Chapter 5

0 0 0
                                    

Chuchay's POV

@chuchayniyelo

'Happy anniversarry motherfucker @iceicebaby'

Pagkatapos kong i-tweet iyon ay hindi ko na pinansin ang cellphone ko. Napalingon ako sa katabi kong gising na gising at nakatitig sakin.

“5..4..3..2..1” aniya kaya napapantiskuhan akong napatitig sa kanya.

“Happy anniversarry” aniya saka ginawaran ako ng halik sa labi.

“Happy anniversarry hon” sagot ko.

“Mabuti na lang at nai-tweet mo iyang post mo at exactly 12 midnight” natatawa nyang saad kaya natawa na din ako.

“Buti nga lang at may silbi din pala ang kabagalan ng internet” natawa ulit kami sa sinabi ko.

Exactly at 12 midnight, June 17, our first anniversarry. Ang bilis ng panahon. Para kailan lang nagse-celebrate kami ng second monthsarry but now?

Wala pa ring pinagbago sa loob ng isang taon. Kilig, tawa at saya pa rin ang pinagsasaluhan namin. Walang galit, inis o tampo sa pagitan namin. Walang nag-try na makipag-break.

Ang sarap lang isipin. Sa dinami-rami ng pwedeng maging kasintahan nya ako pang napanaginipan nya lang.

Sobra-sobrang swerte ko na kay Ice. Mahal na mahal ko sya.

“Ang bilis ng panahon 'no” aniya.

“Oo nga”

“May plano ka bukas?”

Inilagay ko pa ang kamay ko sa baba ko na animoy nag-iisip.
“Hmm, wala” sagot ko saka napakamot ng ulo. Wala na talaga akong maisip.

“Tae mo, isusurprise mo nanaman ako. Iniisip ko na kung ano 'e” aniya saka mahina akong binatukan.

“Makabatok ha. Sino kaya 'tong nang-prank ng fifth monthsarry. May pa-break-break pang nalalaman may pa instax at dinner naman pa lang inihanda” pang-aasar ko sa kanya na parang sariwa pa talaga ang nangyari noong fifth monthsarry namin.

“At least yun lang. E yung sayo, nadatnan ko pa kayong magkausap ni Knight na akala ko lalake mo noong first monthsarry natin, may pa-surprise naman pa lang nalalaman

“Mas worse sayo tanga. Nagdala ka ba naman ng babae dito nung ninth monthsarry natin, muntik na tayong maghiwalay ng walang halong joke nun”

“Tss, hindi mo nga nagawa kasi adik ka sakin” mayabang nyang saad habang naka-smirk pa ang loko..

“Ulol”

“Bakit totoo naman”

“Sino ba 'tong nagpa-interview sa Ebuzz para lang maka-meet ako?” may panunudyong sagot ko sa kanya.

“Wews”

“O, tamo talo ka na”

“Mahal kita

Agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Walang pinagbago ang reaksyon ko noong bago pa lang kami hangang ngayong isang taon na kaming magkasintahan sa mga galawan nyang ganyan.

Ganun pa din, if ever nga mas sobra ang kilig na nararadaman ko. Kaya ayoko na talagang pakawala 'tong tukmol na 'to. Swerte ko na talaga dito

Hindi ako sumagot at ginawaran lang sya ng halik sa labi. May katagalan iyon at ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nya sakin.

The Dreamer's Love (Completed)Where stories live. Discover now