Twenty

1.1K 40 5
                                    

“NO, no… Hindi 'yan magandang biro!” 

Paulit-ulit kong bigkas sa kanya. Ngunit pareho lamang ang kanyang sinasabi sa akin na parang isang sirang plaka paulit-ulit. Naririndi na ako. 

Hindi ko alam kung ilang oras na akong umiiyak, hindi ko rin alam kung ilang oras na ba akong naghihintay sa kanya kahit na narinig ko na ang sinabi niya. Dahil nagbabakasakali pa rin ako na sisiputin niya ako, kami ng anak niya. 

Hanggang sa nagdilim ay naghihintay pa rin ako. 


“Caily, kailangan na nating umuwi.” pag aya sa akin ni Dad. 

Sunod-sunod ang iling ko. “No, dad. Darating pa siya… darating pa si Gideon.” sambit ko habang patuloy na umaagos ang mga luha sa mga mata ko. 


“Please… Caily, kailangan mo ng magpahinga. Baka bukas ay darating na rin siya.” pag-alo sa akin ni Lorelei. 

Ngunit nagulat na lang kaming lahat ng biglang sumigaw si Veronica. 

“That's bullshit! Don't make her hope more! Mas lalo lang siyang masasaktan dahil sa walang hiyang lalaking iyon!” Minsan ko lang siyang makitang magalit ng ganito. 



Hindi nila sinagot si Veronica. Even my family let her. 


Mas lalo akong umiyak dahil sa sinabi niya. Hindi ko na ang gagawin ko. 

Paano niya nagawa ito sa akin… Sa amin?

Kitang-kita ko ang mga reaksyon nila. Si Mommy Helen at Khloe ay parehong umiiyak, si Dad naman ay tahimik lang ngunit alam kong galit na galit na rin siya. 

I don't want him to get mad at Gideon. Baka magbago pa ang isip niya at magpakasal sa akin.

My friends are still here, hindi nila ako iniwan. 

Nagdesisyon akong umuwi na lamang sa bahay. Dahil alam kong pagod na rin itong mga kasama ko. 

I am still wearing my wedding gown, hoping that I will see Gideon first thing in the morning. 



“Where are you going? Para kaninong lunch 'yan?” 

I smiled sweetly at them. Araw-araw nila akong binibisita rito sa bahay. Kaya ito 'yung naabutan nila. 

I prepared some lunch for Gideon, baka kasi hindi pa siya kumakain sa sobrang pagtatrabaho niya. 

Kabuwanan ko na ngayon. Anumang araw o oras ay manganganak na ako. I am so excited to see my little prince. 

“Oh, this?” tinaas ko ang paper bag kong hawak na may lamang lunch para kay Gideon. Nakatingin lamang sila sa akin. “This is for Gideon.” 

“Oh, gosh…” Veronica said as if she was losing her patience. 


Bumagsak naman ang balikat nina Lorelei at Brianna habang nakatingin sa akin. 

Nakangiti pa rin ako sa kanila. “What?” Natatawang tanong ko sa kanila. 


“Wa—” 

“No, let her! Hayaan niyong umasa siya sa lalaking iyon!” she hissed saka matalim akong tinignan. “But let me remind you the child in your womb. Baka dahil sa katangahan mo ay may mangyari pang masama sa inyo ng anak mo!” 


Umiling ako at nilagay ang kamay ko sa tiyan ko. “Nope… I will assure you na walang mangyayari sa anak namin. Gusto ko lang na bigyan siya ng buong pamilya.” 


Art Of Temptation Series: Forbidden Desire [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon