Twenty-one

1.2K 39 2
                                    

I GAVE birth to my son na wala siya sa tabi ko. Kahit man lang bisitahin ang anak niya ay hindi niya nagawa. Sabagay... Ni hindi nga niya kaming nagawang tulungan no'ng araw na iyon.

How did he turn into a heartless person? 'Yon ba ang totoong Gideon na hindi alam ng karamihan? 

Postpartum Depression is no joke. Naalala ko pa ang mga araw na bigla-bigla na lamang akong iiyak knowing na wala na si Gideon sa tabi namin. Ang inaalala ko lang 'yung anak ko. 

'Yung mga gabing iniyakan ko, dahil nakikita kong umiiyak ang anak ko ay umiiyak na rin ako. 'Yong mga araw na nagsisimula na siyang gumapang, dahil sa labis na tuwa ang naluha ako. 

'Mama' ang kanyang unang salitang binigkas, naka-record pa iyon sa video camera na binili ko. Lalong-lalo na 'yung unang araw na nagsimula na siyang maglakad, hindi ko maitago ang sobrang kasiyahan ko no'ng mga oras iyon. 

Ang lahat ng ito ay wala siya. Wala siya sa tabi namin ng mga oras na hinding-hindi ko makakalimutan sa buhay ng anak ko. Oo, anak ko. Pagkatapos ng nangyari ay masasabi kong akin lang ang anak ko. 

Gregory Zeus is what I named my child, Sandirigo ang gamit n'yang apelyido at hindi Castellano. Ngunit hindi na maikakaila na magkamukha sila ng anak ko. Mula sa mukha hanggang sa paraan ng pananalita ay magkaparehong-magkapareho.

“Zeus!” Napahilot ako ng sentido ng makita kong naglalaro sa lupa ang anak ko. Hindi ko naman siyang pinagbabawalan na maglaro, ngunit ang ayaw ko lang ay baka isubo niya ito. 

Gregory Zeus is five years old now, kahit na lumalaki na ang anak ko ay baby ko pa rin siya. Kami lamang dalawa ang naninirahan sa biniling bahay ni Dad para sa amin. Mas gugustuhin ko pa kasing may sarili kaming buhay ni Zeus. 

Paminsan-minsan ay binibisita nila kami dito sa bahay, but mostly ay kaming mag-ina lang. Paminsan ay dinadala ko siya sa opisina, ako na kasi ang namamahala sa kompanya ni Dad. Maaga kasi siyang naretiro, ang mga paper works ko ay pinapadala ko lang dito sa bahay.

Napalingon sa akin ang anak ko saka napanguso. “Mama, I am just playing.” he said, saka muling ibinalik ang kanyang atensyon sa kanyang ginagawa. 

Agad ko siyang nilapitan. Kailangan niya pa kasing maligo dahil bibisita ngayon sina Brianna at Lorelei. Si Veronica naman ay busy, dahil nasa eroplano pa ang gaga. 

“Briella is going here today.” I informed him. Briella is Brianna's daughter, bunga ito ng isang one-night-stand a year ago. Ibig sabihin, hindi namin alam kung sino ang ama ni Briella. Hindi rin namin alam kung may alam ba si Brianna sa ama nito. Hindi na lang namin siya tinatanong tungkol dito dahil nirerespeto namin ang kanyang desisyon. 

Sa loob kasi ng limang taon, medyo marami narin ang nangyari sa amin. Lorelei is in a happy relationship right now, tapos si Veronica ay may ka MU. Habang si Khloe naman ay happy sa kanyang single life. I guess we are all happy right now. 

“Do I look dirty, Mama?” inosenteng tanong ng anak ko ng tumigil na siya sa kanyang paglalaro. 

Malambing kong kinurot ang kanyang pisngi. “No, you don't… It's just your hands, but you still need to take a bath.” sagot ko naman sa kanya. 

