OGL 13- I've Fallen For You

8 0 0
                                    


Samantha's POV

Mahirap magmahal kung nabubuhay ka sa takot, takot na magkamali at masaktan. Pero mas nakakatakot yung susugal ka sa isang bagay na alam mong umpisa palang talo ka na. Pero ano nga bang laban natin kung pag-ibig na ang kumakatok sa puso natin? Mapipigilan mo nga bang pumasok siya sa sistema mo? I don't think so, dahil yun ang nangyari sa akin.

*****

Ito na ang huling araw ng paliga at ngayon din gaganapin ang championship. At kung sinuswerte ka nga naman ang makakalaban pa nila Gab ay yung grupo nila James! Nakakaloka! Kaya kanina pa mainit ang ulo ng isang ito dahil kanina pa din sila inaangasan ng kabilang grupo, parang mga bata kaloka.

Bago sila pumunta sa court tinawag ko muna si Gab para pagsabihan

" Psst! Huwag puro init ng ulo ang pairalin ha? Sasapakin kita pag nakipag away ka sa mga iyan"

"Oo na oo na, pero pag nandaya sila pasensyahan na lang" Tinalikuran na niya ako bago ko pa siya mapagsabihan ulit. Haist ano bang gagawin ko sa lalaking yun?

At nagsimula na nga ang bakbakan este ang laro, naggagwardyahan pa talaga ang dalawa kaloka, may mapang-asar na ngisi si James habang seryoso lang ang mukha ni Gab. Kung di ko lang kilala ang isang toh iisipin mong chill lang siya at di apektado sa pang-aasar nung isa pero dahil kilala ko siya alam kong nagpipigil na lang iyan manuntok. Minsan nakakatakot din talaga galitin ang isang Gabriel Sky Villanueva base on experience ito mga besh story time muna habang busy sila sa pagpasa at pagshoot. Nung nakaraang linggo kasi hiniram ko ang pinakamamahal na camera ni Gab at may nagawa akong nakapag pagalit talaga sa kaniya tho di ko naman sinasadya may napindot ata ako sa cam niya at nadelete ang ilan sa fave shots niya dito sa Quezon kaya ngayon bumabawi ako at ginawa akong photographer ng loko at bilin niya pa dapat daw gwapos siya at makuhanan ko ng magandang angle ang pagshoot niya ng bola, akala mo naman talaga makakashoot

"VILLANUEVA FOR 3!!!!" At dumagundong na naman ang sigawan sa gym dahil pumasok ang tira ni Gab na tres, oo na magaling nang maglaro ang mokong na toh buti na lang nakuhanan ko.

***

Nasa 4th quarter na ang laro at dikit pa rin ang labanan dahil hindi din naman maitatangging magaling din maglaro ang kabilang grupo kaya hindi din nalalayo ang score nila pero sa puntong ito lamang sila James ng dalawang puntos at 15 seconds na lang ang natitira, saktong nasa kamay ni Gabriel ang bola pero mahigpit ang pagkakabantay sa kaniya ni James at ako ang kinakabahan dahil isang maling galaw lang ni Gab matatalo sila

10..

9..

8..

Nang maka bwelo ay tinira ni Gab ang bola at pigil hininga kami sa puntong ito

7..

6..

5..

4..

3..

2..

1..

Bumagsak na lang ang balikat namin nang hindi pumasok ang bola, napatingin kaagad ako kay Gabriel na hanggang ngayon ay naka salampak pa rin sa sahig dahil sa pagkakabaksak niya pagkatapos niyang itira ang bola. Nilapitan kaagad siya ni Kuya Ryle para tapikin sa balikat gusto din sana niya itong tulungan tumayo ngunit nakatungo na si Gabriel kaya binulungan na lang siya ni Kuya Ryle sumunod ding lumapit si Ryan at tinapik din ang amo niya. Dali-dali din namin siyang nilapitan, haharangan pa sana ako ni James sa daan pero dahil sa inis ko ay tinulak ko siya para makadaan ako.

Maingay ang paligid, may mga nadidiwang at may malungkot din dahil natalo ang sitio namin pero ang paningin ko ay nasa lalaking hanggang ngayon ay nakasalampak pa rin sa sahig at nakatungo na para bang wala siyang balak tumayo doon, huminga muna ako ng malalim bago ako tuluyang makalapit sa kaniya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Great Love (On-Going)Where stories live. Discover now