Twenty-three

1.6K 45 6
                                    

“MOMMY, I wanna see daddy again.” 

My son pouted, he is really cute when doing this. Tuluyan na niyang na-meet kasi si Gideon. It is because of that damn marriage contract. 

Legally speaking, we are married. Dahil sa pagpirma namin sa papel na iyon taon na ang nakalipas, hindi ko alam na totoong marriage contract pala ang pinirmahan namin dati. 

But as soon, as possible, I want us to get the annulment. But this guy has his conditions before doing that. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa niyang patagalin ang pagwawalang-bisa ng letseng papel na iyon. He is a lawyer and he has his own money, kayang-kaya niya iyong gawin hora mismo. 

I just gave him, two months to be with his son. Alam niya rin kasi ang kanyang pagkakamali, siya na mismo ang nagsabi na siya ang mismong lalayo pagkatapos ng dalawang buwan at hindi na muling makipagkita pa. Dapat ay masaya ako ng marinig ko iyon mula sa kanya, ngunit parang may iba. 

Walang naging problema sa pagkikita nilang dalawa ni Zeus dahil agad na napalapit si Zeus sa kanya. Dahil hindi ko siya siniraan kay Zeus, kahit sobrang sakit ng ginawa niya sa amin. 

“You will see your daddy later, okay?” I said to my son. Dahil alam kong may pupuntahan silang mag-ama. 

As the day goes by… Mas lalo silang na papalapit sa isa't isa. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa anak ko kung bigla na lamang aalis si Gideon. 

Nakikita ko na ngayon ang mga sarili namin sa harap ng isang papel na kayang mag wakas ng kahit ano. 


“May I just remind you that after this you will leave us alone.” Buong tapang sabi ko sa kanya. 

Siya mismo ang nagdala ng annulment papers sa opisina ko. Parang may kung ano sa dibdib ko habang pinagmamasdan ang kapirang papel sa harapan ko.

“Yes, I know.” tugon nito. “But again, I just want to say so—” 

“Enough with apologizing!” I quickly cut him off saka napatayo sa aking kinauupuan. “Bakit may mababago ba sa nakaraan kapag nag-sorry ka? 'Di ba wala? Dahil kahit kailanman hindi mabubura sa puso't isipan ko ang ginawa mo sa akin!” 

“I know… I know…” he sounded like his pleading. “Please, let me see our son for the last time.” 

I scoffed. “Ganyan ka ba talaga?” he looked at me. “You really don't stick with your promises? Dahil sa pagkakaalam ko ay ito na ang huling beses natin, at kahapon ay ang huling beses niyong pagsasama ng anak ko.” I pointed him out. 

Tumango ito, nakikita ko ang kislap sa kanyang mga mata na parang anumang oras ay aagos na mula sa kanyang mga mata ang kanyang luha. 

Mabuti na lang at wala rito si Zeus, inutusan ko kasi si Rose na ilabas muna si Zeus para hindi sila magsalubong nitong si Gideon. 


Hindi ko na siya pinansin at kinuha ang annulment papers na nasa harapan ko at pinirmahan ito at itinapat sa kanyang mukha pagkatapos ko itong pirmahan. 

“I want to see that you will sign it. And after this, I want you to stay out of lives especially with Zeus's life. Dahil kung nakayanan ko dati, ay mas kakayanin ko ngayon.” 

He didn't say any word, he just looked at me and turned his gaze to the paper in front of him. Napalunok ako na parang may bumabara sa lalamunan ko ng makita kong kinuha niya ang papel at pinirmahan ito. 

“Can I just at least hug you for one last time?” he pleaded. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. 

Nang makita niyang wala akong sagot ay bigla na tumayo siya sa kanyang kinauupuan at lumapit sa akin. 

Hindi ko alam kung bakit hindi ako gumalaw ni hindi ako umangal sa kanya. Naramdaman ko na lamang ang mahigpit niyang yakap sa akin. Parang ang gaan sa pakiramdam 'yong klase ng kanyang pagyakap sa akin. Siya mismo ang bumitaw sa kanyang pagkakayakap sa akin. 

“I want you to be happy, okay? I know you're a great mom to our Zeus, kaya panatag ang loob ko. I know I did thing na hindi sapat ang salitang 'Sorry', I hope this is the best way to prove that I am really sorry. And please if you find another man, be sure na mamahalin niya si Zeus.” 

I just looked and listened to him, I could see the tears streaming down his face. But I remain stoic face. 

“This is hard for me,” he let out a small chuckle. “sana hindi na lang akong muling nagpakita, I was already enjoying seeing you two from afar. Pero hindi ko talaga kinaya, nagpakita pa rin talaga. But I just want to say thank you, for letting me meet Zeus. Sa loob ng dalawang buwan na iyon ay sobrang saya ko.” he said as he wipe his tears using his thumb. 

“Thank you very much.” 

That was his last words before leaving. Pagkaalis niya ay doon pa lamang ako nakahinga ng maluwag at doon lang din umagos ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Nailabas ko na rin ang kanina pa'y bumabara sa aking damdamin. 

Dapat ay masaya ako, dapat ay nagdiriwang ang damdamin ko. Pero… Bakit ganito? Bakit parang hindi ko kaya maging masaya?

–––

Lumipas ang mga buwan at talagang wala na akong narinig mula sa kanya. Kahit ni anino ni Gideon ay wala na ring bakas. 

Zeus still looks for his daddy, ngunit palagi ko lamang sinasabi sa kanya na kailangan ng daddy niya na magtrabaho sa malayong lugar. There are days na bigla na lamang siyang iiyak dahil gusto niyang makita si Gideon, buti na lang at naiintindihan niya ang simpleng kasinungalingan na iyon. 

Masakit rin sa akin bilang ina na nakikita ko ang anak ko kung paano niya hanapin ang kanyang ama. Sa bawat pagpatak ng kanyang luha ay parang libong punyal ang kapalit sa akin. Kaya ang ginagawa ko ay ginagawa namin ni Zeus ang ginawa nila ni Gideon, kahit man lang sa pamamagitan no'n ay maibsan ang  pangungulila kay Gideon. 

Ngunit isang araw ay narinig ko na lamang ang balita na aalis na siya ng bansa. Kaya ginawa ko na ang dapat na magpapasaya sa akin at kay Zeus. 

––––––

A/N:
I'm very sorry for this very late update. Pero malapit na po tayo sa katapusan, next chapter will be our Epilogue. Stay tune, Aces! Keep safe and love lots 😘

Art Of Temptation Series: Forbidden Desire [COMPLETED] Where stories live. Discover now