He pouted. “I missed Ninang Lorelei and Ninang Brianna, but not Briella.” aniya na ikinatawa ko. 

I don't know kung bakit imbyerna siya masyado kay Briella. Wala naman ginagawa sa kanya 'yung bata dahil isang taon pa lamang si Briella. Ang palaging rason niya sa akin ay nakakairita daw ang pag iyak nito. 

“Don't say that, hmm? Briella is just a baby.” I told my son. Ngunit parang ayaw siguro makinig ng anak ko, nagsalubong lamang ang mga kilay niya habang nakatingin sa akin saka pumasok sa loob ng bahay. 

Napailing na lamang ako sa inasal ni Zeus. 



“Where is poging inaanak?” 

Ito na kaagad ang bungad ni Brianna pagpasok niya pa lamang ng bahay namin. Si Lorelei naman ang nagbubuhat kay Briella. 

Agad na tumakbo si Zeus papunta sa direksyon nina Lorelei. Tuwang-tuwa pa ang anak ko ng makita niyang may pasalubong ang mga ito para sa kanya. 

Nakasunod lamang ako sa likod ni Zeus, nilapitan ko si Lorelei at kinuha sa kanyang mga bisig si Briella. 

Briella is beautiful, even though she is just turned one. You can clearly see that she has the good genes. Paniguradong gwapo ang tatay nito. Hinalik-halikan ko pa ang kanyang matabang pisngi. 

Naging busy na si Zeus sa kakalaro sa mga pampasalubong sa kanya nina Lorelei at Brianna. 

“Kumain na ba kayo? Gusto niyo bang ipaghanda ko kayo ng meryenda?” alok ko sa kanila. 

Sabay silang umiling sa alok ko.

“Kumain na kame bago pa man kami pumunta rito.” sagot ni Lorelei sa akin. 

Lumapit sa akin si Brianna saka kinuha sa akin ang anak niya, hinalikan ko pa muna sa pisngi ang bata bago ito ibigay sa kanyang ina. 

Nagtungo kami sa sala upang makapag-usap ng maayos. 

“Kamusta naman ang buhay ng isang CEO?” nakangiting tanong sa akin ni Brianna. Nakatayo lamang ito dahil hinehele niya si Briella, mukhang inaantok na kasi. 

Nagkibit lamang ako ng balikat. “Okay naman… Medyo stress lately, pero kakayanin.” saad ko saka napatingin sa direksyon kung saan naglalaro si Zeus.

“I've heard that your company is getting bigger and bigger, ah?” si Lorelei naman ang nagtanong. 

“Ye— Wait a minute… Bakit parang ako 'yung ininterview niyo? Nagpunta lang ba kayo rito para diyan?” 

Natawa naman silang dalawa sa sinabi ko. 

“We just wanna check up on you.” natatawang sambit ni Lorelei. 

“Yeah… It's been awhile since we hung out together.” Brianna said as she continued making Briella fall into sleep. 

“Medyo busy na kasi ang mga ganap natin. Bukas, may imemeet akong bagong investor ng kumpanya namin. Ang medyo malaki ang iinvest nito.” imporma ko sa kanila. 

Natuwa naman sila sa ibinalita ko sa kanila. 

“Taray naman! Balato naman dyan!” Brianna jokes.

Natawa lamang ako sa sinabi niya. “Sure! Kung nagkataon na sabay-sabay ang mga free time natin ay lalabas tayong apat.” 

Mas lalo silang natuwa sa sinabi ko. Marami pa kaming napag usapan, lalong-lalo na ang tungkol kay Zeus. Ngunit halata sa mga kilos nila ang pag iwas nila kung tatanungin ba nila ako tungkol sa tatay ni Zeus. Alam nilang para sa akin ay matagal na siyang patay, simula no'ng araw na binalewala niya lamang ang araw na iyon… Kami ng anak ko.

Art Of Temptation Series: Forbidden Desire [COMPLETED] Where stories live. Discover now