CRACK 6

170 8 0
                                    

(WARNING! SLIGHT MATURE CONTENT!)

✧✧✧

Zane's P.O.V

"I'll be right over." rinig kong sabi niya sa kabilang linya.

Nabalisa ako sa pag-aayos ng apartment dahil sa pagdating niya. Hindi naman sa marami akong gagawin. Mga gamit ko lang naman sa pagguhit ang meron ako. Kaya halos mga art supplies lang ang makikita sa loob, may mga libro rin naman, may isang card table at upuan, yung stool para sa mga model ko at isang foam rubber pad na tinakpan ko ng sheet ang nagsisilbi kong higaan. Mapalad pa rin ako na hindi nawala sa akin ang pagkahilig ko sa sining - sa sarili ko, naturally, dahil kahit na simple lang tong nakuha kong kwarto ay nabuhayan naman kahit papano.

Tumunog bigla ang bell. Ang tunog nun ay parehong ikinadama ko ng paninigas at pagkabagabag. Tumunog iyon ulit bago ko tuluyang nabuksan ang pinto. Nandoon si Azrail, sa likod ng kagusto - gusto at gwapo niyang mukha, sa katotohanang, sa likod ng sarili kong mga nakakatawa at labis napagpapantasya tungkol sa kaniya, ang pagngiti niya nang pa-ngisi na alam ko ay para sa akin lahat.

Nagyakapan kami ng mahigpit sa may doorway at hindi na napansin ang oras, naghahalikan kami na tila dalawang gutom na gutom na tuta. Licking, giggling, panting and groping. Si Azrail na rin mismo ang nagtulak sa akin papasok sa loob at nagsara ng pinto.

"Fuck, it's good to see you," anas niya na humaplos sa buhok ko, hinahalikan ang mga punong tainga ko, noo, mata at ilong. "I could eat you up."

"Please, do." bulong ko rin.

"Hindi," sabi niya na umatras. "I'm an artist. Nandito ako para iguhit ka."

Ang kaisipan na nakaupo ako ng hubo't hubad ng hindi gumagalaw para sa kaniya ang tila kidlat na nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam ng katuwaan, nerbiyos at pagkatakot. Takot kung saan hindi ko rin alam kung saan yun patungo.

Hinila ko siya, pilit pinabuka ang matamis niyang bibig gamit ang dila ko. Napa-ungol siya pero lumayo rin siya agad.

"Be a good little model," sabi niya. "Strip for me."

Kahit na mabilis ang sunod sunod na paghinga ko, hindi ako gumalaw. Tiningnan niya ako, hinihintay na tumalima ako.

"Mr. Fidel," pagpapatuloy niya, na hinawakan ang kamay ko. "Alam ko na ito ang unang beses, pero kailangan mong tanggalin ang mga damit mo." Hinawakan niya ang mukha ng ilang sandali, nakatitig sa mga mata ko. "Wag kang mahiya," sabi pa niya.

Nakaramdam ako bigla ng pag-iinit sa pagitan ng mga hita ko habang ginagawa ang hinihingi niya, nararamdaman ko ang mga mata niyang nakatutok sa akin.

Tinanggal ko muna ang suot kong jacket tapos ang t-shirt ko. Ang mga nipples ko ay matigas na, nagmamakaawa na pisilin at paglaruan. Nakatingin lang siya sa akin, hindi nagsasalita pero tahimik na nagsasabing ipagpatuloy ko lang. Ibinaba ko ang pantalon ko, nag-alinlangan, na ang natira na lang ay ang suot kong boxer brief.

"Kung hindi mo suot yan, hindi tayo magkakaproblema," sabi niya.

Hindi ko napigilang mapangiti, sa huli'y tinanggal ko rin yun. Nakatayo ako sa tabi niya, handa na.

"Humiga ka," utos niya. "Doon," turo niya sa pad na nagsilbing tulugan ko rito. Nahiga ako roon, nakatitig sa kisame, humihinga ng malalim, naghihintay.

"All right, since you've never modeled before," panimula niya, " 'just listen, don't talk. Move only when I tell you.' "

Napasinghap ako. Kung hindi ako nagkakamali, yun yung mga salita na sinabi ko nung gabi na nag-model siya sa akin.

#BL VERSION: "A CRACK IN FOREVER" - [COMPLETED] Where stories live. Discover now