.Cole?"tanong ko sa babae sa counter...tiningnan nya naman ito.

"You are?"tanong nya.

"Ms.Ferrer...I have a meeting with mister Cole."

"Meron po ma'am...Alice!"tawag nya sa babaeng nakasuot ng pangwaitress...lumapit ito sa pwesto namin.

"Assist...Ms.Ferrer to Mr.Cole at the second floor."utos nito kay Alice.

"This way po ma'am."sabi nito...inayos ko ang pagkakasukbit ng shoulder bag ko...bago ako sumunod dito.

Umakyat kami sa second floor at itinuro nya sakin ang lalaking nakatingin sa glass wall...kitang kita doon ang kalsada.

"Call me nalang po...if you need anything."sabi nito at pumunta sa medyo malapit na lamesa kung saan may customer.

Ako naman ay naglakad papunta sa direksyon ng sinasabi nilang Mr.Cole...hindi ko kasi alam itsura nya eh..kaya hindi ko alam kung sya ba talaga ang ka meeting ko o proxy lang...*dubdub**dubdub**dubdub*...what is happening to my heart...hey tumigil ka...hindi naman ito ang unang beses na may ka meeting ako pero bakit ganito nalang ako kabahan...shit!..lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng tumingin ito sa direksyon ko...sobrang lamig ng mga tingin nya.

"You're here...what took you so long,Ms.Ferrer?"inis nitong sabi...napabalik ako sa wisyo ng mapansing nasa harap nya na ako...napatingin ako sa wristwatch ko sa kaliwang kamay...napataas ang kilay ko ng makitang 4:10 na...late lang naman ako ng ten minutes ah...ang oa nya ha.

"I'm just 10 minutes late,Mr.Cole."mataray kong sagot.

"But,still you're late...be professional."nainis ako ng sabihin nya yon..so I'm not professional for being late?...wow just wow...teacher nga nalelate pero professional parin...grabe naman sya ka conscious sa oras...ano?time is gold ganun?

"I'm SORRY for being UNPROFESSIONAL,Mr.Cole."nakangiti kong sabi...diniinan ko talaga yung 'sorry' at 'unprofessional'...nakakaninis eh.

"Shall we start now?"mataray kong tanong...at naupo sa kaharap nyang upuan...hindi parin natigil ang tibok ng puso ko...feeling ko lalabas na sya sa ribcage ko any moment from now.

"So...why do you want me to be the one to talk to you?"tanong ko at inilapag ang shoulder bag ko sa upuan sa tabi ko.

"Lets order first."malamig nyang sabi...nakalunok ba to ng freezer?...tinawag nya si Alice...lumapit naman ito sa table namin.

"What can I do for you,ma'am/sir?"agad nyang tanong...sinabi nya ang order nya habang ako naman tiningnan ko ang menu...at sinabi ang order ko.

"Can you answer my question now?"tanong ko dito at umayos ng upo...naiilang kasi ako sa tingin nya..though hindi malaswa...blangko lang naman ang muka nya.

"Well i just wanna know why you're not the one handling your company."sabi nya... pinagsiklop ang mga braso at sumandal sa upuan...napataas ako ng kilay dahil sa sagot nya.

"That's none of your business."malamig ko ring sabi at nakipag labanan ng tingin sa kanya...ang ganda ng mata nya...it's dark blue...kaparehas nya ng mata si Clover...hindi kaya...no,no,no,kung ano anong naiisip ko.

"That's absolutely...my business, Ms.Ferrer...I have the rights to know if the company I'm investing with...is trust worthy."mayabang nyang sabi.

"Are you doubting us?...if you are?..then feel free to withdraw your proposal."inis kong sabi...nakakainis eh...sya ang nag invest tapos sya pang may ganang maghinala samin...abah edi wag nya madali naman akong kausap eh...nangiinsulto na eh.

"Here's your order ma'am/sir."Alice...nilapag nya ang order namin...nagpasalamat ako sa kanya...ang walangyang lalaki ni hindi nagpasalamat...tumulo si Alice bago umalis.

"Ok!"sabi ng lalaking to...nagtaka ako sa sagot nya...ok na iwiwithdraw nya yung investment nya?...o ok na magiinvest sya?..ang gulo...hindi pa kasi kompletuhin ang sentence eh...kaya pala ang bilis ng tibok ng puso ko eh...dahil mahahigh blood ako sa ka meeting ko.

∆Shawn's P.O.V.∆

"Ok for what?"inis na tanong ni Andria...hahaha she's so cute.

"I will invest with your company."malamig kong sabi...gustong gusto kong pisilin pisngi nya dahil medyo mamula mula na ito sa inis...ang sarap nya asarin...nataas kilay nya tapos nalobo pisngi nya...hahaha...gumanda sya lalo nang wala syang salamin...ganun parin ang hubog ng katawan nya...maybe..hindi nga nagbunga ang ginawa ko...pero may isang taon pa ko para makagawa ulit...pero this time sisiguraduhin ko na.

"So..its a deal...I have to go."agad na sabi nya at tumayo na.

"Need a ride?"tanong ko ng akmang lalakad na ito...humarap sya sakin.

"No thanks...bye."sagot nya at umalis na...di pa pumayag eh...but no worry makakasama ko naman sya sa pag gawa ng project...sisiguraduhin kong makakasama ko sya ng matagal doon...gagawa ako ng paraan para mapalapit ka sakin.

____________
A/N: Hi mga Bb Sorry tagal ko hindi nakapagupdate huhu
But Dont worry Maguupdate nako Enjoy Reading mga bb 😭🖤

I Was Raped By mafia Boss [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon