I Know Who Killed Me 1, 2, 3

30 4 2
                                    

I Know Who Killed Me 1, 2, 3

Author: XerunSalmirro

Description:

I Know Who Killed Me 1

Book 1 | IKWKM Trilogy

"Hangga't hindi mo nasasagot ang seven deadly questions ko, bawat maling sagot ay magiging daan para sa iyong kamatayan..."

Pitong taon na ang nakakalipas...
Nang pitong kasalanan ang nagawa.
Pitong tao ang muling magkakasama...
Upang pitong bahagi ng kanilang katawan ang maglaho.
Magkaroon lamang silang pitong araw na nalalabi upang mabuhay.
Dahil "siya" ay magbabalik upang sabihin sa kanilang...

I KNOW WHO KILLED ME!

I Know Who Killed Me 2

Book 2 | IKWKM Trilogy

July 2007, pitong tao ang pinatay ng isang serial killer, si Dmitri Morris upang pagbayarin sila sa kanilang mga nagawang kasalanan pitong taon na ang nakakalipas...

Sapat na nga ba ang pananatili ni Dmitri sa kulungan sa loob ng isang taon upang mapagbayaran niya ang pagkamatay ng pitong iyon?

Natanggap na nga kaya ng kani-kanilang mga pamilya ang pagkamatay nilang pito?

Abangan ang muling paglukob ng matinding takot sa mag-asawang Dmitri at Janina. Maging masaya nga kaya ang kanilang mga buhay dahil sa pagdating nina Jan Vladmir at Janna Isabelle?
O mas lalo lamang silang mangangamba sa kaligtasan ng kanilang mga anak?

I Know Who Killed Me 3

Book 3| IKWKM Trilogy

"Sa larong ito, buhay mo at ng iyong asawa't mga anak ang nakataya. Kailangan mong malagpasan ang isang linggong pagsubok na siguradong maglalagay sa 'yo sa bingit ng kamatayan.
Kaya kapag hindi mo nagawa 'yon, hindi mo sila maililigtas..."

Sabay-sabay na nawala sa piling ni Dmitri ang kanyang asawa't mga anak.
Paano niya maililigtas ang mga ito kung siya rin ay nasa panganib?

Sa loob ng isang linggo, makakasamani Dmitri sa isang nakamamatay na laro ang mga kapamilya ng mga taong kinitlan niya ng buhay noon...

Makakatakas pa b a sila sa larong iyon o pare-pareho silang mamatay dahil sa pagtutunggalian sa bawat isa?

Higit sa lahat, sino ang taong nasa likod ng mga pinag-ugnay-ugnay nilang kamatayan?

-

Rate:
9/10

Wattpad Recommendation Stories (Must Read) Where stories live. Discover now