Chapter 8

0 0 0
                                    

Chuchay's POV

*5 years later*

“Sunduin mo ko 'ha” bilin ko kay Rey.

“Yes po” sarkastiko nyang sagot na nagpatawa sakin bago sya kinawayan paalis.

Nang mawala na ang sasakyan nya ay binitbit ko na ang picnic basket at bouquet of tulips at nalakad patungo kay Ice.

Nang mahanap ko sya ay inilapag ko ang basket at ang bouquet sa harap nya. Kinuha ko mula sa loob ng basket ang pinic blanket at inilatag iyon saka ko inayos ang pagkain at humarap sa kanya.

“Happy 7th anniversarry hon” ani ko saka inilapag ang bouquet ng tulips sa nitso nya.

Maraming tao ang nakapaligid sakin. Mga paparazzi. Palagi iyon kapag anniversarry namin ni Ice. Nandito kasi ako palagi sa puntod nya.

Lumingon ako sa likod at tinanguan ang mga guards nakaharang sa mga paparazzi. Umalis sila at dun ako dinumog ng mga paparazzi.

“Ms. Chandra totoo po bang ngayon ang inyong 7th anniversarry ni Ms. Ice kagaya ng lumalabas sa social media?”
anang isang reporter.

Tumango na lang ako. Nakakarindi ang pagtawag nila ng pansin, tinanguan ko iyong lalaking reporter.

“Ms. Chandra si Ms. Railina Elysha Yesua Cruz aka Rey po bang iyong naghatid sa inyo?”

“Yes, she's my bestfriend”

“Totoo po ba ang bali-balita na hindi totoong patay si Ms. Ice?”

“Kung hindi sya patay, e parang baliw na pala kayong lahat na naghintay sa akin sa puntod na 'to kung alam nyong hindi 'to totoo”

“Sinisisi nyo po ba ang sarili nyo sa pagkamatay ni Ms. Ice?”

“I'm done with those days”

“Totoo po bang magre-resign na kayo as Special Agent Commander sa SAG?”

“Yes”

“Pwede nyo po bang sabihin sa amin ang rason ng pagbibitiw nyo sa pinakamataas na posisyon ng pinaka-succesful na Special Agent Company sa buong mundo?”

“Gusto kong mag-focus sa pamilya ko, yun lang”

“Sa inyo pa din po ba nakapangalan ang mga ari-arian ni Ms. Ice?”

“Yes, at ang lahat ng iyon ay inaalagaan kong mabuti kagaya ng ipinangako ko sa kanya” pagtatapos ko at tinanguan ulit ang mga bodyguard ko.

Hinarangan at pinaatras na nila ang mga paparazzi papalayo sa akin. Nag-stay muna ako dun ng ilang minuto bago inayos ang mga inilatag ko at pumasok sa sasakyan ni Rey na kanina pa pala naghihintay.

“Tara na” aniya habang nakatingin sa akin mula sa rear view mirror. Tumango lang ako saka na nya sinimulang paharurutin ang sasakyan.

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa mansyon, sa bahay ni Ice. Pinakuha ko na kina Hermes ang mga gamit ko saka dire-diretsong tumungo sa banyo at naligo. Nagbihis na din ako ng pantulog at saka ako tumungo sa kusina para magluto ng hapunan.

Habang nagluluto ay napangiti ako dahil narinig ko na ang pagtawag nya sakin. Nandito na pala sya. Maya-maya'y lumakas ang kabog ng dibdib ko ng maramdaman ko nakayakap sya sa akin mula sa likod at naramdaman ang ilong nyang idinikit sa batok ko na animo'y may kung anong inaamoy.

“You smells good” aniya. Humarap ako at pinalupot ang braso ko sa leeg nya saka hinalikan sya sa labi.

“Alagang Ice 'to” may pagmamayabang kong saad saka kami nagtawanan.

The Dreamer's Love (Completed)Where stories live. Discover now