CRACK 4

243 11 0
                                    

✧✧✧

Zane's P.O.V

Naalimpungatan ako dahil sa naulinigan kong tunog ng cellphone ko isang umaga, apat na araw na ang lumipas.

"Hello," sagot ko nang nakapikit pa rin.

"Ang sarap talaga pakinggan ng boses mo, Zane. Ako 'to, si Azrail."

Natigilan ako. Sinusubukan kong pakalmahin ang puso ko. Bigla bigla na naman kasing tumitibok nang sobra na parang hindi na naman papipigil para yanigin ang buong katawan ko. "H-hi,' yan lang ang nakaya kong sambitin sa kaniya na nautal pa.

"Pwede ba kitang anyayahin?" tanong niya na nagpakunot ng noo ko.

"Hmm?"

"Gusto mo ng katawan, hindi ba?"

Mas lalong kumunot ang noo ko sa sumunod niyang sinabi. Pero natawa rin sa huli. "Depende pa rin naman kung kanino."

"Hindi ka nun kilala."

"Okay. Nakikinig ako."

"Naisip ko lang kasi kung interesado kang sumama sa akin mamayang hapon sa gross lab namin."

"Gross?"

"Hindi naman ganun kalala."

"Hindi, ang ibig kong sabihin, ano yun?"

"Hmm, gross anatomy, mga bangkay--"

"Oh." Sinusubukan ba niya ako kung tatanggihan ko siya? Napalunok ako. "Okay, kailan at saan?"

~•~

Alam ko na hindi ko dapat ginawa yun pero nagawa ko talagang mag-cancel ng model sa hapon na yun para lang makasama ako kay Azrail. Nagkita kami sa labas ng isang mataas na kulay asul na kongkretong building sa gilid ng university campus nila. Nakita ko siyang kumakaway sa akin nang papasok ako sa entrance. Suot niya ang karaniwan niyang hindi sinusuot na damit pero natatakpan iyon ng mahabang puting coat o lab gown. Ang kaniyang buhok ay nakatali rin ng ponytail.

"Hi," salubong kong bati sa kaniya nang makalapit ako, na bigla ay nakaramdam ako ng hindi ko rin naman maintindihan.

"Zane, my friend," nakangiting sabi niya na isinampay ang braso niya sa balikat ko. "Masaya ako na nakarating ka."

"Nasaan sila?" tanong ko.

"Sino? Yung mga katawan?" tinaasan ako ng mga kilay niya. "Halika." sabi niya na humila sa kamay ko at nanguna sa pag-akyat sa may hagdan at paglakad sa may pasilyo na nalinyahan pa ng mga lockers.Nagkalat ang mga med students sa lugar. "Eto, isuot mo," sabi niya na iniabot sa akin ang isang puting lab gown na katulad rin ng suot niya.

"Bakit?"

"Para hindi ka marumihan. At para na rin makasabay ka't makatugma sa amin."

Hindi na ako nagsalita pa at agad isinuot iyon. "Sa tingin ko, hindi rin din naman ako mababagay rito, Azrail."

"Isipin mo na lang na nasa costume party ka." Pinagmasdan niya lang ako nang bigla niyang ayusin ang collar dahil sa pagkakasuot ko.

Feeling ko nag-init na naman ang batok ko dahil tumama ang kamay niya sa balat ko.

"Sinabi ko sa instructor namin na isa kang premed," pagpapatuloy niya, "at tsaka isa ka sa mga nagbalik-bayan na pinsan ko. Kaya galingan mo ang pag-a-artista na pinsan kita ah?"

"Okay. Pero kailangan rin ba na umakto rin ako na parang isang premed?"

Tumawa siya at napailing. "Ako nga ay hindi ko rin yun kaya."

#BL VERSION: "A CRACK IN FOREVER" - [COMPLETED] Där berättelser lever. Upptäck nu