Chapter 1

4 0 0
                                    

Chuchay's POV

Tuluyan akong nagising dahil sa pagtunog ng alarm clock ko. Kaloka ang panaginip ko shit.

Pano ba naman, naging kami daw ni Ice. Si Ice lang naman ang binansagang "Ghost Killer" dito sa bansa.

Sasabihin kong crush ko sya pero malabo maging kami. Artista sya at serial killer. Well, hindi naman talagang serial killer na grabe kung pumatay ng human being. Bale, agent sya. Sa lahat kasi ng mga naging subject nya, namamatay lahat ng mga nakakalaban nya.

Sabi din ng iba hindi daw nya iniiwang humihinga lahat ng mga kalaban nya. Sabi din nila, mananayo lahat ng balahibo mo sa presensya nya at maninigas ka na lang na parang nakakita ka ng multo.

Grabe diba, nagka-crush ako sa isang killer. Ang ganda kasi nya tapos ang astig nya sa mga role na ginagampanan nya. Nahuhulog ang aking heart sa kanya.

Pasado alas-singko pa lang, pilitin ko mang matulog hindi na talaga kaya umalis na lang ako sa kwarto at naghanda ng almusal.

_____

Wala naman akong kasama dito sa bahay kaya parang milyonarya akong nakahilata lang sa sofa habang nanonood ng tv. Tapos na din akong magtanghalian, bahala na mamayang gabi ang hugasin.

Kahit nanonood ako ay hindi ko pa rin maalis sa isip ko iyong napanaginipan ko kagabi. Grabe yun, napapangiti ako kapag naalala yun.

Crush ko, gusto este mahal na pala. Hindi ko alam kung kelan basta mahal ko daw HAHAHAH kaloka si mareng puso natibok sa isang killer.

By the way, babae si Ice 'ha. Yes po, opo ang magandang si Chuchay ay bisexual. Dahil sa nag-iisang si Illiana Crysta Elscido. Ang ganda talaga ng pangalan nya.

Habang nanonood ng We Bare Bears, favorite cartoon, napatawag ang aking madafucking cousin na si Kabalyero.

Oh?

[Asan ka?]

Nasa bahay bakit?

[Nanonood ka ng tv?]

Of course

[Channel 8. Bilis]

Kdot.

Pagkatapos nun, kasi mabait ako kaya pinatay ko na lang bigla. Hindi ko ba alam baklang Knight na yun kung bakit gusto nyang manood ako sa channel 8.

Gwapo sana yun, kaso grabe bakla ang putek. Kaming dalawa pa lang nakakaalam kaya kapag yang kabalyerong yan hindi nagsabi sakin ni isang sekreto at sa iba ko pa nalaman, laglag talaga sakin yang kagagahan nya.

Since wala akong magawa nanood na lang ako sa channel 8. Agad na napangiti ako dahil Ebuzz ang pinapalabas at si Ice ang guest.

Everyone, let's welcome Ms. Ghost Killer, Illiana Crysta Elscido also known as Ice

Napatili ako at napatalon-talon ng lumabas si Ice. Ang ingay ng set nila at siguradong maraming tao. Hakot admirer si Mareng Ice.

Thanks for inviting me Ella”

Naupo na sya sa isang long sofa. Teka, parang de jávú, ito din yung napanaginipan ko kagabi pero magkasama na kami. Gosh, naiimagine ko ng magkatabi kami.

Tinigil ko na lang ang pagiimagine at itinuon ang atensyon sa tv. Ang lakas talaga ng tibok ni mareng heart kapag si Ice.

Salamat rin at naparito ka, Ice. So, wanna update your fans about you currently status right now?

Nothing new. Paulit-ulit ko naman na 'tong sinasabi sa mga guestings, prescons at iba pang interviews. Baliko po ako and currently not seeking for the love of my life. Naghihintay ako kasi ang destiny dadating at dadating yan. Pero this time, feeling ko kilala ko na ang magiging destiny ko

Oh, confusing huh. Isang Illiana Crysta Elscido, ang maganda nating ghost killer ay may inaadmire ngayon. Care to tell us who's this?

