OGL 5: Dayo

22 3 3
                                    

Samantha's POV

"Ate Sam! Gising na po, mamasyal daw po tayo sabi ni Nana" sabi ni Anna sabay yugyog sa akin

"Hmmm, mamaya na Anna inaantok pa ako"

"Eh! Ate sige na maraming tao sa bayan ngayon, saka diba kaya ka nga po nandito dahil nagbabakasyon ka? Tapos mag iistay ka lang po dito sa bahay" sabi niya habang patuloy akong hinihila patayo

"Ito na po, ito na po tatayo na" kunwaring napipilitan akong tumayo at sinimangutan ko siya, nakita ko naman siyang naka ngisi sa akin. Pasalamat talaga ang batang 'to

"Ligo ka na ate, para makakain na tayo"

"Sige susunod na ako" lumabas na siya ng kwarto ko habang nag cha-chant ng "mamasyal kami"

Napailing na lang ako sa kakulitan ng batang iyon. Hay buti pa ang mga bata simpleng pamamasyal lang masaya na sila. Ok Sam stop right there, ang aga-aga nag dadrama ka diyan. Bago pa mapunta sa kung saan ang pag dadrama ko, tumayo na ako at inayos ang higaan ko. Lumabas na ako ng kwarto pagkatapos kong kunin ang mga gamit kong panligo. Sa labas pa kasi ang CR, tipikal na bahay sa probinsya.

Nag good morning muna ako kay Nana, na busy sa pagluluto ng agahan namin. Lumabas na ako dahil nasa likod bahay ang CR. Panatag naman ako na walang mamboboso sa akin dito dahil maliban sa mababait ang mga tao dito, takot din sila kay Nana.

Pagkatapos kong maligo ay bumalik na ako sa bahay, para makapag agahan na kami.
Tumabi ako kay Anna dahil yun na lang ang bakanteng upuan, bago kami kumain ay nanalangin muna kami. Pagkatapos magpasalamat sa biyaya ay sinimulan na naming kumain, nakakamiss mag agahan dito sa probinsya. Lalo na kung Sinangag na kanin, daing at tortang talong na may masarap na sawsawang suka ang nakahain sa harapan mo at mas masarap kung magkakamay ka. Masaya naming pinagsaluhan ang agahan. Napag usapan na rin namin kung saan kami mamasyal, sasamahan ko munang mamalengke si Nana dahil araw ng palengke ngayon sa bayan kaya mas mura ang mga bilihin. Habang sila tatay Tonyo naman ay mag-iikot sa palibot ng plaza, may hindi kalakihang parke daw doon at may playground kaya hindi na makapag hintay ang mga bata. Pagkatapos kumain ay nag gayak na sila para umalis, nag prisinta ako na ako na ang maghuhugas ng mga pinag kainan namin nakabihis na rin naman ako.

Habang hinihintay sila, lumabas muna ako ng bahay. Pinagmasdan ko ang payapang dagat, maaliwalas ang panahon ngayon hindi pa masyadong tirik ang araw dahil maaga pa naman. Habang dinadama ko ang malamig na simoy ng hangin, iniisip ko na kung paano ko sisimulang isulat ang ideyang matagal ng naglalaro sa aking isipan. Nahihirapan akong simulan dahil hindi ko mahanap ang inspirasyon para sa kwento na iyon, may kulang lagi kapag sinusubakan kong isulat. Kaya ako nandito sa Quezon nagbabakasakali ako na mahahanap ko dito ang sagot kung bakit nahihirapan akong simulan at kung bakit bumabagabag iyon sa aking kalooban. Napahinga na lang ako ng malalim.

"Ang lalim naman nun apo, may problema ba?" Napatingin ako sa nag salita, si Nana lang pala. Nginitian ko siya at tumabi naman siya sa akin

"Wala naman po Nana"

"Sa akin ka pa ba magtatago? Sam kung may problema ka, alam mong handa akong makinig. At may ipapaliwanag ka pa sa akin, bakit bigla kang nagdesisyon na magbakasyon dito?" Hay sabi ko nga hindi ako makakatakas kay Nana

"Gusto ko lang pong maranasan ang mga bagay na hindi ko pa nararanasan Nana, alam ko naman kasing maikli na lang ang oras ko dito sa mundo"

"Ano ka ba namang bata ka, huwag mo ngang sinasabi iyan matagal ka pang mabubuhay. Isipin mo na lang ang mga kaibigan mo, kami. Nandito kami para alalayan ka, at hindi kami nawawalan ng pag-asa na gagaling ka kaya sana ay ganon ka din. Huwag kang mawawalan ng pag-asa apo, huwag kang mapapagod na maniwala na gagaling ka." Hinawakan ni Nana ang mga kamay ko, hindi ko naman napigilang lumuha

One Great Love (On-Going)Where stories live. Discover now