OGL 7- Island of Love

11 1 3
                                    

Sa wakas nakapag update din! 5k words AN included, I dedicate this chapter to my Drawing Squad salamat sa advice niyo at sa walang sawang suporta ayiiee hahaha

Keep safe and Enjoy reading mga Mahal
--------------------------------------------------
Samantha's POV

Maaga akong nagising ngayon dahil pupunta kami ng bayan, mamimili kami ng mga dadalhin namin bukas. Monday na ngayon at bukas na ang start ng isang linggong paglilibot namin dito sa Quezon, sasama din sila Gab sa bayan ngayon para makapag pacheck up muna siya kay Doc Corpuz, nalaman kasi namin na may Medical Mission ngayon ang grupo nila Doc Corpuz sa bayan kaya makakapag pacheck up si Gab bago kami umalis bukas.

Ang Jeep muna nila Ryan ang gagamitin namin dahil wala si Tatay Tonyo ngayon dahil pumunta sila ni Nana ng Munisipyo at kaninang madaling araw sila umalis. Ibinilin din ni Nana sa akin na mamalengke na para sa supply ng isang linggo, may pasok naman ang mga bata kaya hindi sila makakasama sa bayan.

"Ate Sam, ready ka na?" nandiyan na pala sila

"Oo Dianne, saglit lang lalabas na din ako"

"Sige ate, hintayin ka na lang namin sa labas"

"Sige, salamat Dianne" Kinuha ko na ang bag ko at sa huling pag kakataon tinignan ko ang ayos ko sa salamin. Naka knee length pants lang ako at T-Shirt na may tatak na Quezon Province na binigay sa akin ni Nana nung nakaraang linggo. Hindi talaga ako fashionista, kaya nga laging nagagalit sa akin si Angel dahil wala daw akong fashion sense. Sa aming tatlo siya talaga ang mahilig mag-ayos at laging updated sa mga uso, kaya siguradong sasabunin na naman niya ako pag nakita niya ang ayos ko ngayon at sasabihin nun "Iyan talaga ang susuotin mo girl? Sigurado ka? Paano ka ika-crush back ng crush mo kung manang ka mag ayos, kaloka ka" naririnig ko talaga ang boses niya sa isipan ko
haist. Napailing na lang ako sa mga pinag iisip ko, bago pa ako mabaliw dito lumabas na ako at nakakahiya kung paghihintayin ko sila ng matagal.

Pagkalabas ko ng bahay ay naabutan kong naghihintay na sila sa may jeep kaya dali-dali na akong lumapit

"Magandang umaga, pacensya na kung medyo nalate ako hinatid ko pa kasi ang mga bata sa eskwelahan nila."

"Ano ka ba ate, ayos lang maaga pa naman eh." si Dianne ang sumalubong sa akin at kumapit siya sa braso ko, sumakay na rin kami kaagad. Si Kuya Ryle ang magmamaneho, kapatid siya ni Ryan.
Kasama namin sila ng girlfriend niya na si Ate Stacey sa isang linggong paglilibot namin dito sa Quezon, kami din ang sama-samang mamalengke ngayon. Magkatabi si Kuya Ryle at ate Stacey sa unahan at kasama ko naman dito sa likod si Ryan at Dianne. Napansin kong wala pa si Gabriel, magtatanong pa lang sana ako nang may sumakay, paglingon ko ay nagulat ako dahil saktong papasok si Gabriel, nahigit ko ang aking hininga. Nasa dulong kanan kasi ako naka upo sa tabi ng pinto ng jeep. Nagtama ang mga mata namin, bumilis ang pintig ng puso ko nang bigla siyang ngumiti.

"Magandang umaga" Nakakasilaw ang ngiti niya, kitang-kita ang mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin

"Ma-magandang umaga din" gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa pagkakautal, nahihiyang ngumiti ako sa kaniya bago umiwas ng tingin

"Ready na kayo?" tanong ni kuya Ryle habang pinapaandar ang makina

"Oo kuya, tara na baka may ihabol pa si Nanay eh" Si Ryan na ang sumagot, at atat na atat na siyang umalis binatukan naman siya ni Dianne dahil sa sinabi niya

"Baliw ka talaga Mahal, lagot ka dun pag narinig ka"

"Eh totoo naman kasi, kanina pa nagpapadagdag ng bibilhin si Nanay para naman kasing kasama sila bukas"

"Hay ewan ko sayo"

Habang nag aaway ang dalawa ay nagsimula nang magmaneho si Kuya Ryle.

Hindi ako makalingon sa harapan ko dahil katapat ko si Gabriel, naguiguilty pa rin kasi ako sa nangyari sa kaniya.

One Great Love (On-Going)Where stories live. Discover now