OGL 1

38 3 3
                                    

Habang hawak ang isang papel, malalim ang iniisip ni Samantha kaya hindi niya naririnig ang pagtawag ng kanyang mga kaibigan.

"Hoy Glyn Samantha! Aba kanina ka pa namin tinatawag ah, bingi lang teh? Isang malakas na batok ang natanggap niya sa kaibigan

"Aray ko Angel! Ang sakit kaya nun, batukan kita jan eh." Angal niya

"Eh pano ba naman kanina ka pa namin tinatawag hindi mo kami pinapansin, ano ba yang hawak mo?" Sabay kuha sa papel na kanina pa hawak ni Sam

"Result yan nung huling checkup ko." Malungkot na pahayag niya

"Oh ok naman ah, ok pa naman yung puso mo. Eh bat ganyan ang mukha mo? Diba dapat masaya tayo kasi mabubuhay ka pa ng matagal? Nakangiting sabi ni Louie, na alam naman nilang pilit lang para magkaroon lang ng pag-asa ang kaibigan

"Girls we all know na panandalian lang yan, and soon I'll be gone"

"Please don't say that, makakasama ka pa namin ng matagal." Louie said then wiped the tears in her eyes

"I hate to say this but we just have to accept it" Samantha sighed and hug her friend, sa kanilang tatlo kasi si Louie ang ipinaka sensitive pag ganito na ang usapan.

"Alam niyo kayo ang dadrama niyo, ihahug ko na lang kayo tutal ako naman ang pinaka maganda sa ating tatlo" Angel said then hug her friends, sa kanilang tatlo siya talaga ang tagapagpalakas ng loob nila

"Bruha ka, anong konek ng kagandahan mo sa pinaguusapan natin?" Louie said while laughing

"Wala pero totoo namang mas maganda ako, huwag ng umangal. Ako ang pinakamatanda dito." They just laugh sa kalokohan ng kaibigan

"Sam may ipapakilala pala kaming gwapo sayo, kaya ka namin tinatawag kanina" Louie said while grinning

"Ayoko wala ako ng time para sa mga ganyan" Sam said while writing on her notebook

"Eh Sam sige na, para magkalovelife ka na. Please" pangungulit ni Louie

"Oo nga Sam, para naman hindi lang puro notebook mo ang kinakausap mo." Sigunda naman ni Angel

"Tigilan niyo ko, at tantanan niyo ang notebook ko alam niyo naman na dito ako nagsusulat ng stories" Sam said while protecting her notebook from her friends

"Yun na nga eh, sa imahinasyon ka lang nagkakalovelife, bakit hindi natin totohanin? Angel said
"Basta ayoko, period." Sam said then walk out. "Please fall in love, hanapin mo yung taong mamahalin mo." Louie begged her friend kaya napahinto si Sam sa pag alis

"I want to but I can't, I just can't. Paano ko mahahanap yung taong mamahalin ko habang buhay kung walang kasiguraduhan kung hanggang kailan ako mabubuhay sa mundong ito? She felt tears falling from her eyes.

She believes in love

She knows it exist

She wants to experience how love works

Pero mukhang imposible nang mangyari yun, ayaw niya nang umasang may makikilala pa siyang lalaking magmamahal sa kanya

Ayaw niyang may masaktan pa siyang iba dahil sa kondisyon niya

Sapat na sa kanya ang pagmamahal ng mga kaibigan niya

"Hi Ma, Pa, Kuya, miss na miss ko na po kayo" Sam said while wiping her tears while looking at the tomb of her parents and brother

"Sandali na lang po siguro ang itatagal ko dito sa mundo at magkakatabi tabi na po tayo, ang sakit po sobra lalo na po pag nakikita kong nasasaktan yung mga kaibigan ko. Nakakapagod na din po kasing lumaban dahil alam ko naman po na sa bandang huli talo din ako. Sana nandito pa kayong tatlo para naman may kasama akong lumaban, sobrang miss na miss ko na po kayo."

Iyak lang siya ng iyak sa harap ng puntod ng kanya mga magulang at kapatid, dito niya lang naiilalabas lahat ng sakit, dito lang niya naiibuhos lahat ng luhang hindi niya maipakita sa mga kaibigan, at dito lang siya kumukuha ng lakas para lumaban pa.

"WHOOOH! Kaya ko toh. Sige po alis na po ako. Mama, papa, kuya, mahal na mahal ko po kayo." Paalam niya sa mga taong nagbibigay sa kanya ng pag-asa

Umalis siya sa lugar na yun na baon ay pag-asa, lalaban pa siya para sa mga kaibigan at para sa mga taong nagmamahal at humahanga sa kanya bilang manunulat na kahit hindi pa siya nakikilala ng mga ito.

--------------------------------
Lovelots,
Ate Ela

One Great Love (On-Going)Where stories live. Discover now