CRACK 18

109 3 0
                                    


✧✧✧

Zane's P.O.V

Mabuti na lang at nandiyan si Mama para tawagan ang lahat ng taong kailangang makaalam sa nangyari: sina Astra, Noah, Joel, Kairon, at ang iba pa. Lahat sila maliban sa mga magulang ni Azrail .. dahil ako ang gagawa nun.

Tumawag ako mula sa ospital.

"Mr. Dixon," sabi ko nang sagutin niya ang tawag ko. "Malubha na ang sakit ni Azrail."

"Even more reason to bring him home," sagot niya.

"He's really sick this time."

"I'll pay for a nurse to escort him with me, then."

"Hindi mo naiintindihan---"

"Naiintindihan ko na hindi mo siya kayang i-handle."

"Nasa ospital siya---"

"Mas mabuti para sa kaniya kung nasa amin siya. Sinabi ng abugado ko na may court date tayo next week, may kinalaman yun sa dokumento na sinabi mong ang anak ko ay--"

"Makinig ka!" Katahimikan ang namayani sa kabilang linya. "Makinig ka," ulit ko, "may sakit si Azrail. Pupunta ba kayo ni Mr. Dixon rito?"

"To bring him home?"

"Hindi. Para makita siya. Para magpaalam sa kaniya." I choked, my knuckles jammed to my lips.

"Let us bring him home and we'll come. Or, I can have my attorney call you next week."

"Hindi niya kayang bumiyahe," humihikbing sabi ko.

"Good-bye, Mister Fidel."

"Mr. Dixon," sabi ko sa dial tone, "Sasabihin ko sa kaniya  na patatawarin mo siya. Sasabihin ko na paalam ... "

I cried into the phone; hindi ko na rin pinansin pa kung may mga makakakitang dadaan malapit sa akin.

...

Nakaupo ako sa gilid ng hospital bed ni Azrail, sa isang kwarto sa ika-labing dalawang palapag ng AIDS Unit, ang noo ko ay nakasandal payuko sa malamig na bakal ng bed rail, nang biglang pumasok si Joel. Naramdaman ko ang kamay niyang lumapat sa balikat ko dahilan para magtaas ako ng tingin.

"Hi," saad ko. "Heto na naman tayo."

Sa hitsura ni Joel: may pagkatalo, pagtanggap, pag-unawa, o kalungkutan .. yan ang nagpabilis sa kabog ng puso ko.

"Tinawagan ako ng mama mo," sabi niya.

"Salamat sa pagpunta."

"Hindi mo naman kailangang magpasalamat."

"Tumigil na siya sa pag-atake ng sakit niya," ani ko na napalingon kay Azrail.

"Mukha naman siyang maayos."

"Oo."

"Pero maaaring hindi rin naman tatagal."

Hindi ko siya agad sinagot dahil sa sinabi niya. "Bakit? Ano lang ba ang tatagal?"

Pareho kaming napatingin kay Azrail, ang mukha niya, ang payat na niya at napakahina, may kapayapaang nakaukit roon. Hinawakan ko ang kamay niya, mainit, nanatiling buhay.

"Ang pagmamahal niya at alaala sa iyo na kasama siya."

Tinungo siya ng mata ko nang sabihin niya iyon. Pinipigilang maluha. Pero nakatuon lang ang mata niya kay Azrail.

"Hindi lahat ng bagay, nagtatagal," dagdag niya na binalik ang tingin sa akin. "Maaaring .. " huminga siya ng malalim bago nagpatuloy, "maaaring sa susunod na araw o sa susunod na linggo, titigil na ang oras para sa kaniya. Ang tanging magagawa mo na lang ay ang tanggapin at hayaan siya."

#BL VERSION: "A CRACK IN FOREVER" - [COMPLETED] Where stories live. Discover now