Chapter 4

0 0 0
                                    

Chuchay's POV

Three months na din since naging kami ni Ice. Ang masasabi ko lang sya na talaga.

Halos wala kaming pinag-awayan sa tatlong buwan na yun. Kung may misunderstanding's man hindi agad lumalaki kasi nagpapaliwanag kami both sides.
Halos araw-araw nya kong pinapakilig, pinapatawa at higit sa lahat araw-araw pa din akong nafa-fall sa kanya. Ang saya ko kapag kasama ko sya magpunta sa kung saan. Kahit nga nasa bahay lang kami ang saya ko pa rin.

Sobrang kontento na ko dahil meron akong Ice. Sobra sobra na nga sya sakin 'e. Wala na kong hihilingin pang iba kay Lord, naibigay na nya sakin ang blessing na hindi ko kayang bitawan.

Ngayon ang 3rd monthsarry namin. Gusto nya daw kasing mag-celebrate ng monthsarry kasi gusto nyang ienjoy at i-treasure ang mga buwan na merong kami at memories na din daw. O, diba ang sweet.

'Inggit pikit'

“Hey hon, what's your plan?” tanong nya sakin.

Kakagising pa lang namin at kumakain ng cereals habang nanonood ng We Bare Bears. Nandito kasi kami sa bahay nya ngayon since may shooting sya kahapon kaya sinamahan ko na sya dito. Buti na nga lang at hindi natiming ang misyon nya ngayon.

“Wala naman. Makasama lang kita, okay na ko” inosente kong ani habang sa tv pa din ang atensyon ng mapansin kong natigilan sya.

Napapantiskuhan akong lumingon sa gawi nya at nakita ko ang mala-kamatis sa pula nyang pisngi. Natawa ako kaya nag-iwas sya ng tingin.

“Bat ka ba namumula?” natatawa kong puna sa kanya.

“Wag ka kasing babanat ng ganyan 'pag hindi ako prepared. Kinikilig ako 'e” rason nya.

Natatawa pa din ako habang tinutuon ang atensyon sa tv. Ang cute nya talaga kapag namumula sya.

“Ikaw anong plano mo? Wag mo sabihing wala din at basta makasama mo lang ako okay na, gaya-gaya ka na masyado” pang-aasar ko pa sa kanya.

Nagkamot naman sya ng ulo. Tamo, huli ang loko. Hindi nya magagawa ang mga da moves ni Chuchay 'no.

“Since wala ka din namang gagawin. Dito na lang tayo sa bahay at mag-Netflix, okay ba yun?” aniya. Tumango na lang ako at umusog papalapit sa kanya at mas idinikit ang katawan ko sa katawan nya at relax na relax na kumakain ng cereals.

_________

Kagaya nga ng sabi nya, nasa kwarto lang kami buong hapon at nanonoos ng Netflix. Hindi naman kasi nakakaumay kasi puro Korean ang pinapanood namin kahit ayaw nya keri pa din. Ako kasi batas at gold ako kaya wala syang magagawa.

Pero grabe talaga ang ka-sweetan nya. Paminsan-minsan nyang idinidikit ang ilong nya sa leeg at batok ko sabay sabing “Ang bango mo hon”. Tapos minsan nilalaro-laro nya buhok ko. May time pa ngang bigla na lang sya yayakap at hahalik sa noo.

Hindi nya alam sa simpleng galawan nyang yan ay mas nahuhulog ako sa lokong 'to. Halos buong maghapon, ang bilis ng tibok ng puso ko.

Since umalis sya kanina kasi daw may pupuntahan syang importante, maghahapunan na din naman kaya nagluto na ako.

Niluto ko syempre ang paborito nyang tortang talong at pochero. Favorite nya kasi talaga 'to at gusto ko talaga syang ipagluto kaya kahit si Youtube ay hindi nakapalag sakin.

Hindi din naman mahirap kasi tinawagan ko kanina si Kabalyero at nagpatulong magluto ng tortang talong. May mga tumutulong din naman sakin kaya okay na din.

Pero anong oras na. Tapos na kong magluto at mag-set ng simpleng dinner date pero wala pa din sya. Ang dami ko na ngang text sa kanya.

To: My honeybee

The Dreamer's Love (Completed)Where stories live. Discover now