CRACK 9

94 10 0
                                    

✧✧✧

Zane's P.O.V

Sumakay kami ng kotse mula sa terminal, bilang pagpapaunlak ng Papa ni Azrail, at nagpasalamat sa kanya sa pamamagitan ng tahimik na pakikipaghalikan sa may backseat, sa madilim na backseat. Parang hindi rin din naman napansin ng driver, o kung mangyari man, hindi namin siya napansin. Maligayang Pasko.

Gabi na nang makarating kami sa syudad. Pero ang bahay ng Mga Dixon ay nasa Hilagang dako ng arabal o sa labas ng lungsod. Tila isang malaki at magandang kolonyal na laryo o brick na napapalibutan ng mga halaman at bulaklak, mga laso, at mga kumukuti-kutitap at masasayang maliliit na ilaw na nagkakasabay sabay at naghahabulan na nakasabit malapit sa pinto. Napapaligiran ng mga magaganda't na-trim na mga palumpong o bushes. Ang mga katawan o poste ng dilaw na ilaw ay naghati sa kadiliman, na kumalat sa damuhan mula sa mga nagliliwanag na bintana.

Nagpasalamat kami sa driver bago lumabas ng kotse. Ang hangin ay tuyo, malamig at tahimik.

"Nandito na tayo," sabi ni Azrail, na humawak sa mukha ko sa magkabila niyang mga palad at hinahalikan ako sa iba't ibang parte o bahagi nito habang sinasabi niya ang bawat salita: "I love you." It was like the first time he had said it to me.

Hinalikan ko rin siya ng mariin pabalik sa labi niya, na parang gustong gusto ko na namang magkaugnay ang mga katawan namin, doon mismo sa nanlalamig na bakuran ng bahay nila. Nang humiwalay ako, na habol ang hininga, balisa, hindi mapakali at 'di mapalagay. Sabik na sabik na tumugon sa mga katulad niya, pero tumalikod na siya.

"Ma," rinig kong sabi niya na kumaway.

Nakita ko na bumukas ang pinto at lumabas ang Mama niya, natatanglawan ng ilaw mula sa loob, may suot na kulay pula na apron na may disenyong isang kamatis sa gitna at maayos ang pagkakapusod ng buhok.

Kumaway rin siya pabalik, "Sumrek kayon! Nalamiis dita ruwar!" (Pumasok na kayo! Malamig diyan sa labas!) sigaw niya.

Nagsalita siya ng Iloko, na nagpapatunay na siya ay nakatira at lumaki rito sa Ilocos. Pareho silang nanirahan rin sa Manila nung araw kaya alam rin nila mag-tagalog, pero mas piniling magpatayo ng bahay rito sa probinsiya, kahit na madalang na lang magsalita ng Iloko, yun pa rin ang naging first language nila.

"Ma, si Alzane Cayden Fidel," sabi ni Azrail nang makalapit na kami sa bahay. "Zane, siya ang Mama ko, si Priscilla Dixon."

Nakipagkamay kami sa isa't isa. Ang mga kuko niya ay na-manicured katulad ng kulay ng pulang apron niya. "Nice to meet you po, Mrs. Dixon," sabi ko.

"The pleasure is all mine, iho," sagot niya. "Kamusta ka, Azrail?"

"Ok lang ako, Ma. Salamat."

"Mabuti," nagkahalikan sila sa pisngi bago kami pumasok, na ang Mama na rin niya ang nagsara ng pinto sa likuran namin. "Sander?" tawag niya mula sa bulwagan habang tinatanggal na namin ang suot naming jacket.

"That's my father," bulong ni Azrail sa akin.

Naghintay kami.

"Bro!" mahina't pabiglang sigaw ni Azrail nang lumabas ang isang lalaki na itim na itim rin ang buhok ang halos mapatalon rin nang makita si Azrail.

"Bro!" the young man responded. At nagkayakapan sila.

"Noah, meet Zane Fidel," sabi ni Azrail. "Zane, siya ang nakababata kong kapatid, Noah."

"Hi," sabi ko.

"Hi," sagot rin niya. Pagkatapos ay muling lumingon kay Azrail, "Fox, bro, as usual."

"Sander!" tawag ni Mrs. Dixon. Nang walang marinig na sagot ay agad na sabi niya, "Noah, puntahan mo't hanapin ang Papa mo," at tumakbo na siya.

"Now," sabi ni Mrs. Dixon, "let's get you kids settled." Iginiya niya kami papunta sa ikalawang palapag sa may hagdan, ang karpet ay kulay light na brown, katulad ng mga pader. Hawak ni Azrail ang mga dala naming maleta.

#BL VERSION: "A CRACK IN FOREVER" - [COMPLETED] Where stories live. Discover now