Actually, I just saw her in my dream last night. Three days straight ko na syang napapanaginipan

Agad na sumikdo ang puso ko. Bakit parang feeling ko ako yun? Ang bilis ng tibok ng puso ko. Tatlong araw ko din syang napapanaginipan pero baka nag-aassume lang ako sa wala.

Madaming nagsi-ship sa kanya sa iba't ibang artista. Imposible namang ang simpleng ako lang ang tinutukoy nya.

Oh, you saw her in a dream? Weird ha. Do you know her?

Hmm, yes. I know who she is

Magbigay ka ng mensahe kung sakali mang nanonood sya

Hey Chuchay. Yes, Chuchay. I know who you are. Kaklase kita noong grade school. I don't want to feel this pero hindi ko mapigilan. I really need to see you Ice. Nababaliw ako sayo. Baliw na ko sayo. Tomorrow in Journey's cafè 3pm, please meet me there. That's all Ella

Parang tumigil ang lahat na nakapaligid sakin. Maingay ang tv pero tibok lang ng puso ko ang naririnig ko. Tama ba yung pagkakarinig ko? Chuchay? Ako?
Naalala kong kaklase ko sya noong grade school. Pero ako? Parehas ba kami ng napapanaginipan? Paano? Bakit?
Wala sa sarili kong pinatay ang tv at idinial ang number ng bestfriend kong si Rey.

[Bat ka napatawag tukmol?]

Punta ka dito

[Okay ka lang?]

Puntahan mo na lang ako dito

[Sige papunta na ko]

Bye

_______

Tangina seryoso ka?” hindi makapaniwala nyang tanong.

“Nakita mo din yung interview ng pinsan mo diba” sarkastiko kong sagot.

“Hindi ko pinatapos 'e, nag-vlog ako” kibit balikat nyang ani.

Inirapan ko lang sya at nanahimik. Hindi ko alam kung ako ba talaga yun. Maraming Chuchay sa mundo pero sa pagkakakaalala ko ako lang ang nag-iisang Chuchay na naging kaklase nya. Pero paano? Paanong ako?

“Pupunta ka ba bukas?” napalingon ako kay Rey sa sinabi nya.

“I don't know” wala sa sarili kong sagot.

“Chance mo na 'to Chay. Sya na nga mismo ang naghanap sayo, sa tv pa”

“I know Rey. Gusto kong pumunta bukas pero hindi ko alam ang gagawin ko. Pwede naman sigurong next time na lang diba?”

“Tanga wala ng next time kapag hindi mo sya siputin ngayon. Baka isipin nyang hindi mo sya sisiputin tapos kapag puntahan mo sya ayaw na nya sayo”

“Sabagay, pero anong gagawin ko?”

“Alam mo, mag-ayos ka bukas. Simplehan mo lang, pumunta ka sa Journey's cafè at exactly 3 pm at kausapin sya. Parehas naman kayong napapanaginipan ang isa't isa diba?” tinanguan ko lang sya.

“Exactly. Puntahan mo sya bukas para maklaro mo na din kung bakit mo sya napapanaginipan” nagbuntomg hininga na lang ako.

Tinungga ko ang naiwang laman ng Smirnoff at tumayo ng tuwid. Okay, natatamaan na ko ng alak.

“Wala naman na akong magagawa. Tulog na ko” tumango lang sya saka ko sya iniwan sa sala at dumiretso sa kwarto.

Ang kapal ko talaga. Ako nag-ayang uminom ako pa unang nangiwan. Partida sya pa maglilinis ng pinag-inuman namin.

Pero makapal na ang mukha sa makapal, gulong-gulo lang talaga ang isip ko ngayon. Bahala na bukas. Sa ngayon, kailan ko munang matulog dahil masakit ang hangover bukas.

‘Iinom-inom hindi naman kaya’

“Alam mong utak ka, tumahimik ka na nga. Matutulog na ko, tangina ka"







The Dreamer's Love (Completed)Where stories live. Discover now