The Day She Said Goodnight

22 1 0
                                    

The Day She Said Goodnight


Author: owwSIC

Description:

(Highest Rank #1 in Tragic)

Marahil ay wala pang naiilathala na kwento ng dalawang tao ang maaring maging kapareho sa kwento ng iba. Pero lahat ng kwento sa mundo ay dalawa lamang ang posibleng maging kahihinatnan. Magkakatuluyan ang dalawang nagmamahalan at magkasama silang haharapin ang buhay sa magkaibang landas.

Sa totoo lang, walang namang kakaiba sa kwento ng dalawang tao na bida sa kwento na 'to. Cliché nga marahil ang istorya. Kung saan ang sikat pero tarantadong lalaking ay nakilalaang isang normal pero ilag na babae. Siya nga pala si Rome-ang lalaking bida.

Na kay Rome na siguro ang lahat. Kaya pakiramdam niya ay may karapatan na siyang maging tarantado. He is a total bully. A jerk and a complete bastard. Hindi lumilipas ang isang linggo na wala silang binubugbog o binu-bully ng kanyang mga barkada. His life revolves with nothing but trouble. Masaya siya sa ginagawa niya. Kahit nakakasakit na siya ng iba.

Pero ang magulo niyang buhay ay may mas igugulo pa pala nang mapalapit ang mundo niya sa babaeng iniiwasan at pinag-uusap usapan sa paaralang pinaghaharian niya.

Nagmula si Aster sa isang mahirap na pamilya. Kailangan niyang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho upang masuportahan ang ina't dalawang nakakabatang kapatid niya.

Wala siyang kaibigan pero okay lamang sa kanya iyun. Gusto niya lang makapagtapos para sa matulungan ang naghihikaos niyang pamilya.

Namumuhay silang dalawa sa magkaibang mundo. Hanggang sa ang mapaglarong tadhana ay ipinaglapit ang buhay nila. Ang mundo nilang tahimik ay biglang gumulo at nagtapos sa isang hindi malilimutan na pangyayari.

"Goodnight, Rome."

At iyang dalawang salita na iyan ang pinakamasakit na salitang narinig niya.


-

Rate:
10/10

Wattpad Recommendation Stories (Must Read) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora