Chapter 2

0 0 0
                                    

Chuchay's POV

“Bakit ka ba kasi iinom-inom kagabi hindi mo naman pala kaya. Yan, magdusa ka sa hangover” si Rey na ang naging alarm clock ko ngayong araw.

Tanghali na kasi akong nagising at masakit ang ulo kaya tinawagan ko sya para sana magpatulong kasi isang oras na lang alas-tres na. Tapos ganto pa yung bungad sakin? Tanginang araw.

“Alam mo, tinawagan kita para tulungan ako hindi yung bungangaan ako. Pakikuha nga nga ng tubig” sarkastiko kong sagot sa kanya habang iniinda pa din ang sakit ng ulo.

“Pasalamat ka naaawa ako sayo” aniya saka binigyan ako ng tubig.

“Salamat ha” sarkastiko kong ani, inirapan lang nya ko.

Kinuha ko ang dinala nyang gamot para sa hangover at ininom yun. Mamaya okay na 'to, sana nga.

“Oh, ano ng plano mo?” nilingon ko sya. Nakapameywang pa sya at nakataas ang dalawang kilay.

“Pupuntahan ko syempre” sagot ko at akmang tatayo ng bumalik uli sa pagkakaupo dahil sumakit nanaman ang ulo ko.

“Sure ka? Tawagan ko na lang kaya

“Ano namang sasabihin mo?”

“Na sya na lang pumunta dito”

“Wag na kaya ko 'to” sagot ko at tumayo ulit.

Napangiwi ako ng maramdaman ang sakit. Hindi na din naman gaya kanina pero masakit pa din. Unti-unti akong naglakad papalapit sa walk in closet ko. Sa bawat hakbang napapangiwi ako.

_______

“Sure ka na talaga?”

Naiirita na ko kay Rey. Kanina pa kasi sya nagtatanong kung sure na ba ko. Masakit pa din ulo ko pero medyo okay na ngayon. Simpleng red-fitted dress lang at light make-up.

“Alam mo, naiirita na ko sayo. Aalis na nga diba? Hindi pa ba halata 'tong suot ko?” sarkastiko kong saad sa kanya, nakatikim naman ako ng batok.

“Ano ba?!” inis kong sigaw.

“Nag-aalala na nga para sayo ganyan ka pa makasagot, tara na nga” aniya saka hinila ako papasok sa sasakyan.

Inirapan ko sya, makahila kasi parang makakalas ang braso ko. Hindi pa ko pinagbuksan ng pinto ng loka. Tangina nya talaga.

______

“Tangina ang daming tao” gulat kong saad ng madaanan namin ang Journeys.

Sobrang daming reporters at mga fans ni Ice dito. Ang gwapo nya talaga. Nakaupo sya sa gitnang table, ang gwapo nya sa white shirt nya.

Wala ding tao sa loob at sya lang mag-isa. Pina-close talaga nya amg buomg Journeys para lang sa pagkikita namin. My gawd.

“Papasok ka ba o hindi?” napalingon ako kay Rey.

“Ang dami kasing tao” nag-aalinlangan kong ani.

“Akong bahala” saad nya saka may pinindot-pindot sa cellphone nya.

Hindi ko naman makita kasi nasa likod ako at nasa driver's seat sya. Kahit napapantiskuhan, hinayaan ko na lang sya. Maya-maya umandar na din ang kotse paalis sa harap ng Journeys.

'Tangina, anong gagawin nya? Iiwan ba namin si Ice dun? Gawd'

________

“Nasan tayo?” tanong ko ng makababa kami sa sasakyan at tumambad sakin ang mala-palasyong bahay.

Ang laki kasi at nag-iisa lang sya dito sa Golden Village. Nasa tuktok ng bundok na sakop ng GV itong bahay, sobrang laki na animo'y palasyo.

“Iwan na lang kita rito sabi nya” nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Rey at tuloy-tuloy syang pumasok sa kotse.

“Hoy! Anong iiwan?!” inis kong sigaw at pinigilan syang isirado ang pinto ng driver's seat.

“Sabi nya kasi” inosente nyang saad.

“Sinong ‘nya’?” takang tanong ko.

“Si Ice”

Bigla nanamang sumikdo ang puso ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko kapag naririnig ko ang pangalan nya. Tangina, ano ba 'to? Naaalala ko nanaman ang mga napanaginipan ko kagabi.

“Alis na ko ha” saad nya na nagpabalik sakin reyalidad.

“H-ha? S-sige. Basta balikan mo ko mamaya dito ha”

“Oo, susunduin kita. Ge na”

“Ingat”

“Bye” huli nyang saad bago tuluyang sumakaya sa kotse at pinaharurot iyon.

______

“Aba, tangina ako ata ang hindi sisiputin nun” wala sa sarili akong nagpapapadyak at kinakausap ang sarili.

“7 minutes na kong naghihintay?! Tangina!” napasigaw ako dahil sa frustration.

Ang tagal naman nya peste!

“Ahh!” sigaw ko dahil sa gulat ng biglang kumidlat.

Peste mukhang uulan pa! Uuwi na talaga ako. Bahala sya. Kung gagawan nya ko ng issue sa social media, sasabihin kong pinag-intay nya ko. Bahala sya. Tangina nya.

Akmang aalis na ko mula sa lintik na bahay na 'to ng masilaw ako sa headlight ng putanginang sasakyan. Sasagasaan pa sana ako ng gago. Huminto sya sa di kalayuan kaya nakabawi ako ng huwisyo at agad na binungangaan sya.

“Hoy! Tanga ka ba?! Wala ka bang nakikita?! Hoy! Makulimlim lang hindi masyadong madilim kaya alam kong kita mo pa ko sa malayo! Tangina mo ha! Badtrip ako kaya lumabas ka dyan!” inis kong ani at sinipa ang kotse nya

Pinagsisihan ko naman yun kasi, ang sakit! Tangina, aray! Napaatras naman ako dahil binuksan na nya ang pinto.

“Miss, I'm sorry. I really need to hurry, may nag-iin—”

Kahit ako ay napahinto rin ng matanto kung sino ang nasa harap ko. Ang lakas nanaman ng tibok ng puso ko sa Ice na 'to. Natigilan din sya, hindi makapaniwalang ako ang kaharap nya.

“Chuchay?” gulat nyang ani.

Nag-flip hair naman ako at sinigurado kong matatamaan sya.

“Bye” sagot ko at akmang aalis na ng hawakan nya ang braso ko.

Fudge! Bakit parang nakuryente ako dun? Ang lakas ng tibok ng puso ko pusangina!! Anong gagawin ko?! Naba-black out ako shit!

“S-sorry. Tara na” aniya habang nakahawak pa din sa braso ko.

Ang lambing ng pekening voice nya! Ramdam kong namumula ako, mabuti na lang at nakatalikod ako sa kanya, kung hindi sobrang nakakahiya.

'H'wag na marupok Chay'

“Okay”

'Tangina mo Chay'

Walang nagawa ang isip ko. Marupokpok este marupok ako 'e. Saka, wag ng pa hard-to-get nakakasuka.

Pinagbuksan nya ko ng pinto bago sya umikot sa kabila at pumasok. Mabuti pa 'tong si Ice pinagbubuksan ako samantalang si Rey? Nevermind.

Nginitian nya ko mula sa rearview mirror. Inirapan ko sya, pakipot lang. Narinig ko ang pagbuntong hininga nya, okay naguilty ako bigla.

Pinaandar na nya ang sasakyan saka naman bumuhos ang ulan. Wrong timing naman 'tong ulan 'e, sinigurado pa talagang tapos na kami sa pagda-drama bago bumuhos. Ang romantic sana.

“Ay tangina” bigla akong napamura dahil sa pagkilat na may kasama pang pagkulog.

“Tara na!” inis kong sigaw ng mapansin ko syang pinagtatawanan ako dahil sa reaksyon ko.

Nginitian pa nya ko sa rear view mirror pero inirapan ko sya. Lihim akong napangiti. At least napatawa ko sya. Hays, ano kayang pag-uusapan namin?





The Dreamer's Love (Completed)Where stories live. Discover now