OGL 11- Ikaw at Ako

15 1 13
                                    

Hi mga mahal! Another update for you <3

This Chap is dedicated to ate @emncee, thank you ate sa patuloy na pagsuporta sa kwento ni Gab at Sam. Love you ate <3

By the way check out her stories, sobrang ganda din ng mga stories ni ate Em and super bait din niya <3

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Samantha's POV

Sabi nila ang pag-ibig daw walang sinusukat na haba ng pagsasama, maikli o mahaba man daw ito kung ang dalawang taong pinagbuklod ng tunay pag-ibig ay mananatiling tapat sa kabila ng mga pagsubok na kanilang pinagdaanan walang sinuman o anuman ang makapaghihiwalay  sa kanila.

***

Ito na ang araw na pinaka hihintay naming lahat, ang muling pagbubuklod ng mga puso ni Nana Tessa at Tatay Tonyo. Maaga kaming nagising nila Dianne para ihanda ang mga gagamitin namin sa pag-aayos kay Nana. Ang mga lalaki naman ang bahala kay Tatay Tonyo dahil alam naming papalaot siya ngayon ay sinamahan siya nila Gabriel at wala pa rin silang ideya ni Nana na ikakasal sila ulit ngayon. Lahat ng tao dito sa Sitio Maligaya ay abala na sa pagluluto, sa ilang linggo naming pag peprepare ng kasal nila Nana ay naipamalita na namin ito sa lahat at buti na lang at nakisama ang lahat ng tao dito para hindi makahalata sila Nana na may kasalang magaganap ngayon. 


Gising na rin ang mga bata at kasama nila ngayon si Ate Chloe, ang nanay nila Carlo at bunsong anak nila Nana Tessa, kakauwi niya lang kahapon galing Dubai dahil last month pa namin ito pinlano ay nakauwi si ate Chloe bago ang kasal. Kanila Dianne siya natulog kagabi dahil isa ito sa sorpresa namin kanila Nana. Mag dadalawang taon na din kasing hindi nakaka uwi si Ate Chloe at nagpapasalamat siya dahil sa espasyal na okasyong ito naka uwi siya. Ang Dalawang nakatatanda naman niyang mga kapatid ay kanina lang dumating kasama ang kani-kaniyang pamilya

Bago namin puntahan si Nana sa kwarto nila ay nakapag bihis at nakapag ayos na kami, ako ang naka tokang gumising kay Nana at magsabi sa kaniya tungkol sa surprise wedding na ito.

Habang naghihintay sa labas sila ate Stacey ay dahan-dahan kong ginising si Nana.

"Na gising na po" hindi naman nag tagal ay unti-unting dumilat ang kaniyang mga mata

"Oh Sam ang aga mo naman atang nagising" bumangon na si Nana at tinitigan niya ang ayos ko

"May pupuntahan ka ba Nak? Bat naka ayos ka?" Nginitian ko muna siya bago siya sagutin

"Meron po Na at sasama ka po dahil may espesyal na okasyon tayong pupuntahan" nagulat siya sa sinabi ko at dali-dali siyang umalis ng kama

"Ano ka ba namang bata ka bakit ngayon mo lang sinabi?" Natawa ako ng konti dahil natataranta si Nanang ayusin ang higaan nila

"Na ok lang po mamayang tanghali pa naman po pero kailangan na namin kayong ayusan, pero bago po yun kain po muna kayo dito" Ngayon lang ata napansin ni Nana na may pagkain sa maliit na lamesa nila dito sa kwarto

"Bakit ipinasok mo pa ito dito pwede naman tayo sa hapag kainan?" Nilapitan na ni Nana ang nakahaing breakfast niya at nagsimula ng kumain

"Hay Na, huwag na po maraming tanong. Kain lang po kayo jan after po niyan ay kailangan niyo na pong maligo ha? Nag-init na po ako ng tubig na panligo niyo" 

"hay ikaw talagang bata ka" Naiiling na lang si Nana at ipinagpatuloy ang pagkain

Nag-uusap lang kami ni Nana habang kumakain siya at hinahanda ko ang mga gagamitin para ayusan siya, at kanina niya pa ako kinukulit kung anong okasyon ang pupuntahan namin at sabi ko secret muna dahil surprise yun haha

One Great Love (On-Going)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora