Five

1.5K 46 1
                                    

“HOP in, lady.” 

Nagulat na lamang ako nang biglang pumara sa harapan namin ang isang black BMW. Inuluwa nito ang isang Gideon Castellano. 

Tinignan ko ang mga kasama ko, nakatulala lamang sila habang pinagmamasdan ang pigura ni Gideon na papalapit sa akin. 

Kasalakuyan kaming naghahanap ng masasakyan, hindi ko alam kung anong oras na. Hindi naman ako masyadong naka-inom dahil wala akong gana, siguro ay naka dalawang shot lang ako ng Jack Daniels. 

But, how the fuck this man know where I am? At saktong-sakto ang dating niya dahil pauwi na kami. He is wearing the same outfit the first time I saw him in the garden. Long polo sleeve that rolled up to his elbow, useless ang long sleeve niya kung itutupi lang man din niya? 

“Girl, ang yummy,” Veronica said while eyeing Gideon with her most seductive look. 

“Exit na tayo rito,” sabi ni Lorelei saka inakbayan ang dalawa palayo. Pagewang-gewang pa silang tatlo kung lumakad. 

“Bye, Caily loves, I will expect some details from you tomorrow.” saad naman nitong si Brianna ang pinakalasing sa aming apat. Talagang laman kasi talaga 'to ng mga bar, kahit sobrang busy niya ay gagawa siya ng paraan upang makapag-inuman lang. 

Nang tingnan ko si Gideon ay nakasandal lang ito sa kanyang kotse, nakatitig lamang ito sa akin. 

“No need, nakapag-book na ako ng uber.” I lied. 

“I don't care, I said, hop in.” He said with authority in his voice. 

Sinamaan ko siya ng tingin, pake ba nitong lalakeng 'to sa akin? Sa pagkakaalam ko ay grabe ang galit niya sa akin kanina dahil 'binastos' ko raw ang nanay niya. And now, he wants me to hop in his car? Bipolar ba siya?

“Pake mo ba? Go home, don't act like you're my older brother. You're just old but not my brother.” I retorted. 

Umalis siya sa kanyang pagkakasandal at lumapit sa akin. Napalunok naman ako, ang daya naman kasi bigla na lang akong iniwan ng mga kasama ko. 

And now, he is just a few inches away from me. I can now smell his manly scent, parang gusto kong pumikit sa sobrang bango ng amoy niya. He looks kinda tired but that makes him look sexier. 

“Old,” he let out a delicious chuckle. “I remember how you screamed my name that night, I remembered how this old man that you are saying makes you scream in pleasure that night.” he said in his deep and husky voice. 

I can feel my cheeks flushed. Gosh, bakit hindi niya pa rin malimutan ang gabing 'yon, 'ni wala nga akong maalala sa mga sinasabi niya. 

Hinampas ko ang braso niya. “Bastos!” Saka ako dumiretso sa kotse niya. 

Doon ako dumiretso sa backseat ng kotse, ayoko kasi siyang makatabi. Ngunit nagulat na lamang ako ng binuksan niya ang pintuan nito. 

“Baba,” 

Napatanga ako sa kanya. “Sabi mo kanina hop in, ngayon ay nandito na ako gusto mo akong pababain? Tarantado ka ba?” Hindi ko mapigilang sabi sa kanya. 

Huminga ito ng malalim. “Yes, I told you to hop in, but I didn't tell you that you will sit here,” he said. “I am not your fucking driver.” 

Tinaasan ko siya ng kilay. “Hell no! Ayoko kitang makatabi, noh!” sabi ko at pilit na isinara ang pintuan ngunit sadyang malakas lang talaga ang isang 'to, kaya wala na lamang ako nagawa kung hindi ipagkrus ang braso ko sa aking dibdib. 

“Don't turn your brat mode on me now, lady. Hindi 'yan eepekto sa akin” he mumbled. 

Kung ayaw niyang dito ako ay mas mabuti na lang ang wag na lang akong sumakay kasama siya. Nabangga ko pa ang matipuno niyang braso habang pababa ako. 

“Then where do you think you're going?” tanong niya na tila nagtitimpi. Hindi ko na lamang siya pinansin at patuloy parin sa paglalakad sa kanya palayo. 

“Pwede ba, bitawan mo nga ako!” I protested nang pigilan niya ang braso ko. 

“Do you think that I will let you roam around with your look?” 

Tinaasan ko siya nang kilay. “Do I look very hot?” tanong ko na may halong pagyayabang. 

Naramdaman kong lahat ng dugo ko ay umakyat na sa pisngi ko. I can feel that my cheeks are burning when I heard his answer. 

“Yes,” he admitted. “That I can almost kill every man who is looking at your body.” he added while piercing me with his looks. 

Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi niya. “Let me go!” sabi ko at pilit na binabawi sa kanya ang kamay ko. Dahil nga sa malakas siya ay tinangay niya ako papunta sa kanyang kotse at sapilitang isinakay sa passenger seat. 

Gosh! I wanna murder this man! 

Wala na akong magawa nang sumakay na ito at nagsimula nang mag-drive.

Happy birthday to me. Happy fucking birthday to me. 

–––

AS the days turned into weeks, and weeks turned into months. I have no choice but to continue living in this hell. 

Katulad ngayon, wala akong magawa dahil may announce raw sina Daddy. Kaya nandito ako ngayon, pinakikisamahan silang mag-dinner. 

Parang gustong bumaliktad ng sikmura ko sa nakikita, sa harapan ko pa talaga sila kung mag holding-hands na para bang hindi sila nagtatabi sa kama. 

“So, Mom, Tito, what is the big announcement that you are telling earlier?” Khloe the bitch exclaimed, her voice was full of excitement. 

“Dad, can we call Nanay Cely, mas mabuti kung sasabay na rin siya rito sa atin.” I told dad. 

Simula kasing lumipat ang mga bwisit dito sa bahay namin ay hindi na masyadong sumasabay sa amin si Nanay Cely. I consider her as my mother, not this bitch in front of while holding the hand of my dad. 

Dad obliged, he called Nanay Cely to join us for dinner. I wanted to shoo this idiot right beside me, pwede naman sana sa tabi siya ng magaling niyang kapatid umupo. Ngunti dito siya ngayon sa tabi ko. 

“Okay, as what I have said earlier. We have a big announcement for you guys. Pagkatapos nating kumain saka ko sasabihin.” dad informed us, his smiling from ear to ear. Gosh, parang ayoko nang marinig pa ang sasabihin niya. 

I grip my shirt tighter as I gritted my teeth habang nakayuko. Ngunit nagulat na lamang ako ng maramdaman kong may humawak sa kamay ko, nang mapatingin ako rito ay nagulat ako nang makita ko ang kamay ni Gideon na nakahawak sa kamay ko. Nilingon ko ang lalaki ngunit nakita kong busy siya sa kanyang pagkain na para bang wala lang sa kanya ang kanyang ginagawa ngayon. 

“Is there any problem, hija?” tanong ni Daddy habang nakatingin sa akin. Dahil do'n ay lahat silang napatigil sa pagkain at lahat ng atensyon nila ay napunta sa akin. 

Umiling lamang ako at pasimpleng tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak nitong si gago. Ipinagpatuloy ko na lamang ang pagkain ko. 

“And for our big announcement.” dad stated when we're done with our food. Nagkatinginan pa silang dalawa ni Helen na animo'y excited sa sasabihin. 

I don't care whatever announcement is this. Can I just stay on my room? Bakit kailangan nandito rin ako? Gosh, this is a torture. 

Napantig na lamang ang mga tenga ko dahil sa narinig. 

“We are going to get married.” 

Art Of Temptation Series: Forbidden Desire [COMPLETED] Where stories live. Discover now