CRACK 1

1.4K 34 0
                                    

✧✧✧

Sa buhay ko, 'magtrabaho ka para magkapera ka .. dahil kung wala kang pera, wala kang makakain, mamamatay ka.' Yan ang tumatak sa utak ko.

Simula pa nung nagkaroon ako ng sariling isip para magdesisyon para sa sarili ko, napagpasiyahan kong hanapin ang sarili kong kapalaran sa ibang lugar. Oo, naging independent ako. Lumayo ako mula sa mga magulang at kapatid ko. At mag-isang nilakbay ang daan na alam kong magtutungo sa akin sa landas na magbibigay ng kasiyahan at kalayaan .. hindi para sa aking sariling ikakayaman. Hindi ko naman kailangan ng malaking pera para maging masaya. May sapat lang na pera, ayos na.

Kaya ngayon na malaya na ako, gagawin ko kung ano ang gusto ko na hindi makakasira sa kung anong klaseng tao ako pinalaki ng magulang ko. Hindi sila nagkulang, mabuti silang mga ehemplo at mahal nila ako kaya hindi kailanman ako nagrebelde sa kanila.

Ang pagiging malaya ko ngayon ang nagtulak sa akin na gawin ang mga gusto ko na hindi ko noon magawa. Gawain na makakatulong rin sa akin para magpatuloy lang ako sa buhay.

Art is life for me. This is the only weapon that will take me to a life-long living, I think. Hindi ko kailanman inisip na gamitin ang mga natutunan ko sa kolehiyo para sa trabahong gusto ko pagka-graduate ko. Ito ang nagpapasaya sakin kaya ito ang gagawin ko.

Gumuguhit ako para mabuhay. Hindi man sobrang laki ang natatanggap kong sweldo rito pero nag-eenjoy ako at gusto ko ang ginagawa ko. Dito ako magaling eh.

Gumuguhit ako ng mga katawan sa papel na parang totoo kung tinitingnan mo, at yun ang talentong kinahahangaan nila sa akin. Ako minsan ay kinukuhang taga-guhit ng ilan sa mga advertisers para sa mga fashion illustrations nila pero paminsan minsan ay tinatawag rin nila ako para sa mga medical or professorial na uri ng mga makatotohanang ilustrasyon na kailangan nila para sa mga libro nila.

Natigilan ako sa pag-aayos ng mga gamit nang marinig kong may kumatok sa pinto ng tinutuluyan kong maliit at simpleng studio sa syudad.

Iniwan ko ang walis at feather duster na hawak ko at agad na binuksan ang pinto.

An extremely good looking, bold and wild guy appeared infront of me.

"Uhm .. M-Mr. Dixon?" tanong ko.

He smiled flashing his very white teeth dahilan para mapatigil ako. His smile looks nice and sweet. And it's fascinating me.

"Yeah, that's me. Pero wag mo na akong tawagin niyan. Masyado ka namang formal. Just call me Azrail [Heinus]." sagot niya na ngumiti ulit sa akin.

"I see. By the way, I'm Alex. Halika, pasok ka." aya ko na ikinangiti niya ulit.

Why'd he smiling too much?

Sinundan ko siya ng tingin nang pumasok siya sa loob nang luwagan ko ang pagkakabukas ng pinto. Nakita kong nakasuot siya ng isang puting t-shirt na pinatungan niya ng navy blue na leather jacket. Isang ripped jeans na itim at itim ring sapatos ang i-t-in-erno niya.

"Akala ko, isa kang med student," sabi ko na hindi na naitago pa ang pagdududa dahil sa napansin kong tatlong silver hoops na bumutas sa kaliwang punong tainga niya nang pasadahan ko ng tingin ang makislap na itim na itim na buhok niya.

"I am." sagot niya na ngumiti sa akin na mas kakaiba sa kung paano siya ngumiti sa akin kanina. Kung ngumiti siya, feeling ko, matagal na kaming magkakilala.

Isinara ko ang pinto at tumungo sa lugar kung saan ako naglilinis kanina at iniligpit ang walis na nakakalat roon. Ramdam ko tuloy ang mga mata niyang nakatuon sa likod ko. Nanatili lang din siya sa kinatatayuan niya.

#BL VERSION: "A CRACK IN FOREVER" - [COMPLETED] Where stories live. Discover now