Eleven

1.1K 16 1
                                    

The Locket




Via POV

Hirap niyang ibuka ang mga mata niya dahil sa kakaiyak niya kagabi. Sobra ang pagsisisi niya na imbis na bumalik siya sa loob ay umuwi siya at umiyak ng magdamag. Kaya eto naka-sunglasses siya habang hawak-hawak ang payong papasok ng school. Oo, naka-sunglasses siya habang malakas ang buhos ng ulan.

Buong gabi ay inisip niya ang lahat ng nagyari. Mabuti nga at nakatulog pa siya sa lagay na iyon at hindi siya binagungot. Buti nalang at panghapon pala ang sched niya ngayon.

Nasa kalagitnaan siya ng paiisip nang sumulpot si Kesha sa tabi nya. "Hoy! Via. Why are you wearing that sunglasses while raining? New trend?" Napaurong siya sa lakas ng boses nito.

Ugh! Ang gusto niya katahimikan muna. Kailangan pa muna niya ng idea kung paano makukuha si Nathan sa mga nilalang na iyon.

"You're ignoring me now, huh?" Napalingon siya rito. Naka-ngusong humiwalay ito sa kaniya ngunit kalaunan ay lumapit parin sa kaniya saka kumapit sa braso niya. "Okay fine. I won't bother you. But can you please at lease tell me where did you go yesterday? We're supposed to watch a movie in your apartment but I can't find you." Nahimigan niya ang pagtatampo nito.

Tsk. She forget about that. "Soul searching." Maikling sagot niya. I'm sorry Keshia. I'll tell you the truth after I settle everything. Agad niyang nakita ang building niya. "I gotta go, kesha, I'm late. see you." Pumasok na siya sa building bago pa makapag salita si Kesha.

"W-wait! Hays. Fine! See you later!" Rinig niyang sigaw ni Kesha. Nang lumigon siya ay wala na ito. She wanted to avoid talking to her, dahil baka hindi siya makapag-pigil at ilabas niya ang saloobin siya rito. And she can't let that happened.

Nang makapasok siya sa room niya halos wala pang tao, hinanap agad ng mata niya si Nathan. Magkaklase sila sa subject na ito pero wala ito sa upuan nito.

Wala sa sariling pumunta siya sa inuupuan ni Nathan. Nakatayo lang siya habang tinititigan ang upuan nito.

"Aren't you gonna take a sit? The prof is here." Napatingin siya sa estudyante na nasa likuran niya, katabi ng upuan ni Nathan. Kumunot ang noo niya nang mapalingon sa paligid. Bakit ang dami na kaagad ng tao? Gaanon ba siya katagal na nakatitig sa upuan ni Nathan?

"Take a sit everyone." The Prof. says.

Mabilis naman siyang umupo sa upuan ni Nathan. Napatigil pa siya saglit.

Argh! Focus on class for now Via!

Hindi na niya tinanggal ang sunglasses niya dahil mag fa-fade away naman ang color no'n at magiging ordinary eye-glass nalang.

"Before we start please pass your activity by partner." Napatuwid siya ng upo. Oo nga pala english literature ang subject nila ngayon.

Binuksan niya ang bag niya at kinuha ang activity na magisa lang niyang ginawa. Tumayo siya at lumapit sa prof.

"Oh? Bakit mag isa ka lang? Where's your partner." Tanong nito.

"Ahmm. His kinda sick, he took a break. But we share the activity together." Nakangiti niyang sagot dito. Nagdududang tinitigan siya nito.

"You sure? You look like you've cried."

"Oh," Nahihiyang yumuko siya. "My pet died." Awkward niyang tawa. Tumango tango lang ito at tinanong ang pangalan nilang dalawa ni Nathan at inilagay nito sa list.

Napahinga naman siya nang maluwag ang maiwasan niya ang iba pa nitong tanong.

Natapos ang klase ng hindi niya napapasin. Kanina pa kasi niya iniisip na pupuntahan si Lucas sa Heredity cafe.

Her Submissive ManWhere stories live. Discover now