OGL 4- Sitio Maligaya

20 3 5
                                    

Samantha's POV

Ang Sitio Maligaya ay malapit sa puso naming tatlo, college kami nun nung una kaming maka punta dito. May outreach program ang school namin nun at dahil part kaming tatlo ng Journalism club kailangan naming sumama at para gumawa ng article dahil project din namin yun bilang MassComm students. Unang tapak pa lang namin sa lugar na yun alam na naming magiging parte na ng buhay namin ang mga taga roon, dahil pangalan pa lang alam na naming masiyahin ang mga tao doon. Payak ang pamumuhay ng mga taga roon, masaya sila sa pangingisda at iba pang ikinanabubuhay nila at ang higit na hinangaan namin sa mga taga roon ay ang pagkakaisa nila at pagiging masiyahin. Makikita mo sa kanila ang pagmamalasakitan at ang desiplinang walang katulad at pinapamunuan sila ni Nana Tessa ang kapitana ng Sitio Maligaya.

Masaya akong makabalik muli sa lugar na ito, matagal na din ng huling bumusita kami dito. Pero sa pagkakataong ito hindi lang ako bibisita kundi dito muna ako maninirahan sa loob ng tatlong buwan.

"Ate Sam? Ate Angel? Ate Louie? Wahhhh mga ate naming magaganda!!!" patakbong lumapit sa amin si Bea, isa sa mga batang tinuruan namin noon. Niyakap niya kami isa-isa at sumunod na ang ibang bata

"Mga ate ano po ang ginagawa niyo dito?" Magiliw na pag tatanong ni Carlo, kuya ni bea.

"Nandito kami para ihatid ang ate Sam niyo, kasi magbabakasyon muna siya dito" nakangiting sagot ni Angel pero alam kong malungkot pa rin siya at nag aalala

"Talaga ate Sam? Yehey! Eh bakit po si ate Sam lang? Eh kayo po ate Louie, di po ba kayo magbabakasyon dito?" tanong naman ni Anna ang bunsong kapatid ni Carlo at Bea, mga apo sila ni Nana Tessa. Lumebel muna si Louie kay Anna para magkapantay sila

"Hindi eh, may work kasi kami ni ate Angel niyo. Hinatid lang talaga namin ang ate Sam niyo para makasiguro kaming safe siyang makarating dito at para na din makita kayo kahit saglit" nakangiting sagot ni Louie habang inaayos ang buhok ni Anna

"Mga bata sino ba ang pinagkakaguluhan niyo dyan?" Napangiti ako nang marinig ko ang tinig na yun, si Nana Tessa.

"Nana sila ate Sam po nandito" si Carlo ang sumagot at tumingin kami sa direksyon kung nasaan si Nana.

"Ay siya nga? Aba'y hali kayo" nakangiting paanyaya sa amin ni Nana.

Lumapit kami sa kanila, kasama ni Nana ang ibang mga tanod at si tatay Tonyo asawa ni Nana

"Ano't naparito kayo dito mga hija?" tanong sa amin Nana pagkatapos niya kaming yakaping tatlo, nagsibati din naman ang mga kasama nilang tanod sa amin at nagmano naman kami kay tatay Tonyo

"at mabuti nadalaw kayong muli sa aming lugar" dagdag naman ni tatay Tonyo

"Sa totoo po niyan hinatid lang po nila ako dito dahil magbabakasyon po muna ako dito ng tatlong buwan, kung ok lang po sa inyo?" nakangiti kong pahayag

Tinignan muna ni Nana ang dalawa kong kasama para ikumpirma ang sinabi ko, at tumango naman ang dalawa. Alam kong kailangan ko pang magpaliwanag mamaya kay Nana, dahil alam niya din ang kondisyon ko.

"Oo naman, at sa bahay ka muna manunuluyan para may kasama ka at para makasiguro ako sa kaligtasan mo. Tiyak na matutuwa ang mga bata kapag sa bahay ka tumuloy"

"Maraming salamat Nana" Niyakap ko siya bago kami pumunta sa kanilang munting tahanan

"Nana hindi po kami magtatagal ni Louie kailangan din po naming lumuwas ngayong araw dahil may trabaho pa po kami bukas" Paalam ni Angel

"Ganon ba? Oh sige pero mag merienda muna kayo at pinabili ko si Carlo ng paburito niyong banana cue" Napangiti kami dahil hindi nakalimutan ni Nana ang paborito namin at matagal na din kaming hindi nakakakain ng banana cue at namiss namin ng sobra ang lugar na ito, dahil para sa aming tatlo ito ang safe haven namin or ang happy place namin

One Great Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon