Twenty five

902 11 0
                                    

NAALIMPUNGATAN si Nathan ng makarinig siya ng ringtone ng cellphone. It was an alarm tone. Napakunot siya ng noo ng natandaan niyang hindi naman siya nag-a-alarm. Nanlaki ang mata niya ng alas-nwebe na pala ng umaga.

"Via! You have recitation...." Pagkalinggon niya sa gilid niya ay walang Via siyang nakita roon. "Via?"

Napalinggon siyang muli ng magvibrate ang phone niya.

'I leave early, hindi na kita ginising kanina. Ang cute mong matulog, e. I made you breakfast, kumain ka muna bago umalis.'

Napangiti siya ng bahagya sa mensahe nito. Even though it was a short message, it really warmed his heart. He let his mind wondering and thinking, what if they meet in different situation? Where they can do whatever, they want? where he can show Via what his heart feels for her. Napangiti siya sa isiping iyon. I think if that were to happen, I'd be the happiest person in the world.

Muling nagvibrate ang phone niya, ngumiti siya sa pagaakala na mensaheng muli ni Via ang bubunggad sa kaniya.

'Do you really want me to be a bad guardian? come home I have a surprise for you.'

Walang emosyon na ibinaba niya ang phone matapos makita ang mensahe na iyon. Reality hits him. Just a second ago he was dreaming. Can't he even dream for just a second in his life? Does he not deserve it?

Alam niya na kahit anong gawin niya ay isa siyang laruan at parausan na hinding hindi babagay kay Via.

Tumayo siya at naligo ng saglit, Pinalitan niya rin ang kumot na ginamit nila. Nang lumabas isya ng kwarto naalala niyang ginawan siya ni Via ng almusal.

Nakita niya ang nakabalot na sandwich at gatas. Natawa siya ng bahagya ng makita niya ang gatas. Hindi naman ako bata. Kinuha niya ang sandwich at binuksan nang may nalaglag na maliit na papel doon.

'Good morning handsome, have a safe trip to school, see you.'

Mapait siyang ngumiti ng mabasa niya iyon. He knew that Via had feelings for him too, but he shouldn't drag her into his world, hindi babagay si Via sa mundong ginagalawan niya, at hindi niya alam kung kakayanin ni Via na malaman ang totoo. It would break his heart if he saw how Via would react if she knew about what kind of life he had.

Kinuha niya ang nakakalat sa sala na ballpen. At sumulat sa likod ng note.

'Thanks for the breakfast. It's good. Thank you.'

He can repay Via's kindness by just returning how she treated him, but he would never allow himself to love her in a situation he's in. I think I need to hold back more for her.

Ininom niya ng kaunti ang gatas saka inipit doon ang papel. Saka siya umalis.

NAGLALAKAD siya papasok sa mansyon ng mga Acosta. Nasa hagdanan palang siya nang makarinig siya ng tili at pagbagsak ng babasagin ng bagay. Agad na kumunot ang noo niya saka marahang lumakad sa lugar papunta sa kung saan ang kaguluhan. Nagpunta siya sa east chamber, nasa bunggad palang siya ay rinig na niya ang sigaw nito. malaki ang mansion ng mga acosta, kahit na sumigaw ka ay hindi ka maririnig ng mga sa main floor or sa ibang kwarto sa secod floor maliban nalang kung may megaphone kang boses katulad sa naririnig niya ngayon.

"Tatanga tanga ka ba ha! I said I want orange juice! Why would you give me instant orange juice!" Napataas ang kilay niya ng mabosesan niya ang babae na sinisigawan ang katulong.

Nakatalikod ito sa kaniya kaya hindi niya kita ang mukha nito. Base sa suot nito ay tila galing ito sa ibang bansa dahil sa style na suot nito, Silk mini dress with Rhinestone's strap na kulay skin tone ang suot nitong dress na pinaresan ng black stiletto. Meron din itong Fur Scarf na suot ngunit nakaladlad lang ito sa mga braso niya. Tiyak niyang magkasing tanggkad sila ng babaeng ito.

Her Submissive ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon