Chapter 3

0 0 0
                                    

Chuchay's POV

“Order lang ako. Upo ka muna dito

Ang laki ng bahay ng crush ko shet! Mabuti na lang ng pagkapasok namin sa bahay nya dun bumuhos yung ulan. Hindi naman kami nabasa kaya nga lang parang hindi ako makakauwi sa lakas ng ulan.

“Anong gusto mo, water, juice or coffee?” nilingon ko sya.

Tapos na pala syang mag-order. Nagpalit din sya ng white shirt at above the knee na shorts. Hays, ang gwapo.

“Hey” nabalik ako sa reyalidad dahil sa pagsalita nya ulit.

“A-ano?”

“Ano kako gusto mo, water, juice or coffee?” pag-uulit nya saka umupo sya sa sofa na kaharap ng inuupuan ko.

“U-uhm, mag Chuckie kayo?” narinig ko ang mahinang pagtawa nya.

“Meron naman, yun ba gusto mo?”

“Oo, paki-init na lang” tumawa sya ulit. Nakakaadik ang tawa nya ang gwapo pa nya lalo.

“Sige, wait. Manang!” agad namang may sumipot na maid sa tabi nya.

“Chuckie nga po” aniya.

“Wala 'ho tayong Chuckie Miss Ice” anang maid.

“Ahh, ganun ba? Teka lang” ngumiti sya sakin bago may kung anong pinindot sa cellphone nya at may tinawagan.

“Hello?—Yes, this is Ice—Can you bring me 12 boxes of Chuckie?”

Fudge! 12 boxes?! E sa isang box, this year naglalaman na ng 12 Chuckie's yun. 12 times 12 equals 144?! Damn, paano ko mauubos yun? Okay, assuming na Chuchay, pero ako lang naman. Grabe yung 12 boxes ha.

“Okay—Thank you—I'll send you the address—My butler—Thank you” saka nya tinapos ang tawag.

“Hermes!” aniya at may dumating naman na lalakeng naka-white tuxedo.

“Pakikuha yung pinadeliver kong Chuckie sa office” utos nya rito.

“Yes Miss Ice” sagot nung butler nya ata.

Ngumiti lang sya saka umalis na iyong butler nya. Nandito pa din yung maid na pinatawag nya.

“Manang Marie pagkarating ni Hermes paki-init na lang 'ho ng Chuckie” utos nya rito, tumango naman iyong maid.

“Makakaalis ka na 'ho” saad nya saka umalis iyong si Manang. Ngumiti sya sakin bago nya kami iniwan.

Nabalot kami ng katahimikan. May kung ano kasi syang ginagawa sa cellphone nya kaya inilibot ko na lang ang paningin ko sa kabuuan ng sala nya.

Ang ganda ng chandelier, mukhang mamahalin. Infairness, ang linis ng bahay nya at ang bango pa. Malaki siguro yung sweldo ng mga tauhan nya dito, mag-apply kaya ako.

Nag-eenjoy ako sa pagtingin sa paligid ng tumikhim sya bigla kaya napalingon ako sa kanya. Ako na din ang nag-iwas ng tingin ng magtagpo ang titig namin at napansin kong nakatitig sya sakin.

“Sorry nga pala kanina pinag-intay kita” saad nya.

“Anong sorry? Ilang minuto akong nag-intay dun. Bakit ka nga pala nagtagal?” sagot ko pero hindi pa rin nakatingin sa mga mata nya.

Para kasi akong matutunaw. Ramdam ko din nakatitig sya sakin. Lord, ayoko pangmatunaw.

“Na-receive ko kaagad ang text ni Rey pero hindi ako naka-alis agad dahil sa mga paparazzi” napa "ahh" naman ako kasabay ng pagtango dahil sa rason nya.

The Dreamer's Love (Completed)Where stories live. Discover now